Posted by: earthlotus | Wednesday October 17, 2007

13 Reasons.

Anong meron kahapon? Wala naman. Isang normal na araw lang yun para sa akin, pero sabi nga.. always expect the unexpected, hindi lahat ng hindi mo aasahan ay talagang hindi mangyayari, hindi rin lahat ng ayaw mong mangyari eh di rin mangyayari. Ewan ko ba, pero di ko naman sukat akalaing mangyayari lahat toh eh!

May 13 Rason kung bakit naging masaya ako mula kahapon ng 11am hanggang kaninang 11pm. Well, sabi nila malas na numero daw yung 13, but I do not believe, yun nga lang eh may 13 rason kaya ako masaya. Bahala na sila!

  • Una, mahaba ang oras na naitulog ko. Hindi naman sa kumpletong pahinga pero ayos na rin ung tulog ko kahapon para makapag-ipon ng lakas para sa buong araw.

-namiss ko na kasi toh eh, eh ayaw ko na sana pumasok kung di lang dahil sa lecheng exam sa Eco100. Amf.

  • Ikalawa, sa pagmamadali ko, di ko napansing nagkasalubong pala kami ni Kumander. Ang nasa isip ko lang nun eh “para syang si kumander, kamukha eh” at nung asa bus lang kami ni mama eh tsaka ko napagtanto na yung nakita kong aanga-angang nag-aabang ng sasakyan eh si kumander nga talaga

-malay ko bang sya yun, di ko naman sukat akalain eh. Akala ko eh maaga na sya pumasok, tanghali na rin kasi nun eh.

  • Ikatlo, may isang tao akong nakita sa Cubao na nagbigay kiliti sa aking malikot na imahinasyon. Wahaha. ^_6 And kahit pang yung mga pagkabadtrip ko sa mga kakalat-kalat na koreano sa Cubao eh nawala din. Amlakas ng epek noh?

-pede bang idagdag as trivia yung pagkabadtrip ko sa mga koreano/a? Haha. ^_6 Wala lang, eh kasi di ko lang trip na makita silang palaboy-laboy. Hanggang bilang turista na lang ang tingin ko sa kanila na napadpad dito sa pinas, at ayoko nang isipin na ang mga ito eh dito na nag-aaral sa pilipinas. Ang sabi sa akin dati, isa sa mga rason nila eh dahil Mura ang Tuition Fee dito sa bansa kumpara sa kanilang bansa and Di hamak naman na mas magagaling ang mga Filipino Instructor and Professor pagdating sa pagtuturo. (yabang pinoy!)

Sabihin ko na nga, yun yung Lady Guard sa nag-inspect sa akin dun sa may LRT Araneta Station. Wahaha. ^_^ Kala mo naman kung ano noh?

  • Ikaapat, nag-uumpisa na atang mag-exam ang mga kaklase ko pero asan pa din ako? Asa biyahe pa lang, asahan na sa akin yun! Haha. ^_^
  • Ikalima, sa may e418 kami nagka-klase pero sa di ko malamang dahilan eh sa may e212 kami nag-exam, ang makulet dun eh lahat ng text nila sa akin eh e210. Haha. ^_^ Nawindang siguro sa sobrang ganda ni Prof.
  • Ika-anim, wahh.. Tama bang masama ko sa iuupload ko sa FS yung litrato ni Peter na nakatopless? Syet, nakabatch upload lang yun eh. Malay ko bang masama sa mga niupload ko, kaadikan kasi ni peter, pinasama sa mga naiupload ko din sa photobucket kaya nagkandahilong-palilong tuloy ako.
  • Ikapito, nakita ko rin sila. Ang mga member ng peyupi.com ulet. Wahaha. ^_^ Amtagal ko rin silang namiss ah. 1 buwan at 2 linggo na rin ang nakakaraan nung huli kong makita yung iba. Marami rin namang paraan para makita ko sila sa loob ng 1 buwan at 2 linggo na yun eh, pero hindi ko na ginawa. Pano, pag nakita ko yung mga yun eh at kapag nagkayayaan uminom eh bawal ako tumanggi. Wahaha. ^_^ Amsaya di ba? Nagfasting kasi ko last month. (muslim eh)

-pero wag ka, instead of makumpleto ko yung isang buwan na fasting eh 2 weeks lang tinagal ko. Nung nahinto sa may kalagitnaan eh bigla na ako tinamad kaya ganun. Wahaha. ^_^

  • Ikawalo, pumili nga ako ng mga kanta pero wala akong binanatan kahit isa man dun na natapos ko ng buo. Wahaha. ^_^ 2 kanta na nga lang nakita ko para banatan eh di ko pa kinaya kaya tinigil ko na. Haha. ^_^ Nakisaya na lang din ako sa kanila.
  • Ikasiyam, ang nakamamatay na pose sa gitna ng kalsada namin nina Kuya Mygz, Kuya Mhylo at ako. Wahaha. ^_^ Yun ang bagay na hinding hindi pwedeng mawala kapag nas Maru kami sa may Ortigas. Haha. ^_^
  • Ikasampu, naganap ang isa sa mga kinatatakutan kong pangyayari. Amf. Di ko inaasahan na itutuloy talaga ni Kapitan yung balak nya sa akin eh, nagulat na lang ako nung bigla hininto sa may ano yung sasakyan tapos dinala ko sa loob. Wahaha. ^_^ Ayun at eto.. Wahh. Dahil sa kaba ko sa mga pinaggagawa ng 2 matanda sa akin, panay tawa na lanag ang nagiging reaksyon ko para mabawasan ang kabang nararamdaman ko nung mga oras na un. Haha. ^_^ Binata na rin ako sawakas, alam mo na siguro ibig kong sabihin ano?

-Wahh. Memorable, kasi di ko expected na ganun lahat ng mga mangyayari, at ang pinakahindi ko naasahan eh yung mga huling nangyari, OMG. Amlupet nun. Haha. ^_^

  • Ikalabing-isa, ayan! Malapit na sa ikalabing tatlo. Isang magandang indayog ang hinataw nila, natulala na lang ako at napalunok ng laway. Unexpected. Bata pa nga talaga ako.
  • Ikalabing dalawa, eto pinakamemorable sa akin. Wahh. (naiiyak na ako sa tawa, haha) ng bigla nya.. Basta yun. Haha. ^_6 Alam nyo na un. Wag kayong painosente.
  • Ikalabing tatlo, pag-uwe ko sa bahay. Pilit kong tinatago yung chikinining iniwan nya sa akin. NagGM na nga ako sa mga kaklase ko eh, nagtatanong kung paano magtanggal ng chikinini pero iisa lang lahat mga reply nila.. “takpan mo na lang ng band-aide”.. adik di ba? Tapos ikinagulat ko eh yung unang reply eh galing kay Grace. Haha. ^_6 Kitams. Pero wala pa dun yung ikalabing tatlo, haha. Pag-uwi ko, saktong paalis naman si mama. Ayun, naitago ko naman sya kahit paano, naligo na ako at nag-ayos ng kwarto then natulog, paggising ko na lang ako kakain sa isip ko.

Paggising ko, dumating naman na si mama, ilang minuto rin yun tapos lumamon na ako. Habang lumalamon ako eh biglang sabi ni mama “nak, ano yang asa magkabilang bahagi ng leeg mo?” na ikinabulunan ko naman sa pagkabigla. Tanging sagot ko na lang eh.. “ah mah, ahhmm baka kagat lang ng insekto, errr alam mo namang namamahay ako di ba?”.. At ayun, nakapagpalusot din! Haha. ^_6 Pero laking pagtataka ko na lang nung biglang bumanat si mama ng..

“Ahh, kagat ba ng insekto? Mukha kasing chikinini eh”. Wahhh.. Adik di ba? Kaya pagpasok ko sa quarto eh tawa ako ng tawa ulet.

Hahaii, amsaya talaga ng buong araw ko. Panay tawa lang naging sagot sa lahat ng problema ko, ngayon.. tama nga! Laughter is the best medicine. Haha. ^_6

Advertisements

Responses

  1. hahaha! congrats binata ka na rin sa wakas! walanjong chikinini yan…bistado ka agad ng ermats mo!


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: