Posted by: earthlotus | Monday February 11, 2008

Bata..

Mula bata ako, sadyang malapit na ako sa mga bata. Mga batang 4taon hanggang 9 na taong gulang. Di ko alam, pero natutuwa talaga akong kalaro, kakwentuhan at kakulitan sila.

Isang rason kung bakit gustong gusto kong makipaglaro sa kanila eh dahil sa yung paglalaro lang yung buhay nila (dahil yun ang sa nakikita ko). Walang pasanin na problema sa buhay, tulog, kain at aral (eh? kelan pa toh?) lang lagi ang nasa ulo.

Gusto kong makalaro ulet ng habulan ang mga bata sa amin, yung mga batang tinuring akong kuya (na hanggang ngayon naman eh ganun pa din ang turing nila sa akin, napamahal na sila talaga sa akin), yung mga batang tinuring kong kapatid kahit pang mga uhugin sila, as long as bata.

Mas may maluwag na pananaw din kasi yung mga nasa ganitong edad, makulet magtanong.. makulet sa lahat ng bagay… at yun ang pinakagusto ko sa kanila. Natutuwa ako kapag kinukulit na nila ako, lalo na yung tipong magpapakyut pa talaga para lang mapagbigyan sa mga gusto nila. (oooh, wag green. haha. ^_6)

Inabot na ako ng 16 anyos nun pero ako lang ata sa lugar namin yung makikita mong nakikipaglaro ng habulan sa mga bata. Buong compound namin (since asa isang Muslim Compound kami nakatira, around 3000families ata ang nakatira, yep, 3000families nga. Estimated ko pa yun ah) nakakasaksi sa akin, at alam kong natatawa sila sa tuwing makikita nila akong lumilibot sa buong area namin kakahabol lang sa mga batang kalaro ko.

Tagu-taguan, habulan, mata-mataya, syato at patintero. Ayun, yun ang mga madalas namin laro. And since ako yung pinakamatanda, at ako ang pinakamabait (ahem), eh ako lagi ang nagpapaubayang maging taya. Haha. ^_6

Masaya, ganun lagi yung routine na nakaugalian nila. Ang maglaro. Sabi nga, di mo naenjoy ang pagkabata mo kapag hindi ka nakaranas na makapaglaro man lang. At para sa akin, walang saysay ang kabataan mo kung di mo man lang nalaro kahit isa sa mga laro nabanggit ko.

Yung mga ganung klaseng bagay yung gusto kong maranasan ulet, pero sa panahon ngayon, imposible ng magawa ko ulet yun. Kahit nga bata sa amin ngayon eh, mukhang iilan na lang ang nakakakilala sa akin dahil sa sobrang dalang akong makita sa area namin. Kung yung makita eh sobrang dalang, what more pa kaya ang maglaro?

Hanggang ngayon, isip bata pa din ako (di na nga lang mukhang totoy) at aminado ako dun.

Kaya nga, nung last December 27, natuwa akong tumulong sa Sangguniang Kabataan ng Barangay namin para sa Gift-Giving.

Ilang ngiti na matagal ko ng hinahanap yung nakita ko nung mga oras na yun, yung ngiting di kayang bayaran ng kahit anong halaga. Ngiti na bukal sa loob, yung ngiti ng pasasalamat. Ngiting mahirap matanggap mula sa kung sinumang hindi mo man lang kilala.

Ito yung ilan sa kanila..

 

At syempre, di naman pedeng ako eh mawawala sa kuhaan. Huwaw, di pede yun! Mahal kaya talent fee ng mga bata para makangiti lang sa camera. And besides, yung mga gantong ngiti yung nais ko. Yung mga ngiting di kayang bayaran ng salapi. Yung walang katumbas na halaga. Yung ngiti na nagmumula sa puso talaga.

 

 

After nung mismong gift-giving nun, pagod na pagod ako. Pagod pero masaya. Masaya kasi malaki ang kapalit ng tulong ko. Mga ngiti. Ngiti.

Kaya kahit pagod, ayos lang. Masaya naman eh! Haha. ^_^

Wasted na nga pala ako nyan.

(teka teka, pahabol… Nasabi ko bang di pa ako nakakaligo nung mga oras na yan?As in biglaan talaga kasi. Pasaway na SK Chairwoman yan, tamang panggulat lang eh. Haha)

Advertisements

Responses

  1. enjoyness! hehehe! happy valentines, brother. 😀

  2. cute.

  3. wushu lottie! iba ang balak mo sa mga bata eh! nyahaha
    -ang iyong ninong

  4. lol. ang saya nyo nmn.. ano ba ung ginagawa nga bata sa unang picture?.. ng kakagat labi ba yan?. 😉

  5. nice blog 🙂 keep writing


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: