Posted by: earthlotus | Tuesday April 1, 2008

woot!

Woot! Ayun, at sa wakas ay nakapaglipat bahay na din ako.

Isang buwan mahigit din akong nawala sa sirkulasyon.

At ngayon, dito na matatagpuan ang bago kong lungga!

And last post ko na din ito dito panigurado…

(at sa wakas, naka-.net na din ako! may nauna na sa .com eh)

>> EARTHLOTUS is here >>

Posted by: earthlotus | Monday February 11, 2008

Bata..

Mula bata ako, sadyang malapit na ako sa mga bata. Mga batang 4taon hanggang 9 na taong gulang. Di ko alam, pero natutuwa talaga akong kalaro, kakwentuhan at kakulitan sila.

Isang rason kung bakit gustong gusto kong makipaglaro sa kanila eh dahil sa yung paglalaro lang yung buhay nila (dahil yun ang sa nakikita ko). Walang pasanin na problema sa buhay, tulog, kain at aral (eh? kelan pa toh?) lang lagi ang nasa ulo.

Gusto kong makalaro ulet ng habulan ang mga bata sa amin, yung mga batang tinuring akong kuya (na hanggang ngayon naman eh ganun pa din ang turing nila sa akin, napamahal na sila talaga sa akin), yung mga batang tinuring kong kapatid kahit pang mga uhugin sila, as long as bata.

Mas may maluwag na pananaw din kasi yung mga nasa ganitong edad, makulet magtanong.. makulet sa lahat ng bagay… at yun ang pinakagusto ko sa kanila. Natutuwa ako kapag kinukulit na nila ako, lalo na yung tipong magpapakyut pa talaga para lang mapagbigyan sa mga gusto nila. (oooh, wag green. haha. ^_6)

Inabot na ako ng 16 anyos nun pero ako lang ata sa lugar namin yung makikita mong nakikipaglaro ng habulan sa mga bata. Buong compound namin (since asa isang Muslim Compound kami nakatira, around 3000families ata ang nakatira, yep, 3000families nga. Estimated ko pa yun ah) nakakasaksi sa akin, at alam kong natatawa sila sa tuwing makikita nila akong lumilibot sa buong area namin kakahabol lang sa mga batang kalaro ko.

Tagu-taguan, habulan, mata-mataya, syato at patintero. Ayun, yun ang mga madalas namin laro. And since ako yung pinakamatanda, at ako ang pinakamabait (ahem), eh ako lagi ang nagpapaubayang maging taya. Haha. ^_6

Masaya, ganun lagi yung routine na nakaugalian nila. Ang maglaro. Sabi nga, di mo naenjoy ang pagkabata mo kapag hindi ka nakaranas na makapaglaro man lang. At para sa akin, walang saysay ang kabataan mo kung di mo man lang nalaro kahit isa sa mga laro nabanggit ko.

Yung mga ganung klaseng bagay yung gusto kong maranasan ulet, pero sa panahon ngayon, imposible ng magawa ko ulet yun. Kahit nga bata sa amin ngayon eh, mukhang iilan na lang ang nakakakilala sa akin dahil sa sobrang dalang akong makita sa area namin. Kung yung makita eh sobrang dalang, what more pa kaya ang maglaro?

Hanggang ngayon, isip bata pa din ako (di na nga lang mukhang totoy) at aminado ako dun.

Kaya nga, nung last December 27, natuwa akong tumulong sa Sangguniang Kabataan ng Barangay namin para sa Gift-Giving.

Ilang ngiti na matagal ko ng hinahanap yung nakita ko nung mga oras na yun, yung ngiting di kayang bayaran ng kahit anong halaga. Ngiti na bukal sa loob, yung ngiti ng pasasalamat. Ngiting mahirap matanggap mula sa kung sinumang hindi mo man lang kilala.

Ito yung ilan sa kanila..

  Read More…

Posted by: earthlotus | Monday February 11, 2008

Countdown..

Umpisahan na ang countdown! Nyahaha. @_@ Sana ngayon eh wala ng humarang at makaangal pa.

Lalabas na talaga sya sa aparador, bwahahaha. ^_^

Ayhii. Excited na ako. (pumapalakpak na tenga ko. Haha. ^_^)

Posted by: earthlotus | Saturday February 9, 2008

By next week.

Konting ayos ayos muna. By next week, babayaran ko na sa bangko. Then siguro, before matapos yung linggo next week eh malamang nakalabas na rin sya. Haha. ^_^

Panibagong lipat bahay na naman ako, pero by this time eh sarili ko na sya. A good mean to start everything again. New life ika nga, but still, some of my write-ups here will also be transferred to that weblog. Haha. ^_6

Ito yung masaya dun, di na sya yung nakaextension sa wordpress, but a wordpress weblog pa rin naman gagamitin ko, gamay ko na rin kasi yung pasikot-sikot dito eh. Hmm. Basta basta basta.

Sana lang di ganun kahirap, patulong na lang sa pagpili..

Alin ba mas okay gamitin? Eweb or PhilHosting para sa paghhost? Hmm. Bahala na! Haha. ^_6

By wednesday ko sya babayaran, after 24 hours.. Ayhii! Hahah. ^_6 Kinikilig naman ako. Bwahaha.. ^_^ Basta basta basta.

Dun ko na din siguro itutuloy yung aking I Laugh You series.

Posted by: earthlotus | Sunday January 27, 2008

Breathless

You leave me breathless
You’re everything good in my life
You leave me breathless
I still can’t believe that you’re mine
You just walked out of one of my dreams

So beautiful you’re leaving me
Breathless
Breathless by Shayne Ward

Nakakatuwa naman. Ika-21th day na namin ngayon ni kumander. Pero parang ang 21 days mula ng sagutin nya ako ay sobrang iksi pa, at sa loob ng maikling panahon na yun e iba ibang kaadikan na ang mga nagsisipagpasok sa isip ko. Read More…

Posted by: earthlotus | Friday January 18, 2008

Checklist

Kakaibang topak ang nagsisipasok ngayon sa utak ko. Amdami kasing rumerehistro na dapat sanang mas inuna kong iprioritize, pero sa puntong to eh napabayaan ko na.

Maraming bagay na akong dapat sana eh ginawa ko na noon pa pero hanggang ngayon eh hindi ko pa rin magawa-gawa. Di ko alam kung anung meron at parang may isang dambuhalang harang na pumipigil sa akin para gawin ang mga naudlot na bagay. Read More…

Posted by: earthlotus | Monday January 7, 2008

After 2 years and a half

We’ve been friends for almost 2 years and a half.

Parang best bud na rin ang turingan naming dalawa. Friends sa umpisa, then after a year I confess na may gusto ako sa kanya. Presto, I don’t have to be boy-next door para magustuhan lang ng taong gusto ko. In my own simple way, I can make her feel that I AM THE MAN for her. Oha oha oha.🙂 Read More…

Posted by: earthlotus | Monday January 7, 2008

7 days after… after 7 days…

Bagong taon na bagong taon pero amdaming nakapilang mga trabaho. Ganito na nga siguro talaga ang tinatawag na pagiging estudyante, tadtad ng mga ipinagagawa para lang sa numerong ibibigay sa kulay dilaw na classcard.

Amdaming nakapila, wait. Isa-isahin. After ko magawa lahat toh, balik na ako sa pagsusulat. Pramis! Malapit ko na mailabas yung bagong artik-serye ko. Yung I Laugh You Series eh mukhang itatago ko muna sa baul. May bagong kabanata. Umaasa pa kasi akong makakahanap ako ng kopya ng 3 Lost Episode ko. Bwahaha..

Web Page – project kay Prof. Novida, by WEDNESDAY ko pa sya actually uumpisahan, wala pa akong balak pasakitin ang ulo ko sa oras na toh.

Short Quiz sa OS – around 300 items ata? Di ko lang sure. Short Quiz pa lang yun. Don’t worry, di ko lang alam kung gaano kahaba yung LONG QUIZ. Ambait talaga ng prof namin. He really loves US, specially yung mga ******.

Java Program – case study sa JAVA, hahaii. Paduguan na naman ng ilong. Promise, pinakamatagal ko na syang pagpapasakitan ng ulo ang 3 araw. Limit na yun. Wag na masyadong maarte sa program. As long as error-free and walang mali sa logical sequence eh ayos na. Hmm. Kahit di na ako masyadong mag-inarte dun.

Org – pagmmerge ng tatlong Youth Organization sa area namin. Ako pasimuno nun eh, para sa amin na rin yun. By SUNDAY eh ayos na yun. Haha. ^_6

Liquidation – buti na lang si kapatid Khris Posadas yung nagrepresintang gagawa nun. Malay ko ba kung ano ang hitsura nun. Di ko alam din yung format na sinusunod eh, next liquidation eh ako na siguro gagawa para di naman nakakahiya sa kanya. By now, hahagilapin ko na lang muna ung mga dapat pumirma dun sa Petty Cash.

Assessment – Awts. Malapit na yung assessment na naman. And wala pa akong nagagawa. By thursday, tapos na yun.

One week lang toh, kayang kaya ko toh kasi may inspirasyon naman eh.

So bweno? After a week, balik na ako sa pagbblog.

Current…

Mood : Happy. Uu, uber akong masaya. Pasukan na kasi ulet, mangangarag na naman kasi ako netoh.

Status : TAKEN. Bwahaha. I’m taken. Yebah! Uu, seryoso ko. Sinagot na nya ako eh. Awhii!

Age : 17y/o – uu, batang bata pa ako. Proven and Tested. =)

Posted by: earthlotus | Saturday December 22, 2007

Face it

9 days to go before mag-end ang taon pero mukhang marami pa ring problema akong dapat ayusin.

Kahapon, ginanap yung Unity Festival ng SYDP sa Green Field ng Quezon City Hall, and dapat sanang mayroon kami kahit isang entry man lang sa apat na competition na ginanap kahapon, kaso yung natitirang pag-asa naming yun eh bigla na lang naglaho ng parang bula.

Kumpleto ang lahat, may tugtog ng gagamitin para sa entry namin na isasabak sa Dance Competition, may budget din para sa foods and costumes na gagamitin ng mga participants, may reserved venue na rin na gagamitin para sa mga magpapapraktis… may dambuhalang tarp na rin para makapagpalakas ng fighting spirits na mga isasabak namin… walang problema sa costumes na gusto nilang gamitin since muslim tribal dance din naman ang gagamitin..

Kaso kaso kaso kaso, kahit gaano kakumpleto ang lahat kung sadyang ayaw kulang ang isasabak ko, di rin kakayaning makapagpasok ng entry kahit anong pagpipilit ang gawin ko.

The said competition needs atleast 15participants per entry. Kaso, dun pa lang eh kulang na kulang na kami. 6 lang yun eh. 6 lang yun naisasabak ko, pero paano?

Haishh. Takte talaga oh.

Kahapon ginanap yung Unity Festival and hiyang hiya ako. Hiyang hiya ako kasi nagmukha akong walang silbi. Naging audience lang yung mga kachapter ko, ilan lang din sa mga inaasahan kong member at alumni yung dumating. Honestly speaking, 8 lang kaming andun. Takte di ba? Di naman kasi ganun kaliit yung chapter namin eh pero sadyang pasaway lang ang mga loko kaya nagpapabunjing bunjing lang.

Kailangan ko na sigurong tanggalin yung imaheng pinakita ko sa kanila noon na yung mapagbigay na officer, siguro kailangan ko ng maghigpit kahit papaano.

Minsan, kailangan din magpakita ng kaunting paghihigpit, di tamang mabait ka lagi kasi nawawawalan na ng disiplina yun ilan.

Tapos na ang Unity Festival pero hindi yun ang dahilan para tuluyan na akong sumuko, di tama yun.

I’ll take this one as a challenge.

8 problems to go. Breakdown naten.

  • Proposal to merge with the other Muslim Youth Organization sa Area namin

Proposal toh para sa mobilization na kinakailangan namin at alam kong ganun din naman sila. I know that we share the same problems, ang mobilization. Ganun din sa iba’t ibang aspeto.

  • Paggawa ng By-laws ng SYA and para maiformalize na ang mismong org.

Matagal na rin yung mismong Org. But as I can see, we do not have a by-laws na nasusunod. Since, kinikilala ng Local Government yung mismong Org namin, time na siguro para gumawa ng by-laws para maformalize na rin kahit papaano.

  • Health. Mukha na akong dehydrated na langaw eh. Amf.

Mukha na ako talagang dehydrated na langaw, kailangan kong magpakalusog lusog ng konti. Ayokong magmukhang langaw.

  • Pimples. Oo, tadtad na ako ng pimples.

Ito yung pinakamalala kong problema, amf. Pano, nagkalat na yung spots na naiwan ng mga pimples na nagsisipagtubo sa mukha ko.

  • Family. Oo, pamilya ko nga.

Malala ang problema ko pagdating dito.  (pero mas malala pa din yung pimples ko) Medyo nagrerebelde yung kapatid kong babae. Di ko alam kung anong dapat kong gawin.

  • My name.

Adik na tatay ko yan, gustong papalitan talaga ang apelyido ko at isunod sa kanya. Ayoko nga. Masaya na ako sa pangalan ko at apelyido ko. Proud akong ako si Mohammad Chaidar A. Aguinaldo. Sapat na yung middle name ko yung apelyido nya. Haha.. ^_^

Sa isip ko, 8 talaga toh, pero 6 lang ang naalala ko. Haha. ^_^

Buti na lang talaga eh bakasyon, naku naku naku naku.. Kung school days pa siguro eh mamatay ako sa problema. haha. ^_^ Buti nakakayanan ko pa.

P.S. ( PaSakal o Post Script? )

Kaadikan ko, ngayon ko lang naalala, di ko pala naipost yung ikalawa artik-serye ko na dapat sanang noong DECEMBER 12 ko nipost, pasensya talaga. Sunod sunod kasi ang mga problemang dumating, kaya pati tuloy itong sarili kong nokbuk on information superhighway eh napabayaan ko na.

Posted by: earthlotus | Thursday November 22, 2007

Abangan…

Panandalian muna akong magbabakasyon mga kaibigan.

After a week or two, babalik ako. Magiging busy lang muna, acad mode muna dapat. Hehe. ^_^

Pagbalik ko, ipagpapatuloy ko na yung talagang kinahiligan ko, ang pagsusulat ng artik-serye.

Sana sa pagbabalik ko, andyan pa din kayo. Aasahan ko yan. Hehe. ^_6

But for now, log-out muna talaga ako.

Older Posts »

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.