Posted by: earthlotus | Thursday August 30, 2007

I miss them..

Masarap isipin ang nakaraan. Yung dating sobrang saya? Alam mo yun? Yung kahit kaunti lang tayo.. yung kahit di tayo masyadong kilala.. Basta yung ganun! Alam mo bang namimiss ko na yun?

Kalungkot nga lang, kasi sa nakikita ko ngayon eh hindi na ganun. Lumago nga yung dating ‘tayo’, pero teka? Asan na kayo? Andyan pa ba? Wala na eh.

Marami na ang nagbago ng tuluyan, akala ko ikaw ay ikaw. Pero hindi pala, ikaw ay siya at siya naman ay ikaw.

Namimiss na kita. Alam mo ba yun? Kaso teka. May silbi pa ba itong mga sinasabi ko? Wala na eh. Hindi na ikaw ang dating ‘ikaw’ na nakilala ko, or baka naman hindi na rin siguro ‘ako’ yung ‘ako’ na nakilala mo noon.

Dati rati, pagdating ko pa lang may sisigaw na nang ‘lotlot amtagal mong nawala!’ kahit pang kahapon lang nun eh magkakausap kami, pero ngayon? Minsan nga pag dumating ako, ni mismong ‘hi lottie’ eh wala akong naririnig, simpleng kaway lang ang natatanggap ko. Minsan, ang mas masaklap dun eh wala akong naabutan.

Pero ano naman ngayon? Alam kong ang tanging permanente lang sa mundo ay ang pagbabago. Umasenso nga tayo, lumaki nga ang barkada, nakilala nga tayo, pero teka, tayo pa ba yung dating ‘tayo’?

Hindi na siguro. Wala na sya. Wala na rin sila. Sino bang susunod na mawawala? Ikaw o ako? Nagalit siya sa iyo, nagalit ka sa kanya. Kinampihan kita, kinampihan naman nila siya. Ngayon? Ano na ba tayo?

Magkaibigan pa ba o simpleng magkakilala na lang?

Masakit mang isipin, nawawala na yung dating ‘tayo’. Oo, yun ang totoo. Masakit mang tanggapin pero yun ang totoo.

Kung alam ko lang na ang kapalit ng kasikatan at ng pag-asenso ay ang pagkakahiwa-hiwalay ng lahat, sana nanatili na lang tayo sa kung ano tayo dati. Kahit ganoon tayo, masaya ang lahat. Asaran lang, walang pikunan.

Ngayon.. Eto ako. Nakatunganga.. Nagbabakasakaling sa darating na panahon eh magiging maayos na ulet ang lahat. Nagbabakasakaling mapadaan ulet ako at isang ‘hoy lottie! namiss kita’ ang muli kong maririnig.

Nagbabakasali ring sa susunod, makikita ko ulet yung mga taong nakilala ko dahil sa ganito..

–> ^_^ or ^_6 – zombie sya sa umaga

–> hellowed – ang taong dadaan lang tuwing tanghali

–> Ang babaeng naging tanod este bantay sa kahit anong oras sa lugar kung saan kami nagkakausap usap.

—> Ang taong tumatawag sa akin ng ‘mojalot’..

—> Ang mga unang kakilala na bumansag sa akin sa palayaw na ‘lotlot’

—> Ang katawagan ko ng ‘dada’..

atbp.

Marami pa sila. Namimiss ko na sila. Ikaw? Namimiss mo na rin ba ako? Kasama ang iba?

-minsan lang ako magdrama, pagbigyan nyo na.

Advertisements

Responses

  1. Hay, masarap talagang magbalik-tanaw. Para kasing napakasimple at saya ng buhay noon kaysa ngayon.

    Paboritong kong libangan yan! Hehe!

    Kailangan niyong mag-reunion!

  2. sino zombie? sino sino? haha alfre is that you? haha kailan mo ko ilalagay sa blogroll mo? ikaw nilagay na kita. hehe 😀

  3. ahoi! sure ill link u ule =p

  4. miski ako miss ko na rin sila, kayo.. lalo na sa panahong inaantok at kelangan ko ng kausap, masususmbungan, mahihingan ng payo at magiging kakampi.. mga taong pwede kong kwentuhan na hindi na magtatanong ng kung anu-anu pa kundi bigla ka na lang mapapatawa..


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: