Posted by: earthlotus | Friday November 9, 2007

Kumander…

Huwaw, naaamoy ko na ang simoy na dala ng pag-ibig para sa lahat. Ikaw? Naamoy mo na rin ba? Ambango di ba?

Ngayon ko na lang ulet naramdaman ito, pero mas mukhang mas matindi naman ngayon.. Amoy na amoy ko ang simoy ng pagmamahal sa kapaligiran ko. Haha. ^_^

Nagkakilala kami ni Kumander noong bakasyon (2006).. Sa Quezon City hall. I never thought na sya ang magiging buhay ko ngayon, kumbaga, simpleng kaibigan at katrabaho lang talaga ang tingin ko sa kanya noon. Nagbago lang ang lahat nung nakaraan bakasyon (2007) ng makapagtrabaho ako ulet sa Quezon City Hall at sa di ko maipaliwanag na dahilan, sa iisang office lang din kami naibagsak, yun ang SSDD. Unti unti kong napapansin yung kung anung meron sa kanya na noon ko lang din naman napansin na nagiging dahilan kung bakit ako nangingiti lagi.

Simple lang sya. Medyo aanga anga minsan, medyo weirdo naman. Madalas tahimik, sinisipat ang mga taong nakapaligid sa kanya. Pero kahit ganun ang naipapakita nya sa amin, alam kong hindi talaga ganun ang ugali nya. Weird, medyo maangas, kakaiba ang mga trip tulad ko. Kumbaga, sa madaling sabi, nakikita ko ang sarili ko sa kanya.. Isang taong sinisipat muna ang mga bagong taong nakapaligid sa kanya, umaasang magiging kaibigan din nya ang lahat.

Di nagtagal, naging ganun din nga sya. Nakilala ko kung sino talaga sya. Naging ‘textmate’ na rin kami. Kahit pang alam naming may trabaho kami kinabukasan eh magkausap pa rin kami sa text. Madalas kaming inaabot ng alas-dos ng umaga, pinag-uusapan ang mga kung anu-anong bagay na bigla na lang susulpot sa amin.

Unti-unti akong nahuhulog na sa kanya nun. Di pa ako sigurado nung una, kasi nung mga panahon na yun, asa lugar ako ng pagkalito, naguguluhan kung ano talaga yung nararamdaman ko.

Hinayaan ko, siguro kakoh kung talagang sya na ung para sa akin, magiging kami (assuming di ba?) kahit anong mangyari. Hanggang sa… May isa akong kaibigan na nangungulet para maging ‘bridge’ ako para magkakilala sila ni Kumander. Nung una kong narinig yun mula sa isang kaibigan, nakaramdam ako ng inis sa di ko malamang dahilan. Selos kaya yun? O sadyang di ko lang gustong maging sila nung kaibigan kong yun dahil sadyang babaero yun?

Hmmmm. Ewan, naguguluhan ako. Nakipagpilitan pa sa akin si kaibigan para lang makuha yung numero ni kumander sa akin, na alam ko namang pwedeng pwedeng lapitan ni kaibigan si kumander at hingin ang numero nito kasi co-worker lang namin din sya. Engot di ba? Di ko lang alam kung sadyang pinanganak na aanga-anga si kaibigan o sadyang pinagttripan nya lang ako dahil mukhang nasesense nyang napapamahal na ako kay kumander.

After summer, pasukan na nun, umaasang sana di nga maputol hanggang dun yung pagkakaibigan namin. At buti na lang at mukhang nakikiayon sa amin yung tadhana, we’re been much closer than before, nakilala ko na sya ng lubusan, nagiging sobrang lapit na rin namin sa isa’t isa..

Swerte ko di ba? Ewan, basta ganun lang lagi ang takbo ng kwento namin araw-araw. Pinagsasadya na rin ng tadhana na maging magkasundo kami sa lahat ng bagay, isang bagay na hindi ko naranasan sa mga taong minahal ko.

Kilala na rin sya ni mama, kilala ko rin ang tita nya, pero ewan ko lang kung alam nila ang kung anumang meron sa amin ni kumander.

Kilala na rin sya ng mga handle kong isko na mula sa lugar namin, kilala na rin sya ng mga kapwa ko chapter president. Alam na rin nilang lahat ang takbo ng kwento namin. Nasubaybayan ika nga.

Kaso, mag-ano nga ba talaga kami ni kumander ngayon? Ewan, basta nagiging mas close kami (o sadyang ako lang nag-iisip nun, wag naman sana), mas close kesa noon.

Timplado ko na ang ugali nya kahit papaano, ganun din sya sa akin.

Mahal ko na si kumander, di ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung gaano ko sya kamahal, di ko rin alam kung ganun din sya sa akin tulad ng nararamdaman ko para sa kanya..

I love her, kahit di ganun ang nararamdaman nya sa akin, ayos lang (amkorni ah?) kasi nagmamahal naman kasi ako ng totoo. Wala akong inaasahang kapalit.

Hmm.. Ano pa nga ba? Basta yun na yun. Haha. ^_^

Teka, bat nga ba kumander?

Yun ang tawag ko sa kanya eh, tawag naman nya sa akin eh Cheetah. Ewan, biglaan lang. Sadyang malakas yung trip namin nung mga panahon na yun eh kaya ganun. Haha. ^_6

Tama nga sila, love is in the air. Naaamoy ko na ang simoy na dala ng pag-ibig sa buhay ko.

She completes me

Advertisements

Responses

  1. wag mong madaliin, dun din kau darating. just enjoy d tym n kasama mo sya…im happy for u…

  2. Uyy hanggang dito umabot ang amoy ahhh, sana mahawa ako hehe… Ang sarap talaga ng nagmamahal, hayyyz.

  3. nakss.. inlove…. 😀

  4. hay iba talaga pag inlab ano?

    ang swerte ni kumander sayo….

    xiao!

  5. Alindog,

    Yep! I will, haha. ^_^ mas okay kung hinay hinay lang.. mas nararamdaman eh. wahaha. ^_^

  6. Misyel,

    Naamoy mo rin pala? Haha. ^_^ Ambango noh? Masarap talagang mainlove.. awhii!

  7. Brath,

    Ako ang swerte sa kanya.. Wahaha. ^_^

  8. JeanGrey,

    Uu. Inlove na inlove. Haha. ^_^

  9. Uy in-love!!! Hehe! Naalala ko nung gelpren ko pa lang si esmi! Tawag ko sa kanya noon, general! 🙂

  10. teka. mukhang di ko na yata kayang basahin hanggang sa huli. natatawa ko eh. hehe. peace tayo.

    hoy ni-link kita, i-link mo rin ako, wala kang utang na loob! hahaha. may ganun? 😀

    http://bananakeik.net

  11. naks… ang saya naman.. dapat lahat ng lalaki ganyan.. proudly inlove kahit pa Cheetah ang tawag sayoh hihihi

  12. Kiko,

    Huwaw! Haha.. General? Kumander pa lang sa akin eh, haha. ^_^ eh ano naman tawag nya sa iyo?

  13. Bananakeik,

    Nyahaha. ^_^ may utang na loob ba ako? Sige sige sige.. Sabi mo eh, mahirap ng umangal at baka tadtarin mo ng mga alagad mo itong bahay ko. Nyahahaha.. ^_^

  14. Rhapsody,

    Nyahaha.. Dapat lang talaga, may kumander eh! Haha. ^_^

  15. nangangamoy pek… ahh dito pala yun galing! aha! inlabasan ka pala ngyon ah..hehe! congrats parekoy! binatang binata ka na talaga..masaya ako at nakalabas ka na sa aparador mo. magpainom ka naman!

  16. Gasti,

    Wahahaha.. Tingnan naten, pag nakaluwag luwag, medyo masikip pa sa bulsa eh. Haha. ^_^

    Asa loob pa din ako ng aparador, pinasok ko lang si kumander sa loob. haha. ^_^

    join ka? the more, the merrier! haha. ^_^

  17. noted yan ha! pag nakaluwang ka magpapainom ka..nyahahha! kelan namn yun? ilan ba kasya dyan sa aparador mo? baliw ako na lang mag video para masaya 😀

  18. noted yan ha! pag nakaluwang ka magpapainom ka..nyahahha! kelan namn yun? ilan ba kasya dyan sa aparador mo? baliw! ako na lang mag video para masaya 😀

  19. Gasti,

    Di ko pa alam kung kelan yun. Ahmm, mga 1000araw pa siguro mula ngayon, wahehe. @_@ (count down na! 3 years din ata yun ah)

    Malaki ang aparador ko, wag mo ismolin. Nyahaha.. Maximum of 200 heads kasya sa loob. Bale, 200 babae.. or 100 lalaki. Nyahahaha. @_@

    Wag video, baka kumalat sa net at patayin ako bigla ni kumander ng walang pasa-pasabi pag nalaman, hehe. @_@

  20. napadaan lang 🙂

    minsan ganun talaga, maraming nangyayari habang naglalakad. gusto ko ang style ng sulat mo, napaka-natural. sulat lang kaibigan.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: