PUPian

Patapos na ang semestre, actually 2 linggo na lang yata. (Sana nga mabilang pa yung dalawang linggo na yun)

Masaya ako ng araw na yun, ewan. Siguro dahil papasok na rin ako sa isang unibersidad. Unibersidad na kahit sa panaginip eh hindi ko inasam na mag-aral. (O dahil yun ang nasa isip ko talaga mula nung bata ako)

Sa pag-andar ng sasakyang de padyak na singbilis ng pagong, ang oras naman ay tumatakbong sing bagal ng kabayo. Tahimik lang ako. Tahimik na tahimik.

Dalawang oras bago magklase, nasa PUP na ako. Alam kong hindi natural sa akin ang pumasok ng maaga, pero ewan ko kung bakit ganun ako kaaga nun. Siguro dala lang yun ng sobrang galak ko na sa wakas, Kolehiyo na ako.

Ang oras? Mabagal. Kung pede lang sanang pabilisin, gagawin ko na. Uhmm.. Pero sulit pa rin. Sa loob ng dalawang oras, napagmasdan ko ang kagandahang itinatago sa likod ng lumang straktura ng paaralang nagsilbing kanlungan ng ilang libong estudyante. Pero, di ko napansin. Nabulag na naman ako. Di ko nakita ang totoong kagandahan ng paaralang kakanlong sa akin.

Maganda ang PUP. Maganda nga. Sobrang ganda. Sira sirang bintana. Bitak bitak na bahagi ng paaralan. Paguhong hagdan. Kinakalawang na upuang yari sa kahoy. Inaamag na chalk. Sira sirang kubeta. Kita ko nga. Sobrang ganda nga ng PUP. Kaso, sabi lang nila yun. Sa nakita ko ng araw na iyon, ibang iba. Kakaibang tagpo. Nakakagulat, pero un ang totoo. Tama. Un nga ang totoo.

Oo nga. Maganda nga ang PUP. Pero san?

Dalawang oras akong naglakad lakad sa loob ng Unibersidad. Narating ko ang Linear Park. Anak ng tokwang hilaw. Amdumi talaga. Daming lumulutang na mga di kaaya-ayang bagay. Narating ko ang GYM. Salamat. Umaliwalas din kahit papano. Pero? Bakit parang yung mga baskotbolista lang ang may pribelihiyong gumamit? Siguro pede ngang gumamit ang iba pero kahit anong pilit, walang makakaligtas sa mapanghusgang mata ng tao. Ewan. Maganda nga ang PUP.

Sa paglalakad ko, narating ko ang Riles. Natural na tagpo. Mga barung-barong na bahay. Mga batang uhuging nagkalat. Mga tambay na walang magawa kung ang mag-abang ng mapagttripan. Mga “Alagad ng Pamahalaan” na walang ginawa kundi ang mamburaot sa mga drayber. Tama. Maganda pa rin ang PUP.

Mabilis ang kilos ko, pero mabagal ang takbo ng oras. Baliktad yata ngayon. Ewan. Sa kagustuhang makalayo sa “magandang” PUP, narating ko ang SM Centerpoint. Akala ko ligtas na ako dito, akala ko wala na akong makikitang mga tambay. Wala na akong makikitang mga masasamang loob. Akala ko rin di ko na sila makikita. Ewan. Ewan. Ewan.

Pitong minuto bago matapos ang isang oras sa natitirang oras para sa akin sa paggagala.

Nakita ko ang World of Fun, natuwa ako. Pero, panandalian lang pala, anak ng. Marami sila. Nagkalat sila. Diretso sa Quantum, ganun din ang tagpo. Mas sosyal nga lang ng kaunti at mukhang nakaligo kahit paano yung mga naririto ngayon.

Laro ng Metal Slug 4. Laro dito. Laro duon. Namiss ko ang kabataan ko, ganito rin ako noon.

Sa kalibangan ko, 20minuto na lang pala natitira sa akin bago mag-umpisa ang unang klase sa unang araw sa unang pagkakataaon na magkakaklase ako sa “Magandang Paaralan” na ito.

Malungkot mang umalis mula sa mundo ng kasiyahan, pinilit kong maging masaya. Di dahil sa gusto ko, kundi dahil sa magandang kinabukasan kong matatamo mula rito kahit pang di ko na nakikita sa aking panaginip ang mga bagay na iyon.

Habang nasa daan, nakita ko ulet ang mga nakita ko kanina. Ewan, pero may ibang kurot akong naramdaman mula sa ilalim ng puso ko. Kurot ng pagmamahal. Kurot ng.. Ewan. Di ko alam ang tawag dito.

Bago pumasok sa Gate ng PUP, narinig ko si Pylon. Oo, si pylon nga. Di naman ako siguro sira ulo di ba? Malamang imahinasyon ko lang yun, pero malakas ang paniniwala kong siya ang tumawag sa akin.

“moja, lika.. Dito ka. Kakanlungin kita para sa hinaharap. Iduduyan kita mula sa magulong mundo. Ipaghehele kita kahit pang kinasusuklaman mo ako. Ako ay parte mo. Tandaan mo yan. Ikaw ay magiging bahagi ko. Magiging bahagi ng kasaysayan. Makikita mo……di ka napaglumaan ng panahon, marami kayo. Buksan mo ang puso at isipan mo. May mga bagay na hindi nakikita at nararamdaman ng utak, pero nakikita at napahahalagahan ng puso. Basta. Dito ka. Kakanlungin kita..”

Bago ako nakapasok sa isang silid na may libo libong mukha. Nakita ko ang ngiti ni Pylon. Nakita ko ang pagdampi nito sa puso ko. Nakita ko sya. Totoo sya.

Napaisip ako.

Siguro. Yun nga. Mali ako. Mali ako. Mali. Maling mali.

Naghusga agad ako. Si Pylon. Nagbuhos ng buhay para mapangalagaan kami. Si Pylon na naging bahagi ng buhay ng bawat aktibista. Si Pylon na naging sila sa panahon ng kamangmangan.

Ngayon, di ako nagsisi.. Dala ko ang tatak PUPiano. Naging bahagi ako ni Pylon. At ako. Sa sarili ko, naging si Pylon. Sa pinakasimpleng paraan.

———————————————–
wala akong magawa, wala akong maisip na topic. Naisip ko lang, misnan pala, kapag inaantok ka na. Mas makagagawa ka ng isang bagay na may halaga. Ewan. Siguro yun lang iniisip ko ngayon. Ewan. Magulo. Magulong magulo.

Responses

  1. aztig pwede na

    —-dan brown

  2. Dan Brown

    Huwaw.. Akalain ko? Si Dan Brown pala eh marunong managalog? Nyahaha.. :d

  3. hi, u have a nice blog. sali kayo sa http://blogger.forumer.com or http://www.pinoyblogger.cjb.net pareho lang yan. community forum ng mga bloggers, you can promote ur site there! u must register 🙂

  4. am not bias, though im a PUPian… keep it up! Ang galing ng style mo in writing! 🙂

  5. Brew,

    salamat sa papuri.

  6. wow pupian! napadalaw ako sa iyong tahanan ka-isko! na miss ko tuloy ang pylon at walang katulad na refillable gulay!

  7. Tj,

    Refillable gulay? Umaygad.. Hehe.. ^_^ di ko pa nasusubukan yun ah. San banda sa PUP meron nun?

  8. ang galing heheheh tuition fee hike hinahanap ko eto natagpuan ko., anlufet ng gawa mu hehheh

  9. miss ko na ang pup,,,,,,jan din ako grad ..i took up ece there..naalala ko pag nag i-increase ng .50 cents un tuition…. haayy ansaya saya…walang pasok kase maingay

    hahahahah

  10. wahaha.. 😀 eh last time nagbalak ang admin na magtuition hike.. 500%! nyahaha. 😀 ayun, welga welga welga..

  11. hmm, tambay din kami dati dyan sa PUP eheste sa centerpoint pala, hehehe.

  12. haha. 😀 extension ng PUP ang centerpoint! wahaha..


Leave a comment