Posted by: earthlotus | Saturday October 6, 2007

Killer Looks

“..tara, titigan tayo! Mata sa mata. Trip trip lang. Tingnan naten kung sino unang susuko..” – ganito lagi ang madalas kong sabihin sa isang tao kapag gusto ko syang makilala ng lubusan.

Sa ganitong paraan ko kasi napapakita ang totoong ako.

Paraan ko rin ito para sabihin sa mga katitigan ko kung ano ang mga nararamdaman ko sa kanila. Sa ganitong paraan ko gustong ipakita lahat lahat.

Para sa akin kasi, ang mata ang pinakamahiwagang parte ng isang tao. Kaya kasi nitong ipahiwatig at ipakita ang lahat.

Sa ganitong paraan ko rin sila gustong makilala ng lubusan.

Sa ganitong paraan ko rin gustong ipakita bawat nararamdaman ko.

Sa ganitong paraan ko rin napapahayag kapag asar ako sa isang tao. Ang titigan sya ng mula ulo hanggang paa.

Kaso naisip ko, paano kaya ako makikipagtitigan sa isang taong duling o banlag?

How can we exchange point of views? Wahaha. ^_^

Naisip ko lang naman. Wala naman atang masama eh!

Advertisements
Posted by: earthlotus | Sunday September 30, 2007

Ayoko ng Negatibong feedback..

Ngayon ko lang naisip, minsan pala dapat nagiging maramot ako sa kakayahan ko. Sa tanging talento na meron ako. Sa tanging bagay na kaya kong ipagsigawan sa buong mundo na ‘asset’ ko. (*aangal pa yan eh!)

Writer ako. (self-acclaimed na yan ah!) Oo, gustuhin mo man yun o hindi, writer ako. Umepal eh paslang. (aangal ka pa ba?)

Writer ako. Nagsusulat ako kapag masaya ako, nagsusulat ako kapag galit ako, nagsusulat ako para magshare ng nararamdaman ko, nagsusulat ako para magpangiti ng mga mga mambabasang piling pili (bilang bilang bilang… Dati 1 lang reader ko, ngayon 1 1/2 na! Huwaw!), nagsusulat ako para magbigay ng inspirasyon (inspirasyon ba yun?), nagsusulat ako para mapreserve ang nakaraang bumubuhay sa kasalukuyan ko.

Magulo ba? Oo. Lagi naman eh! Basta, writer ako.

Bilang isang writer.. aasahan ko dapat na hindi lahat ng sinusulat ko eh tutugma sa kagustuhan ng mga nagbabasa, alam ko ring hindi lahat ng tao sa mundo eh singpareho ng takbo ng kukote ko. Alam kong may mag-rereak, kasi minsan, aminado akong mali ang pananaw ko sa buhay, mali rin ang binibigay kong solusyon sa bawat problema, pero weno ngayon?

Nagsusulat LANG ba talaga ako dahil sa IYO? Hindi naman di ba? Hindi lang naman ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsusulat eh. Isipin mo, hindi lang talaga ikaw at lalong lalo na HINDI IKAW.

Minsan ko nang nasubukang magsulat ng kalokohan.. Ano ang feedback? Maraming natawa, marami rin nagtaas ng kilay. Pero teka.. hinay hinay ka lang.. Hindi lang ikaw ang taong napapadpad sa Museo ko at nagbasa ng utak ko. Hindi rin kita pinilit para bumisita sa sarili kong Museo para taasan lang ng kilay ang bawat gawang pinagpaguran ko, dahil kung ganun mo rin lang tatatratuhin ang bawat artikulong pinag-puunan ko ng luha eh malaya ka nang makakaalis sa Museong ako mismo ang gumawa.

Nagsusulat ako dahil sa gusto kong magsulat. Sinusulat ko ang gusto kong isulat. Pero kahit kailan HINDING-HINDI mo ako mauutusan para gumawa ng isang Piyesang IKAW ang nag-isip at nagpatakbo ng kwento, ayokong maging writer mo, kasi WRITER ako.

Hindi dahilan para taasan mo ng kilay ang gawa ko dahil lang sa hindi ito tumugma sa kung anong gusto mong mangyari s kwentong inaasahan mong maisusulat ko.

Aminado akong ayoko minsan makatanggap ng mga “negative feedback” dahil parang nagmumukha akong engot sa pagsusulat dahil maraming mali sa nagawa ko (o sadyang iba lang ang pagtanggap na ginawa mo kaya ganoon na lang).

Pero teka… mukhang ako pala ang mali.. hindi ko dapat ikonsiderang “pammamaliit” yung mga feedback na tulad nun, kasi senyales yun na “umaasenso” ako sa pagsusulat, kaunting pagbabago pa at magiging isang sikat na Museo na ang Museong ako mismo ang gumawa.

 Senyalas yun na may nakakapansin sa mga gawa ko, at may mga interesadong taong gusto tumulong sa akin para mapabuti yung paraan ko sa pagsusulat.

“…A little bit of this and a little bit of that..” at nandun na ako.

 Ngayon naisip ko… Tama bang magalit ako dahil sa hindi naging pareho ang takbo ng isip naten sa mga gawa ko? Hindi di ba? So bakit ko puproblemahin yun?

Kaadikan ko nga naman.

Salamat. Salamat sa puntong nagbibigay ka ng ‘negative’ na feedback dahil sa alam mong may iuunlad pa ang bawat gawa ko, salamat sa lahat.

Sana sa bawat gawa ko, napangiti kita..

–mOja aka AGUIL

Posted by: earthlotus | Thursday September 27, 2007

If symptoms persist, insult your doctor.. [errr..]

 I thought Jay’s ex-girlfriend was really out of our lives. But heaven
only goes that I was wrong. Kakakasal pa lang namin nun when Jay
received a uninamous text. “Meet me at the clinic”. I had a stinking
feeling in my butt. I told him not to go. It might in danger him. Pero
sabi niya, ok lang daw because life is what we make. Tumahimik lang
ako. Sabi niya, Penny for you talks? But I didn’t know what to say.
Beggars can’t be losers. Isa pa, worried talaga ako na baka yung girl
yun. Jay said, Can’t got your tongue?? I tried to smile at him. Kahit
di ako nagsalita, actions speak louder than works, di ba?

Be that as is may, umalis pa rin siya. I was out of the loophole.
After a few hours, I called him on his cellphone. But my calls fell on
Jeff’s ears. Lalo akong nag-worry kasi I didn’t even know Jeff. Sabi
na nga ba di na dapat umalis si Jay. That’s what I’m talking about it.

So I tried calling some friends who will help me find Jay. That’s what
friends are for naman di ba? But I just faced a blank mall. I had to
do this alone. Nag-taxi na lang ako. Pero ang mahal na pala ng plug
down rate.

When I got to the clinic, the security was really buffed up. Di
basta-basta makakapasok. So I said, I beg your cordon. I’m patient.
It’s my favorite virtue nga e.? Nagduda yata yung isang guard.
Hinawakan ako sa arm. The nerd! I shouted, Don’t touch me not! Buti na
lang the other guards were nice and said, Come on, let’s join us.

When I went inside, parang I’ve been there, done there. Nung walang
nakatingin, nag-explore ako. Nakarating ako sa top floor and I had a
bird’s IQ of the clinic. I could not explain it but I was drawn to a
room on the floor. Siguro Divine Intermission na yun.

Parang may narinig akong umuungol. I was thorn. Di ko alam kung aalis
ba ako o papasukin ko. It made me stick in the stomach to think that
Jay and his ex-girlfriend were there. I tried to tell myself to slower
my expectations. But to tell with it! I had to strike while the iron
is not. I had to hear the truth from the corpse’s mouth. I barraged
in. O my gas! Si Jay, naka-strap sa operating table, parang genie pig
sa isang nakakatakot na experiment. He was on the cutting edge. He was
bleeding. At ang doctor na nagpapahirap sa kanya, ang ex-girlfriend
niya at ang bago nitong boyfriend, ang nurse na si Walter. Doon ko
napatunayang blood is thicker than Walter.

Guess watch? Di ko alam kung paano ko nagawa pero I was able to search
and rescue Jay. Siguro adrenaline brush na yun. Now, he’s recovering.
Nag-sorry siya na hindi siya nakinig sa akin. I know it’s a better
pill to swallow your pride so it’s forgive and forget me not. All
swell that end swell. I know we should kiss and put on makeup.

Ang ex-girlfriend naman niya at si Walter, nakakulong na. Detention is
really better than cure. So the moral of the lesson is: if symptoms
persist, insult your doctor.
–galing kay Meiko

Nyeta, argh. Sumakit tyan ko dito ah! Amf.

Posted by: earthlotus | Monday September 24, 2007

em-‘O’..

Magda-drama drama muna ako dito ngayon. (pagbigyan nyo na, ngayon lang ULET na NAMAN ito sa IKALAWANG PAGKAKATAON, ONCE MORE.. hehe.)

Hmm.. Totoo nga ang palagi nilang sinasabi, masarap balikan ang nakaraan. Yung nakaraan na sobrang saya, sana laging ganun na lang. Pero..

Pero walang ganun sa mundo, walang permanente. Ang tanging permanente na alam kong nag-eexist sa mundo ay yung salitang “pagbabago”..

Lahat, nangangailangan nun. Aminin man o hindi, lahat nagbibihis anyo, nagbabago.. Read More…

Posted by: earthlotus | Sunday September 23, 2007

Salamin

Salamin. Wala lang. Weird kasi. Nakakatakot. Nakakahilo. Nakakawindang, di ko nais magkaganito ngunit dahil sa salamin… napaisip ako, nakilala ko ang sarili ko.

Salamin sa pinakasimpleng dahilan, nakakabulag. May mga katangian ang isang taong di mo makikita sa panlabas na anyo, minsan kahit sarili mo di mo na nakikita.

Nakakatakot, kasi kahit ako nabulag ng sarili kong imahe…. Di ko nakita ang totoo kong sarili. Read More…

Posted by: earthlotus | Tuesday September 18, 2007

Walo walo.

Hmm.. Otso. Otso. Otso. Anong meron ang Otso? Aba’y ewan ko! Haha. ^_^ NiTAG lang ako ni kuya badoodle eh.. (huwaw, kuya na! haha. ^_^ ngelaman ba? magpapaampon ako eh!) na TinAG nina Admin Chuck, Clare and Pepe.

8 Nutty things about me. Hmm.. Walo walo walo.. Marami rami.. Iba iba eh.

1. Sa tuwing matutulog ako, ang paa ko lagi ang laging pinapahanginan ko ng electric fan. Bakit? Abah! Malay ko. Basta yun ang pinakatrip ko sa tuwing matutulog ako. Tapos pag sobrang lamig naman, kuntento na ako kahit paa ko lang ang makumutan. Hehe. ^_^ Ang paa ko ang sikreto! Read More…

Posted by: earthlotus | Thursday September 13, 2007

10 Things I hate or Least Like

Makikisabay sa makabagong laro dito sa blogging world. Ang TAGGING. Haha.. ^_^
Galing ito kay Blogoloco sa entry nya na “10 Things I hate or Least Like

Food .:. Ihanda mo na sa akin ang lahat, wag lang yung Chicken Feet pati yung Balunbalunan nung manok. Ayoko talaga nun. Pati na din ang karne ng baboy, muslim ako eh! haha.. ^_^

Fruits .:. Wag lang starapple, kahit ano pede pa eh. Read More…

Posted by: earthlotus | Tuesday September 11, 2007

Paampon, pede?

Psst. Isang nakakatuwang pangyayari yung naganap kailan lang. Actually kanina lang eh.

Isang tao ang nagbigay sa akin ng kumento sa plenster na di ko man lang naisip na magbbigay sa akin.

Sino sya? Yung half bro ko. Ewan, siguro nagpadala lang sya sa lahat ng kakilala nya tulad ng madalas gawin ni uMEIKOy.

Di ko inaaprub ang mga forwarded comments or image of mp3 files na binibigay sa akin. Kasi, naisip ko lang, kelan pa naging kumento para sa isang profile ang isang image?

Wahaha. 😀

Ayun, but since sa kanya galing eh tinanggap ko na rin.

Amsaya. Unexpectedly pa man din yung pagbibigay nya sa akin, siguro umpisa na ito ng pagkakalapit ko sa kanya.

Haha. 😀 *nangarap na naman ako ng gising.

**pagpasensyahan, wala kasi akong kuya. Ako ang KUYA kaya yun, kaya mas madalas akong magpaampon kung kani-kanino. Ikaw? Aampunin mo ba ako bilang kapatid? Wahaha. 😀

Posted by: earthlotus | Friday September 7, 2007

Hambak hambak!

Ayun, di ko na natiis eh!

Mwahaha.. 😀 Bumalik na ulet ako dito sa dati at orihinal kong tahanan sa wordpress.

Ako na ulet si EARTHLOTUS, lotlot, lottie lotlot. Mwahaha. 😀

Hambak people!

Wag kang magtaka, kagabi sabi ko after 72 hours pa ako babalik, pero sadyang napabilis ata ang biyahe ng mga bagahe ko mula sa kabilang bahay ko papunta dito. Ayun, balik na ulet ako sa sirkulasyon!

Mwahaha..

Ako si dati si AGUIL..

Ang mga rason ko kung bakit ako lumipat na ulet dito eh dahil sa..

…sadyang ayaw ng tadhana na magbago ako ng identity. Ako pa din si earthlotus, trademark ko na yun. Di na pede ang paggawa ng panibagong pagkakakilanlan.
..napalipat ako dahil laging sa SPAM QUEUE nababagsak lahat ng replies ko pati na rin ang ipinopost kong replies sa ibang blog. Amsaya di ba?
..dahil sadyang ako na si LOTLOT. Ika nga ni sir randy eh nakatatak na sa noo ko yun.

At ngayon, bwahaha.. 😀 EARTHLOTUS is back!

..the return of the comeback…

Posted by: earthlotus | Monday September 3, 2007

i laugh her..

Kaninang umaga, nagising ako ng isang malungkot na balita.

Actually, kagabi pa yung text na yun eh. 10:58pm pa. Pero sa di ko malamang dahilan eh sadyang may sayad ang shelpon ko at kaninang umaga ko lang lahat nareceive yung mga messages sa fone ko mula kagabing 10pm.

Gamit nya fone ng tita nya, sabi nya nanenok fone nya sa bus. Bwahahaha.. ^_6 Kaadikan nga naman oh, natawa ako at nalungkot.

Kaadikan lang kasi, kagabi 9:08pm eh tinext ko sya.. “Ingat pag-uwi, wag aanga anga! Bwahaha.. ^_^”. Ewan, nagkataon lang ba o hindi? Kagabi ko lang ulet nasabi sa kanya yun eh. Hmm.. Ang weird noh?

Natawa ako kasi umepek na naman yung kaadikan kong naipasa ko sa kanya. Tsk tsk tsk.

Nalungkot ako kasi wala na akong makakakulitan sa tuwing madaling araw, hatinggabi, hapon, tanghali, at sa umaga. Yung mga text nya tuwing umaga ang nagpapasaya sa akin, higit dun kahit pang sobrang lungkot ko na eh natatawa pa din ako sa mga korning sobrang korning mga banat nya.

Weird noh? Am I really falling inlove? Ewan.

Basta, ang alam ko ngayon eh mahal ko na sya. Yun na yun. Wala ng iba.

-i laugh her.. nakakatawang nainlove ako sa kanya.

« Newer Posts - Older Posts »

Categories