Posted by: earthlotus | Monday January 7, 2008

7 days after… after 7 days…

Bagong taon na bagong taon pero amdaming nakapilang mga trabaho. Ganito na nga siguro talaga ang tinatawag na pagiging estudyante, tadtad ng mga ipinagagawa para lang sa numerong ibibigay sa kulay dilaw na classcard.

Amdaming nakapila, wait. Isa-isahin. After ko magawa lahat toh, balik na ako sa pagsusulat. Pramis! Malapit ko na mailabas yung bagong artik-serye ko. Yung I Laugh You Series eh mukhang itatago ko muna sa baul. May bagong kabanata. Umaasa pa kasi akong makakahanap ako ng kopya ng 3 Lost Episode ko. Bwahaha..

Web Page – project kay Prof. Novida, by WEDNESDAY ko pa sya actually uumpisahan, wala pa akong balak pasakitin ang ulo ko sa oras na toh.

Short Quiz sa OS – around 300 items ata? Di ko lang sure. Short Quiz pa lang yun. Don’t worry, di ko lang alam kung gaano kahaba yung LONG QUIZ. Ambait talaga ng prof namin. He really loves US, specially yung mga ******.

Java Program – case study sa JAVA, hahaii. Paduguan na naman ng ilong. Promise, pinakamatagal ko na syang pagpapasakitan ng ulo ang 3 araw. Limit na yun. Wag na masyadong maarte sa program. As long as error-free and walang mali sa logical sequence eh ayos na. Hmm. Kahit di na ako masyadong mag-inarte dun.

Org – pagmmerge ng tatlong Youth Organization sa area namin. Ako pasimuno nun eh, para sa amin na rin yun. By SUNDAY eh ayos na yun. Haha. ^_6

Liquidation – buti na lang si kapatid Khris Posadas yung nagrepresintang gagawa nun. Malay ko ba kung ano ang hitsura nun. Di ko alam din yung format na sinusunod eh, next liquidation eh ako na siguro gagawa para di naman nakakahiya sa kanya. By now, hahagilapin ko na lang muna ung mga dapat pumirma dun sa Petty Cash.

Assessment – Awts. Malapit na yung assessment na naman. And wala pa akong nagagawa. By thursday, tapos na yun.

One week lang toh, kayang kaya ko toh kasi may inspirasyon naman eh.

So bweno? After a week, balik na ako sa pagbblog.

Current…

Mood : Happy. Uu, uber akong masaya. Pasukan na kasi ulet, mangangarag na naman kasi ako netoh.

Status : TAKEN. Bwahaha. I’m taken. Yebah! Uu, seryoso ko. Sinagot na nya ako eh. Awhii!

Age : 17y/o – uu, batang bata pa ako. Proven and Tested. =)

Advertisements

Responses

  1. ahahaha! ambata mu pa pala… 17 yrs old. totoy na totoy.. ahahaha! ako 36 na eh.. wahahahaha!!! grabe! uber dami naman ng mga nagawa mu ngaung araw. tsktsk.. uuuuy.. binata na.. may shuta shuta na. hahahaha!!! 😛

    earthlotus: well, ganun talaga. haha. ^_6 uu, batang bata pa ako. turning 18, pero parang 36 kung mag-isip.. So baleh 54y/o na ako talaga. Haha. ^_6 Joke lang.

    Kailangan magrush, mahirap maging estudyante eh.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: