Posted by: earthlotus | Monday September 24, 2007

em-‘O’..

Magda-drama drama muna ako dito ngayon. (pagbigyan nyo na, ngayon lang ULET na NAMAN ito sa IKALAWANG PAGKAKATAON, ONCE MORE.. hehe.)

Hmm.. Totoo nga ang palagi nilang sinasabi, masarap balikan ang nakaraan. Yung nakaraan na sobrang saya, sana laging ganun na lang. Pero..

Pero walang ganun sa mundo, walang permanente. Ang tanging permanente na alam kong nag-eexist sa mundo ay yung salitang “pagbabago”..

Lahat, nangangailangan nun. Aminin man o hindi, lahat nagbibihis anyo, nagbabago..

Noon, ako ay ako. pero ngayon, hindi ko na alam kung yung ako nung sa nakaraan ay ako pa rin sa kasalukuyan.

Maraming nagbago.

Sa hitsura ko. Sa pagmumukha ko. Dati-rati mukhang totoy lang ako. Totoy na walang kamuwang-muwang, pero ngayon? Pero ngayon eh ibang iba na ako. Meh muwang na rin ako sa wakas, ang taong akala mo ay alam ang lahat, kahit pang halatang nagdudunong-dunungan lang talaga ako. Ang dating makinis kong mukha eh ngayon eh nagmumukha ng buwan, sana lang eh hindi na talaga ako tadtarin ng tigyawat.. Hmm..

Sa pananamit ko. Dati-rati ay si Mama lagi ang pumipili ng sinusuot ko, kahit pang nagmumukha na akong laruan eh ayos lang. Sa mata ni mama, guapo ako. Guapo talaga ako. *aangal pa eh! Pero ngayon? Yung dating mukhang laruan na totoy na binibihis eh nag-iba na somehow. Ganun pa din naman ako tulad ng dati, walang kataste-taste sa pananamit pero ang alam kong nabago eh hindi na ako nadidiktahan ni Mama sa kung ano ang dapat kong suotin.

Sa pagsasalita ko. Dati rati, kahit pang isang taon lang ang agwat sa akin ng kausap ko, laging “ate” o “kuya” ang tawag ko, tapos lagi may po at opo. Pero ngayon? May sinusunod na akong panuntunan sa kung sino ang gagalangin ko. Naisip ko kasing di lahat ng tao eh dapat galangin, may mga taong ginagamit lang yung edad para galangin sila kahit pang asal-hayop sila kung makitungo sa kanila. Ito ang panuntunan ko, pakitaan mo ako kahit kaunting paggalang man lang. Tao rin naman kasi akong kausap mo eh.

Sa paglalakad. Dati rati, di mo ako nakikitang naglalakad lang. Pabunjing-bunjing ako. Yung parang naglalakad ng matulin pero tumatalon talon. Hehe. ^_^ Sa paglalakad ko, asal bata pa rin ako. Inabot na ako ng 4th year ng high school pero parang wala pa rin akong pinagkatandaan. Buti na lang nung tumuntong na ako sa kolehiyo, naisip ko ring di pala magandang tingnan sa akin na pabunjing-bunjing sa paglalakad. Hehe. @_@

Sa pagsusulat. Dati rati, parang kinahig ng manok yung hand-writing ko, pero ngayon eh.. errr… Somehow nagbago na! Wahaha.

Sa ugali. Dati rati, mabait ako. Mabait pa naman ako hanggang ngayon eh, pero di na tulad ng dati. Naabuso na ako eh! Haha. ^_^ (at ngayon lang ako natuto?)

Sa lahat ng nabanggit ko, lahat yun ay totoo. Kahit pang di naman talaga halata. haha. ^_^

Lahat ng ugali kong yun eh namiss ko, yun ako dati. Yun AKO dati ung pinakanamiss ko. Pero tulad nga ng nasabi ko, ang tanging permanente lang sa mundo ay ang pagbabago. So ano pa ba ang dapat asahan sa akin?

Maliban sa mga katangian kong namimiss ko, di syempre dapat mawala sa mga namimiss ko yung mga ilang importanteng tao sa buhay ko. Hehe. ^_^ *at may ganun? Amdrama!

Kapatid JC – sya ang kinakapatid ko na namimiss ko na, peksman! Sya lang kasi ang kinakapatid ko na lagi kong kaasaran! Haha. ^_^

Ate Janine – ayun! Sya naman yung kinakapatid kong pinakanamiss ko. Peksman! Ewan ko ba, sa lahat ng naging kinakapatid ko, sya yung pinakahindi ko kayang magalit sa akin. Wahaha. ^_^ (psst, wag lagyan ng malisya.)

PeyUPian FAMILY – yup. Family na turing ko sa kanila, pero ngayon? Asan na kaya sila? Namimiss ko na. Although kailan ko lang nakilala yung iba eh aminado akong namimiss ko pa rin talaga sila. February 2006 ako unang napadpad sa site, pero noong May 12, 2006 ako nagregister talaga sa site. Naaliw ako sa mga write-ups nung mga Peyupian eh! Todo ang paghanga ko. Kaso, kailan lang eh meron kaunting alitan na namagitan. Always expect the unexpected ika nga nila. Kung maari lang pa sanang ibalik yung nakaraan eh why not.

MLQU – Awts. Namimiss ko na yung mga repapips ko dito, naalala pa kaya nila ako? Di bale, basta ako miss ko na sila. Wahaha. ^_^ Kamusta na kaya si Rio? (First Crush ko)

Culiat Elem – Maraming mga tao dito yung namimiss ko na. Mula sa janitress naming si Aling Mila hanggang sa mga teacher kong laging nagagalit sa akin. Lahat sila namimiss ko na. After ilang years, babalik din ako sa school kung saan ako natutong maging adik. Wahehe. ^_6

Culiat High – Syempre, dito ako nag-gradweyt eh! Madami, sobrang daming ala-alang naiwan dito. Amsarap balikan. Yaan mo CHS, 8 years na lang, babalik na ulet ako sa paaralang nagturo sa aking magpakatao.
————————–

Inuulit ko, ang tanging permanente eh ay ang pagbabago. Kahit anong gawin ko, di ko na mababago yun. Ang lahat ay nagbabago. Pero kasabay ng mga pagbabagong yun, may mga ala-alang naiiwan sa akin. Ala-alang nagpapapaalala na minsan, naging masaya ako.. na minsan, naging ako si LOTLOT.. na minsan naging ako si MOJA.. na minsan ako si m.O., na naminsan ako ay isang bata..

Yaan ko na. Wala na akong magagawa, kung meron pa man, hahayaan ko na lang sigurong ganito. Ito na yun eh.

Advertisements

Responses

  1. tama ka dyan tol the only hing permanent is constant change. nagbago na nga ulit ang theme mo.

  2. It’s great we have the faculty to retain memories, so we can go back to the good ol’ times. It replenishes our spirit and allows us to move on and seek new adventures.

    joy
    Your Love Coach

  3. BlogOloco,

    haha. @_@ napansin mo din pala un? la lang.. naisip ko lang. nagbawas na rin nga pala ko ngmga pages.. haha.

  4. Joy,

    Hamlalim nun ah. Pero tama ka dun, isang paraan kasi yun para makamove on ako sa mga kung anung meron ngayon.

  5. Hi Earthlotus,

    Thanks for visiting Your Love Coach. I look forward to your next visit. And yes, I’m a proud Pinoy!

    joy
    Your Love Coach

  6. ang drama ha. pero ganun talaga pag lumalaki tayo.

  7. hay miski ako nagbago e, heheheh lahat naman tayo dumadaan sa ganun kaya okey lang yun hehehehe

    xiao!

  8. Talagang inenumerate mo ang mga pagbabago sayo ah. πŸ™‚ Pero at least na identify mo at dapat ang pagbabago lageng para sa mabuti.

    Mangaral ba?! πŸ˜›

  9. Mithi,

    Oo. Haha. @_@ kaadikan ko eh.

  10. nyahahha..duduguin ako sa kaka-emo mo d2 kafatid! oks lang yun..ganun talaga ang buhay..basta it is always your responsibility to make yerself happy… πŸ˜€

  11. Chuvaness,

    Haha. πŸ˜€ Nibabalinguyngoy ba ikaw? Minsan lang toh. Pagbigyan nyo na! ^_^


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: