Posted by: earthlotus | Tuesday September 18, 2007

Walo walo.

Hmm.. Otso. Otso. Otso. Anong meron ang Otso? Aba’y ewan ko! Haha. ^_^ NiTAG lang ako ni kuya badoodle eh.. (huwaw, kuya na! haha. ^_^ ngelaman ba? magpapaampon ako eh!) na TinAG nina Admin Chuck, Clare and Pepe.

8 Nutty things about me. Hmm.. Walo walo walo.. Marami rami.. Iba iba eh.

1. Sa tuwing matutulog ako, ang paa ko lagi ang laging pinapahanginan ko ng electric fan. Bakit? Abah! Malay ko. Basta yun ang pinakatrip ko sa tuwing matutulog ako. Tapos pag sobrang lamig naman, kuntento na ako kahit paa ko lang ang makumutan. Hehe. ^_^ Ang paa ko ang sikreto!

2. Muslim ako. Pero maliban sa mga pagkaing Haram (pagkaing pinagbabawal sa mga Muslim), ang CHICKEN FEET and BALUNBALUNAN ang pinaayokong kainin. Ewan, mas gugustuhin ko pang kumain ng sako-sakong ampalaya o kahit 2 tray ng balut or penoy. Di ko sya trip eh. Sa chicken feet kasi eh wala akong makain na taba, puros balat lang. Sa balunbalunan naman, ayoko sya dahil sa akin dati ng adik adik kong kaibigan na “nakakapagpakunat” daw yun ng kwan. Hehe. ^_^ Kaya iwas ako. Ewan ko kung totoo ba yun o gawa-gawa nya lang at isa ako sa mga nauto nya. Hehe. ^_^

3. Kapag naglalakbay ako araw-araw papasok ng PUP, lagi akong masaya kahit hindi naman dapat. Isa sa mga rason kung bakit ako nagiging masaya eh sa dahilang lagi akong may napapansing nakakatuwang bagay sa kung saan saan. Minsan yung simpleng signage lang eh tatawanan ko kung may maaalala lang ako na kunektado sa kung anong nakasulat dun. Kaya nga mas madalas akong mag-isa papasok, takot ata silang sumabay sa isang tulad ko na madalas tumatawa at napapangiti mag-isa.

4. Tirador ako ng kakalat kalat na litrato ng kung sino sino na napupulot ko lang sa daan. Hehe. ^_^ Kung susumatutalin at kung matiyaga akong mag-ipon eh tyak makakabuo na ako ng isang photo album ng mga taong di ko kilala.

5. Noong high school ako, muntik magpakamatay yung kaklase kong babae dahil sa akin. Peksman! Ewan ko kung dahil ba sa kawapuhan ko o dahil sa pang-aasar ko kaya nya nagawa yun. Wahehe. ^_^ Yun ang prueba na totoo talaga ang “pamatay sa kaguwapuhan”.

6. May sayad ako sa pagsusulat. May oras kung kelan ako makakapagsulat ng sobrang tino at ng panahon na walang kakwenta-kwenta ang mga naisusulat ko. Madalas akong dapuan ng katamaran ng pagsusulat pag asa harap ng PC. Di rin naman ako ganun karunong magsulat gamit ang panulat at papel. Wahaha. ^_^

7. Lapitin ako ng disgrasya. Paborito kong tumawid sa “killer hi-way” o commonwealth ave (bandang tandang sora), ewan pero amsarap ng feeling! Parang nakikipagpatintero kay kamatayan. Wahaha. ^_^ Ilang beses na rin akong muntik mahagip ng mga bus o truck, pero hanggang ngayon eh buhay pa din ako. Siguro nga, matagal mamatay ang mga masamang damong tulad ko! Awhii!

8. Mas trip kong manuod ng sine ng mag-isa. Amsarap kasing matulog sa loob ng sinehan. Wahaha. ^_6 Yun ang pinakarason ko kung bakit mas gusto kong manuod mag-isa kesa ng may kasama.

And syempre dapat ipasa sa iba ito di ba? I am tagging the following: AZRAEL, Isagani, Jeangr3y, Jon Cabron, Kengkay, and Gasti.

Advertisements

Responses

  1. oy lot! nasagutan ko na rin ito..tinag rin ako ni badoodles eh..check mo na lang.

    ayos yung pamatay sa kaguwapuhan ah..baka naman sira ulo yung babaeng yun. nakow! big time ka na pala! haha!

  2. haha.. ^_^ yun lang, ewan ba.. tama naman ako siguro, dun nagsimula ang killer looks! wahaha. ^_^

  3. ayos tong walo-walo pik mo. ibang klaseng kakulitan. yaan mo bro pag nasira elektrik pan namin, aampunin na kta. hehe.

  4. normal ka pa naman. ayon sa pamantayan ko. 😉

  5. 1. Sa tuwing matutulog ako, ang paa ko lagi ang laging pinapahanginan ko ng electric fan. Bakit? Abah! Malay ko. Basta yun ang pinakatrip ko sa tuwing matutulog ako. Tapos pag sobrang lamig naman, kuntento na ako kahit paa ko lang ang makumutan. Hehe. ^_^ Ang paa ko ang sikreto!

    —–> lahat ng tao ay ganyan. sa paa nadedetermine ang temperature. sabi ng aking lola na kumutan ang aking paa upang hindi lagnatin. promise. i just don’t know the correct scientific explanation pero ganun talaga.

    2. Muslim ako. Pero maliban sa mga pagkaing Haram (pagkaing pinagbabawal sa mga Muslim), ang CHICKEN FEET and BALUNBALUNAN ang pinaayokong kainin. Ewan, mas gugustuhin ko pang kumain ng sako-sakong ampalaya o kahit 2 tray ng balut or penoy. Di ko sya trip eh. Sa chicken feet kasi eh wala akong makain na taba, puros balat lang. Sa balunbalunan naman, ayoko sya dahil sa akin dati ng adik adik kong kaibigan na “nakakapagpakunat” daw yun ng kwan. Hehe. ^_^ Kaya iwas ako. Ewan ko kung totoo ba yun o gawa-gawa nya lang at isa ako sa mga nauto nya. Hehe. ^_^

    —–> haha. alam ko rin na Halal ang pwede niyong kainin. tulad ng kambing. may nagtitinda dun sa c5. haha. may halal na nakasulat eh.

    3. Kapag naglalakbay ako araw-araw papasok ng PUP, lagi akong masaya kahit hindi naman dapat. Isa sa mga rason kung bakit ako nagiging masaya eh sa dahilang lagi akong may napapansing nakakatuwang bagay sa kung saan saan. Minsan yung simpleng signage lang eh tatawanan ko kung may maaalala lang ako na kunektado sa kung anong nakasulat dun. Kaya nga mas madalas akong mag-isa papasok, takot ata silang sumabay sa isang tulad ko na madalas tumatawa at napapangiti mag-isa.

    ——> same here. hindi nga lang tayo magkakasabay sa pagpunta sa iskul dahil pa-UP ako. haha

    4. Tirador ako ng kakalat kalat na litrato ng kung sino sino na napupulot ko lang sa daan. Hehe. ^_^ Kung susumatutalin at kung matiyaga akong mag-ipon eh tyak makakabuo na ako ng isang photo album ng mga taong di ko kilala.

    —-> watch amelie by audrey tautou. then be inspired. kelangan mapanood mo to. may relation sa photo collections mo.

    5. Noong high school ako, muntik magpakamatay yung kaklase kong babae dahil sa akin. Peksman! Ewan ko kung dahil ba sa kawapuhan ko o dahil sa pang-aasar ko kaya nya nagawa yun. Wahehe. ^_^ Yun ang prueba na totoo talaga ang “pamatay sa kaguwapuhan”.

    —-> shocks. kelangan mo nang makonsensya. may napanood na naman ako, napilitan siya na mahalin yung babae dahil nag suicide attempt yung babae. Ode to love. Isang korean series

    6. May sayad ako sa pagsusulat. May oras kung kelan ako makakapagsulat ng sobrang tino at ng panahon na walang kakwenta-kwenta ang mga naisusulat ko. Madalas akong dapuan ng katamaran ng pagsusulat pag asa harap ng PC. Di rin naman ako ganun karunong magsulat gamit ang panulat at papel. Wahaha. ^_^

    —–> pareho tayo. ang aking matitinong posts ay nanggagaling sa isinulat ko kahit saan. usually bago matulog.

    7. Lapitin ako ng disgrasya. Paborito kong tumawid sa “killer hi-way” o commonwealth ave (bandang tandang sora), ewan pero amsarap ng feeling! Parang nakikipagpatintero kay kamatayan. Wahaha. ^_^ Ilang beses na rin akong muntik mahagip ng mga bus o truck, pero hanggang ngayon eh buhay pa din ako. Siguro nga, matagal mamatay ang mga masamang damong tulad ko! Awhii!

    ——> my biggest fear. paglakarin mo ko ng kahabaan ng c5 wag lang patawirin.

    8. Mas trip kong manuod ng sine ng mag-isa. Amsarap kasing matulog sa loob ng sinehan. Wahaha. ^_6 Yun ang pinakarason ko kung bakit mas gusto kong manuod mag-isa kesa ng may kasama.

    —-> sayang ang money. I only watch films kapag gusto ko talaga.

  6. ahahaha 🙂 nkakatuwa naman tong post mo. natawa ko sa mga kalokohan mo =)

    oo nga pala, uo salamat nga at dahil natapos na yung mga pagpapahirap sakin sa school. panibago naman ulet :p

  7. Badoodles,

    sige sige.. papaampon na ako senyo! text mo lang ako kapag nasira na yung electric fan. hehe. @_@

  8. Padri Salvi,

    Wahaha. ^_^ amdami nateng pagkakapareho ah! woinks!

    Sa iyo ang C5 akin ang Commonwealth! wahaha.

  9. Dhea,

    Salamat. Hehe.. ^_^ Teka, hmm.. Sana maranasan ko rin yang pagpapahirap na nararanasan mo! Mukhang mas may thrill eh! Wahaha. ^_^

  10. Lol, lapitin din ako ng disgrasya eh. Kaya nga minsan naiisip ko na baka nagkamali ako ng pangarap na magdoktor eh. Hahahahah. 😛

  11. Monique,

    Okay lang yan. Atleast, mas may thrill!

    Haha.. ^_^

  12. Hindi pwedeng paa pahanginan ko dahil nagkakapulikat ako kapag gabi!

    Waaah! Paborito ko ang balun-balunan!

    At pareho tayong madaling mapatawa ng kung anu-anong bagay. Minsan e tumatawa rin ako habang tumatawid sa kalsada o naglalakad sa tulay! Hehe!

  13. Poli,

    wahaha. ^_^ Ayos yun ah. Kakaiba!

    Kala ko nag-iisa lang akong may weirdong katangian dito sa mundo, di pala.. Marami pala kami, este tayo pala!

  14. sa number 5 ako natawa ha. pero magawang part ng storyline yun.

    yung sa sinabi ni padre salvi na amelie? as in the french film? oo, napag-usapan na namin yun e. photo collection, oo may photo collection dun.. yung napulot na photo album, sabi sa patay daw. hahaha. naaalala ko pa rin yung story, peborit ko kasi yun. kaya nga ngayon natuto na akong mag-french e.

    well, matino man o hindi ang pagsulat mo, hanga pa rin ako sa’yo kasi magaling kang writer.

    keep it up, aguil!

  15. Paurong,

    Huwaw.. Kakatouch naman! Salamat po! Awhii..

  16. #4 – naalala ko ang pelikulang AMELIE which is one of my all-time fave movies..

    don’t eat CHICKEN FEET too kase yun yung pinag kakalaykay eh..hehhe

    o pano sige, INGAT NA LANG!

  17. Chuvaness,

    Palapain mo na ako ng half-cooked na manok, wag lang chicken feet..

    ^_^


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: