Posted by: earthlotus | Sunday September 23, 2007

Salamin

Salamin. Wala lang. Weird kasi. Nakakatakot. Nakakahilo. Nakakawindang, di ko nais magkaganito ngunit dahil sa salamin… napaisip ako, nakilala ko ang sarili ko.

Salamin sa pinakasimpleng dahilan, nakakabulag. May mga katangian ang isang taong di mo makikita sa panlabas na anyo, minsan kahit sarili mo di mo na nakikita.

Nakakatakot, kasi kahit ako nabulag ng sarili kong imahe…. Di ko nakita ang totoo kong sarili.

Sana nuon ko pa nakita ang totoong ako.

Sana di ako nabulag ng sarili ko.

Nuon at ngayon. Iba ako nuon, iba ako ngayon. Mas masasabi kong mas kilala ko na ang sarili ko ngayon, alam ko na kung sino talaga ako pero ang di ko alam eh kung bakit ngayon ko lang nakita to?

Noon, mabait ako. Di ko pinapansin ang lahat. Ako ang pinakamabait sa lugar namin. Ewan, di ko alam kung bakit pati ang mga taong nakapaligid sa akin, nabulag rin ng katauhang naipakita ko sa kanila. Kinalaunan, nadala ako ng mga papuri sa akin. Hanggang ngayon, aminado akong bitbit ko ang katangian na ito. Sa mga papuring naibigay sa akin unti-unti akong nagbago. Mula sa isang maamong tupa, naging isang sakim na leon ako.

Sa di ko malamang dahilan mas tumaas ang pagkilala ko sa sarili ko mula nuon.

Isang walang kamuwang muwang na bata ako noon pa. Di ko alam, siguro hanggang ngayon ay wala pa rin akong muwang.

Sananakayanan kong di madala ng sariling bugso ng damdamin. Sakim ako, mas sakim pa sa inaakala mo. Matuwa ka sa mga nakikita mong katangian ko ngayon, wag mo nang pasakimin ang sarili mo para makita kung sino ako. Alam kong di mo rin naman ito magugustuhan.

Dati balewala sa akin ang lahat, ngayon ewan ko kung bakit kahit ang pinakasimpleng bagay pinagpapatayan ko para lang maagaw. Tama sila, tama sila sa pagsasabi sa akin na ipaglaban ko ang kung ano ang akin. Kaso ang masama, pati hindi akin ay inaangkin ko na. Ako mismo sa sarili ko natatakot rin. Di ko nais makita ang sarili sa ganitong kalagayan. Nasalanta ako ng sarili kong kasakiman.

Ganid at walang awa. Yan ang lagi kong naririnig sa tuwing tinatanong ko ang konsensya ko sa kung sino nga ba talaga ako. Takaw gulo, napabayaan ng sariling kamunduhan kaya nakakagawa ng mga bagay na hindi naman talaga nararapat gawin.

Ngayon, ako? Ganoon pa rin, walang nagbago. Takaw gulo. Naghahanap ng away. Kung walang away, pilit gagawa ng away. Di gusto nang nalalamangang, mas nais ang mag-isa. Maramot at sakim sa lahat ng bagay. Minsan lang dapuan ng topak kaya nagiging mabait. Sa di ko malamang dahilan, mas ginusto kong maging ganto ako. Kahit na masama ang pagkakakilala ko sarili ko, atleast sa simpleng paraan nakabulag ako ng mga kaibigan. Mga kaibigan at mga taong inakalang totoo ako, na hindi nagpapanggap.

Nakakatuwa, nakakaloko, masaya. Minsan, nakakatuwang may mga taong nagpapaloko sa akin. Alam ko na alam nila kung sino ako, alam nila ang totoong katauhan ko. Nakakatuwang bagay, hinahayaan nila akong lokohin sila sa pag-aakalang kung sino ako. Di ko naman ninais yun, minsan, mas kailangang makibagay.

Alam kong ikinakatwa nilang kaibigan nila ako, salamat sa kanila. Nakilala ko ang sarili ko. Mas bumuti kahit sa paanong timpla ang ugali ko, sa di inaasahang bagay mas lumalim ang pag-unawa ko sa kung sino ako sa totoong pagkatao ko. Nakita ko ang di nakikita ng ibang tao, mas nakilala ko ng lubusan ang mga bagay bagay na nakapaligid sa akin. Minsan di mo ako makikitaan ng ganoon, pero deep inside nakikita ko ang bawat kamalian ko.

Nag-umpisa ang lahat sa salamin, sa salamin ko nakita ang mga bagay na di nakikita ng karaniwang mata sa akin. Sa salamin ko nakita ang mga totoong ako, teka… sa salamin ko nga ba nakita ang mga bagay na ito?

Maliako, kahit ako… nabulag na naman sa muli’t muling pagkakataon. Salamin? Sya ang nagpakita sa akin ng mga bagay bagay na hindi ko nakikita noon.

Sana kung may pagkatao lang ang salamin, malamang… Makikita nya ang lalim ng bawat pagkataong nakakasalamuha nya.

Salamin… naulirang kaibigan ko, salamat sa iyo. May mga bagay na di kayang ipagpasalamat ng simpleng salita, di rin kayang tumbasan ng mga materyal na bagay.

Sana matimbang mo ng maigi ang lugod kong pagpapasalamat sa iyo. Nakita kita, nakita ko sarili ko. Nakita ko ang mundo. Nakita ko ulet ang liwanag.

Liwanag, minsan bigla ka na lang nagkukubli, minsan hinahayaan ko na lang magpatangay sa agos ng pagkakataon. Di ko man lubos maisip yun kung bakit. Tandaan mong ako ay ako. Ikaw ay bahagi ko, ngunit kahit kalian ako ay hinding hindi magiging bahagi mo.

———————
yan ang totoong ako, nakadepende na sa iyo kung kaibigan mo pa ako o hindi. mas mabuti na yung ako na ang nagsasabi kung sino ako talaga, atleast somehow.. nagpakatotoo ako. (wala naman sigurong masama kung magpakatotoo ako.)

P.S.
Di nga pala ito fictional. Totoo na to. Ako ito. Deal with it.

Advertisements

Responses

  1. nakakatakot ka naman pala. hindi nga. kasi kung bigla kang nag-180 degree turn mula sa pagiging super bait, hala, e nakakatakot ka nga.

    hmmm.. sa pag-observe ko sa behavior mo through your writings, nakikita ko na ang personality mo. may pagka-psycho kasi ako. hla. hindi nga.

  2. Paurong,

    Haha. @_@ Huwaw. Palagay mo? Adik ba ako? ^_^
    *tinatanong pa ba yun?


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: