Posted by: earthlotus | Saturday October 6, 2007

Killer Looks

“..tara, titigan tayo! Mata sa mata. Trip trip lang. Tingnan naten kung sino unang susuko..” – ganito lagi ang madalas kong sabihin sa isang tao kapag gusto ko syang makilala ng lubusan.

Sa ganitong paraan ko kasi napapakita ang totoong ako.

Paraan ko rin ito para sabihin sa mga katitigan ko kung ano ang mga nararamdaman ko sa kanila. Sa ganitong paraan ko gustong ipakita lahat lahat.

Para sa akin kasi, ang mata ang pinakamahiwagang parte ng isang tao. Kaya kasi nitong ipahiwatig at ipakita ang lahat.

Sa ganitong paraan ko rin sila gustong makilala ng lubusan.

Sa ganitong paraan ko rin gustong ipakita bawat nararamdaman ko.

Sa ganitong paraan ko rin napapahayag kapag asar ako sa isang tao. Ang titigan sya ng mula ulo hanggang paa.

Kaso naisip ko, paano kaya ako makikipagtitigan sa isang taong duling o banlag?

How can we exchange point of views? Wahaha. ^_^

Naisip ko lang naman. Wala naman atang masama eh!

Advertisements

Responses

  1. haha! eye to eye pala ang style mo. okey lang un. tingin naman nya sau, isa sa malapit saka isa sa malayo.

    pano kaya maduling ang cyclops? hmmm.. baka cyclops ang normal kasi hindi sila naduduling.

  2. Hindi ako pwede sa ganyan. Natatawa agad ako e.

    (Bakit di na pwede magcomment mga gumagamit ng Blogger dito sa blog mo? Buti na lang may inactive account ako sa wordpress Hehe).

  3. Baka lumipat rin ako pero ngayon e sa Blogger muna ako! Hehe.

  4. ako pa. titigan. naiilang ako dyan. naiinlab ako sa titigan eh

  5. Padre Salvi,

    Hahaha. ^_^ eh di alam na, pag sakaling ibebenta kita, isa lang ititip ko sa mga buyer, ang titigan ka lang sa mata. wahaha. ^_^

    Basta wag lang BANLAG ang tititig sa iyo, ewan ko lang kung mainlab ka o matawa lang. hehe. ^_^

  6. Poli,

    Wahh? Di nga? Aalis ka na at lilipat sa blogger? Huhu.. Ako? Dito lang ako. Haha. ^_^ Masaya na ako dito sa wordpress eh.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: