Posted by: earthlotus | Saturday December 22, 2007

Face it

9 days to go before mag-end ang taon pero mukhang marami pa ring problema akong dapat ayusin.

Kahapon, ginanap yung Unity Festival ng SYDP sa Green Field ng Quezon City Hall, and dapat sanang mayroon kami kahit isang entry man lang sa apat na competition na ginanap kahapon, kaso yung natitirang pag-asa naming yun eh bigla na lang naglaho ng parang bula.

Kumpleto ang lahat, may tugtog ng gagamitin para sa entry namin na isasabak sa Dance Competition, may budget din para sa foods and costumes na gagamitin ng mga participants, may reserved venue na rin na gagamitin para sa mga magpapapraktis… may dambuhalang tarp na rin para makapagpalakas ng fighting spirits na mga isasabak namin… walang problema sa costumes na gusto nilang gamitin since muslim tribal dance din naman ang gagamitin..

Kaso kaso kaso kaso, kahit gaano kakumpleto ang lahat kung sadyang ayaw kulang ang isasabak ko, di rin kakayaning makapagpasok ng entry kahit anong pagpipilit ang gawin ko.

The said competition needs atleast 15participants per entry. Kaso, dun pa lang eh kulang na kulang na kami. 6 lang yun eh. 6 lang yun naisasabak ko, pero paano?

Haishh. Takte talaga oh.

Kahapon ginanap yung Unity Festival and hiyang hiya ako. Hiyang hiya ako kasi nagmukha akong walang silbi. Naging audience lang yung mga kachapter ko, ilan lang din sa mga inaasahan kong member at alumni yung dumating. Honestly speaking, 8 lang kaming andun. Takte di ba? Di naman kasi ganun kaliit yung chapter namin eh pero sadyang pasaway lang ang mga loko kaya nagpapabunjing bunjing lang.

Kailangan ko na sigurong tanggalin yung imaheng pinakita ko sa kanila noon na yung mapagbigay na officer, siguro kailangan ko ng maghigpit kahit papaano.

Minsan, kailangan din magpakita ng kaunting paghihigpit, di tamang mabait ka lagi kasi nawawawalan na ng disiplina yun ilan.

Tapos na ang Unity Festival pero hindi yun ang dahilan para tuluyan na akong sumuko, di tama yun.

I’ll take this one as a challenge.

8 problems to go. Breakdown naten.

  • Proposal to merge with the other Muslim Youth Organization sa Area namin

Proposal toh para sa mobilization na kinakailangan namin at alam kong ganun din naman sila. I know that we share the same problems, ang mobilization. Ganun din sa iba’t ibang aspeto.

  • Paggawa ng By-laws ng SYA and para maiformalize na ang mismong org.

Matagal na rin yung mismong Org. But as I can see, we do not have a by-laws na nasusunod. Since, kinikilala ng Local Government yung mismong Org namin, time na siguro para gumawa ng by-laws para maformalize na rin kahit papaano.

  • Health. Mukha na akong dehydrated na langaw eh. Amf.

Mukha na ako talagang dehydrated na langaw, kailangan kong magpakalusog lusog ng konti. Ayokong magmukhang langaw.

  • Pimples. Oo, tadtad na ako ng pimples.

Ito yung pinakamalala kong problema, amf. Pano, nagkalat na yung spots na naiwan ng mga pimples na nagsisipagtubo sa mukha ko.

  • Family. Oo, pamilya ko nga.

Malala ang problema ko pagdating dito.  (pero mas malala pa din yung pimples ko) Medyo nagrerebelde yung kapatid kong babae. Di ko alam kung anong dapat kong gawin.

  • My name.

Adik na tatay ko yan, gustong papalitan talaga ang apelyido ko at isunod sa kanya. Ayoko nga. Masaya na ako sa pangalan ko at apelyido ko. Proud akong ako si Mohammad Chaidar A. Aguinaldo. Sapat na yung middle name ko yung apelyido nya. Haha.. ^_^

Sa isip ko, 8 talaga toh, pero 6 lang ang naalala ko. Haha. ^_^

Buti na lang talaga eh bakasyon, naku naku naku naku.. Kung school days pa siguro eh mamatay ako sa problema. haha. ^_^ Buti nakakayanan ko pa.

P.S. ( PaSakal o Post Script? )

Kaadikan ko, ngayon ko lang naalala, di ko pala naipost yung ikalawa artik-serye ko na dapat sanang noong DECEMBER 12 ko nipost, pasensya talaga. Sunod sunod kasi ang mga problemang dumating, kaya pati tuloy itong sarili kong nokbuk on information superhighway eh napabayaan ko na.

Advertisements

Responses

  1. Malulutas mo rin ang mga yan! Hehe!

    Ako rin, pimples ang problema!

  2. kung ayala de zobel ang apelyido nya,
    go! papalit ka na! wahaha!

    anu nga pala ulit blog url ni jesse?


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: