Posted by: earthlotus | Monday November 5, 2007

3 vs 1

Awts. Pasukan na kanina, pero asan ako? Ayun, naglalagalag sa cityhall. Anong meron? May kunwaring transaksyon na kunwaring inaayos na hindi ko naman talaga naayos dun, gets? Basta, yun na yun!

3 lang subject ko today, Statistic, JAVA, and PE lang naman.

Pero, mukhang sadyang mabait ang tadhana at yung prof namin sa stat eh dati ko nang naging prof, awhii! Mas okay yun kesa sa ibang prof na titimplahin ko pa ang ugali, atleast toh eh gamay ko na kumbaga.

JAVA java java java.. Walang prof na nagpakita sa amin. Goodluck naman, trip kong maging prof yung dati kong prof ulet sa Turbo C na pinakahate ng mga kaklase ko, ewan pero trip na trip ko sya (oops, di ko sya type.. mas mukha pa ngang lalaki yun kesa sa akin eh), trip ko sya kasi sa kanya lang ako natuto ng matino. As in yung ‘natuto’ talaga at hindi yung natututo kunoh.

PE pe pe pe.. Waahh, mabait akong bata, di ko na sya pinasukan. Haha. ^_^ katamad eh, di ko pa maramdaman na pasukan na nga talaga. Haha.. ^_^

Next week na lang siguro ako papasok ng matino, as in matinong tado.. (yun ako, matinong tarantado).

Ewan ko ba, gusto kong maging matino ngayon sem (kahit ngayong sem lang sana) kasi kasi kasi kasi yung mga grades ko eh sobrang bababa talaga. wahahaha. @_@ Masyado kasi akong nagpabaya eh, akala ko yakang yaka kong idaan sa ‘patweetums’ lang or sa mga simpleng ‘pagpapakyut’ lang talaga, pero hindi pala. Kelangan ko rin ng effort.

Dati rati, isa ako sa mga pinakamatataas ang nakukuha pagdating sa mga major subjects, pero ewan ko ngayon kung bakit isa ako sa mga asa gitna na. Pana-panahon lang ba talaga yun o sadyang ako lang yung may pagkukulang? Ewan ewan ewan, basta yun ang nakikita ko, marami akong ginawang pagkukulang noon sa pag-aaral na ngayon eh kailangan kong mapunuon. Syemai. Ayoko na ng ganito.

I have to prove something, yun yung laging asa isip ko pero sadyang makakalimutin ako at lagi kong nakakalimutan. I have to prove na mali sya sa kung anong akala nya. Pride. Taas talaga ng pride ko.

PRIDE? Ang tanging bagay sigurong nagpapatatag sa akin, yung pride na minana ko mula keh mama, para mapanatiling lumalaban sa lahat at para maging palaban.

Ano ang goal ko ngayong sem? Even thou it seems impossible, kailangan kong hindi makakuha ng below 2.25. Limit na yung 2.25, anumang pagkukulang na magawa ko eh isang malaking katangahan ko na lang siguro. Ewan ewan ewan ewan, basta basta basta. (ayoko namang sabihin na below 2.0 eh, naknampucha.. goodluck naman sa akin nun di ba? As if ganun ako magiging kaseryoso talaga).

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: