Posted by: earthlotus | Wednesday August 29, 2007

Isang Hamon

Minsan lang ako magseryoso. I admit it. Madalas akong tarantado.

Pero minsan, may sayad din ako. Minsan naman sadyang sa di ko mawaring paraan eh umaatake ang kaadikan ko.

Nagsimula ang lahat sa isang pakiusap. Isang simpleng pakiusap na kung maari ay mabigyan ako ng tulong para magawa ko ang isang bagay. Nagmamadali na rin kasi kami eh. Ay mali! Ako lang pala ang nagmamadali, wala kasing pakialam sa akin ang mga groupmate ko.

Kahit sa ayaw kong gawin eh mukhang napilitan na rin ako. Gusto kong mangopya! Ayun yun. Pero syempre, di naman ako bara-bara kung mangopya, syempre humingi muna ako ng pahintulot sa may-ari nun para makopya yung gawa nya.

Kaso sadyang ayaw ata talaga ng tadhana na pakopyahin ako ng gawa ng iba. Di ko na alam kung paanong nangyari yun. Basta. Di ko na rin kasi matandaan, sa dami ba naman ng nangyari ngayong linggo.

I take everything seriously lalo na kapag wala ako sa mood sa pakikipag-asaran. Pero don’t worry, hindi naman ako ganun kababaw para madaling sumuko.

Lamang kayo sa akin in all aspect, pero it doesn’t matter. Ang pagkakaroon ng kakupitensya ang bumubuhay sa akin. Mali mang sabihin pero ito ang totoo, mas nagiging masaya ako, mas maraming mas nakalalamang at nangmamaliit sa akin, eh mas lalo akong tumatatag.

Ito ang tatak na nakakabit na sa akin.

Isa itong HAMON. Hamon para sa ikabubuti ko, alam kong ako lang ang tanging makakatulong sa sarili ko para umangat mula sa kinalalagyan ko ngayon. Ako lang din naman kasi ang daranas ng kahirapan kung aanga-anga ako. I’ll need to prove something. I’ll prove to them na di ako tulad ng iniisip nila.
-Lumalaban kahit sugatan.

P.S.
-don’t worry, di ako galit. Pero honestly speaking, sineryoso ko ang mga banat nyong ‘pabiro’. Ako ito. Wala kayong magagawa. Ano pa man, ako lang ang nakakakilala sa sarili ko ng lubusan. Just deal with it. I can be better than before.

Advertisements

Responses

  1. test test test

  2. Hamon nga. :p

    Pero oo nga, medyo nakakatakot ang dating ng entry na ‘toh. :p

    Hindi naman sya nakakatakot eh. Sadyang yung mga naranasan ko eh tumatak sa akin bilang isang hamon. Ahmm, para sa ikabubuti ko rin yun. Peksman!
    -aguil

  3. so anu istorya? nahuli ka ba? o inasar ka lang ng mga klasmeyt mo??

    Isang pang-aasar lang ginawa nila, pero i took it seriously. Minsan, di ako marunong tumanggap ng biro lalo na pag nahihilo na ako sa kakaisip. Pero good thing was, isang challenge yun. Haha.. ^_^ I’ll have to prove something better.
    -aguil

  4. hindi naman siguro kita kilala.
    at mas lalong hindi naman ako ikaw.
    pero ganyan na ganyan din ang pakiramdam ko.
    lalo na tungkol sa kompitensya. mas masarap diba. lalo na kapag inaasar ka, kapag pilit kang hinihila pababa kasi mataas ka.
    hahaha! tatawa na lang ako.

    haha. ^_^ uu nga. mas may kumpetisyon, mas nahahamon ako. mas tumatatag sa tuwing hinahatak pababa.
    -aguil

  5. matanong ko lang..ito ba yung sa gender issue? 😀

    hehe! mas kilala mo naman sarili mo eh. wala kang dapat patunayan sa iba..

    academically sa tingin ko naman matalino ka kasi masipag ka mag aral..ipagpatuloy mo lang yan tsong malayo ang mararating mo.

    saka yung pangongopya..normal naman yan.

    anong gender issue? adik! walang gender issue.. nyahaha.. ^_^ normal ang pangongopya, pero sa akin eh may excemption pagdating dun.. haha.. ^_^
    -aguil

  6. yep, i totally agree with you. kung ano mga yung mga ‘biro’ nila, mas mabuting wag na lang pansinin. kilala mo kung sino ka. well, g’luck na lang sa academics..^^

    salamat. may tamang oras at lugar pagdating sa biruan.. minsan, sadyang kabadtrip na rin kapag wala na sila sa lugar pag nagbiro.. nyahaha.. ^_^
    -aguil

  7. Normal nga lang ang mangopya, gawain ko rin yan dati. But I realized na medyo hindi yata nakakabuti sa akin ang ganon kasi lalong bumababa ang tingin ng tao sa akin. At hindi ko na hihintayin na mapintasan pa ako or may masabi pa sa aking hindi maganda para ibahin ko ang takbo ng buhay ko. Yan ang ginawa ko and I made it. I made a big change.

    The hardest challenge that you can get is YOURSELF.

    oo, mahirap na rin namang umasa sa iba eh.. sarili ko lang lolokohin ko kapag ganun ang ginawa ko. ako rin kasi mahihirapan kung di ako mag-aaral ng mabuti.. salamat sa kanila, isang challenge yun para mag-aral ako ng mabuti.. haha.. ^_^
    -aguil

  8. tsk… the only thing who can help you is…

    you, yourself, and aguil ^^

    haha.. ^_^ thanks sa payo.. susundin ko yan!
    -aguil

  9. Tulad mo, minsan lang din akong mag-seryoso. Para sa akin, maganda na nakikipagkumpitensiya ka sa iba. Nakakabuti yun.

    tama tama! salamat sa payo.
    -aguil

  10. patry nga ulet..


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: