Posted by: earthlotus | Thursday October 25, 2007

threat?

Recognize It

  • Walking past a mosque being built, two young men roll their eyes at one another and one says, “Great, another terrorist training ground.”
  • A woman decides to stop going to her corner pharmacy, because she’s sick of its owner’s poor work ethic. She tells a friend, “No place of business can expect to keep customers when they are routinely closed on odd days.”
  • Forced to adhere to a strict school dress code, a young girl is asked to remove her cross necklace.

Source: MTV

–o0O0o–

Most broadly, Discrimination is to recognize qualities and differences of certain things or persons and making choices based on those qualities. This article focuses on discrimination amongst people- that is, discrimination based on personal qualities. Discriminating between people on the grounds of merit is generally lawful in Western democracies. Discrimination on other grounds, such as skin color or religion, generally is not. When unlawful discrimination takes place, it is often described as discrimination against a person or group of people.

Source: Wikipedia

–o0O0o–

Nakakainis isipin na lagi na lang kami ang unang sinisisi kapag mayroong mga nangyayaring kaguluhan sa bansa. Ewan ko ba, ano ba talaga ang nagawa namin bilang MUSLIM para ganituhin kami?

Tahimik ang ilan sa amin na namumuhay pero bakit sa tuwing may kaguluhan na nadadawit eh lagi kami ang unang pinagbibintangan? (although ngayon eh tadtad ng paninisi sa pandak sa malacañang eh kami pa rin sa dulo ang nasisi)

 Nagsimula lahat ng inis ko dahil sa kumalat na text message na ito…

MAGANDANG GABI SA INYONG LAHAT. ISA AKO NA MUSLIM TAGA LANAO GUSTO KU PO MALAMAN NG LAHAT PARA UMABOT TO SA MANILA KATATAPOS NOW LANG ANG PLAN NI SHEIK ANG UTAK SA GLORYETA. PLANO NLA PASABUGIN ANG ISA SA TRAYNOMA, SM MEGA, 168, MRT, UNION BANK, QUIAPO, RCBC, HSBC AT MARAMI PA WAG IPASA SA KAKILALA NNYO NA MUSLIM. BAKA MALAMAN NILA NA MAY NAGKALAT BEFORE NOV 1 ANG PAGSABOG GAMIT ANG VAN NA SSKYAN —guy s ipasa nyo as many as you can. it’s hard to ignore this kind of warning..

Ngayon siguro, alam mo na? Sabihin mo sa akin, tama ba toh? Maybe sabihin natin na maaring totoo nga yung kumalat na text, pero teka teka teka.. bakit ganun? Bakit huwag ipapasa sa mga kakilalang muslim? Lahat ba ng mga muslim na nagkalat sa pilipinas eh alam yang balitang yan? Hindi naman ah! And bago ang lahat, TOTOO ba talaga yang kumalat na yan? Hindi rin dahil sa nagiging defensive ako or what, pero sobra na kasi eh or sadyang may mga tao lang talagang walang magawa sa buhay na gustong manloko ng kapwa?

Naiintindihan ko ring mahirap i-ignore ang ganyang klaseng mensahe pero pero.. pero teka.. kasobrahan naman yun! Kami na naman ang nadadawit eh, MUSLIM ako and PROUD ako sa pagiging MUSLIM ko pero sumusobra naman na ata. Tama na!

 Nung una kong nalaman yung bout sa kumalat na mensaheng yan, ika ko na lang na di naman totoo yun at sadyang may mga tao lang na walang magawa sa buhay nila at ganyang mga trip ang gusto nila. Pero after what happened yesterday eh mukhang di na ako natutuwa, may isang tao kasi na nagtanong sa akin ng ganto..

“May alam ka ba sa balak na pagpapasabog sa Trinoma? Sa Megamall? Totoo ba yun? Kilala mo ba yung nagpakalat nung mensahe? Blah blah blah blah…”

Now tell me, anong isasagot ko? Gusto ko ng mambugbog ng tao nung oras na yun habang tuloy tuloy sya sa pagtatanong sa akin, pero buti na lang at nakapagpigil pa ako.. Ewan ko ba.

Ganun ba lagi? Dahil ba sa muslim ako eh ako lagi ang tatanungin nila kung kilala ko yung mga taong walang magawa sa buhay nila? O dahil sa ganun na lang ang epekto sa kanila ng pagiging MUSLIM ko? Or sadyang nakikiusyoso lang sila at nagbabakasakaling may alam ako?

Ewan ewan ewan.

Nalilito na ako. Nasasakal na ako sa mga ganitong isyu, alam kong di ako dapat magpa-apekto pero minsan.. minsan, pag nagiging manhid ka na, di mo namamalayang bigla bigla ka na lang palang babagsak dahil sa di malamang dahilan.

Kailan kaya magiging pantay pantay pagtingin ng tao sa bawat nilalang ng Dios? IpagpapasaDios ko na lang sila. Kung yun ang tanging paraan para sumaya sila, tatanggapin ko, tutal may KARMA naman eh. Goodluck na lang sa kanila.

-naglalabas lang ako ng sama ng loob, malamang lumayo ka at di na muling bumalik dito dahil sa muslim ako, pero nasa sa iyo pa din yun. Ako ay ako.

Advertisements

Responses

  1. Nako. Kahit ako na kristiyano, naiinis sa prejudice na ganyan sa mga Muslim. Di rin nag-iisip ang ibang mga tao eh. Basta nagpapadala na lang sa mga naririnig nila sa paligid nila.

  2. Nakakaasar talaga ang mga pang-i-stereotype ng mga tao hindi lang laban sa mga Muslim kungdi sa kahit ano pang relihiyon o race.

    Medyo may kasalanan rin ang media dito.

  3. Padri Salvi,

    Yep! Ang masaklap pa dun, pati mga inosente nadadamay.. Pati tuloy pagkatao namin eh kwestyonable para sa kanila..

  4. Poli,

    Lahat naman may kasalanan eh, kahit kami.. kami rin ay may sala, kung naayos lang man sana namin yung minsang pagkakamali, eh di sana yung maling imahe na tumatak sa amin eh maaalis pa.. kaso hindi rin eh..

    haishh.. isang buntong hininga na lang ang ibibigay ko. haha. ^_^

  5. dapat ang mga tao ay maging bukas ang kanilang utak at puso 😀

  6. i agree, wala sa kinabibilangang relihiyon yan. badtrip din ako sa mga ganyang iresponsableng text messages and honestly, hindi ako naniniwalang terorista ang nagpasabog sa glorieta 2. obvious naman na script lang ang lahat.

  7. Kengkay,

    Sana ganun nga, kaso imposibleng umayon ang mundo gusto naten. haha. ^_^

  8. Bernard Umali,

    Yep yep yep! Paraan lang yun nung pandak sa malacañang para mawala ang atensyon sa kanya ng masa. Amputek, kailangan nga ba talagang buhay ang maging kapalit para lang makadistract ng atensyon?


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: