Posted by: earthlotus | Saturday August 25, 2007

Ikalawang Magulang

Labin-tatlong taon na rin ako sa pag-aaral.

Isang taon sa Kinder.
Anim na taon sa Elementarya.
Apat na taon sa Sekondarya.
At sa kasalukuyan, dalawang taon sa Kolehiyo.

Iba’t ibang klase na ng pagtuturo ang natunghayan ko, iba’t ibang klaseng pagtuturo na rin ang nalaman ko. Ilang daang libro na rin ang nabulaklat ko.

Pinakamalupet dun eh iba’t ibang klaseng guro/propesor na rin ang nakilala ko.

Ito ito sila…

Mr. Apollo – sya ang guro ko noon sa High School na pinagtatakhan ko kung bakit naging teacher pa. Sya ang guro na tinuturuan ng estudyante. Baliktad di ba? Ewan ko dun kung bakit. Nalaman ko na lang nung patapos na yung taon na hindi naman talaga teacher yun eh, teacher lang yung misis nya kaya kinuha na rin sya ng eskwelahan namin para magturo. In demand kasi sa school namin nun ang Guro para sa Basic Computer. Wenk.

Sadako (Mrs. Forte) – Sya ang teacher ko sa Filipino noong Grade IV ako. Sa di ko malamang dahilan eh ako lagi ang pinag-iinitan nung mokang na yan. Di na nga ako nagsasalita masyado sa klase nya eh, pero ako pa din ang laging napapansin. Sadako tawag ko kasi abot pwet yung makapal nyang hairlaloo, tapos madalas pang natatakpan yung mukha nung mokang. Nung Christmas Party namin nun eh balak ko sana syang bigyan ng Suklay, kaso nahiya ako eh. ^_^

5:00 o’clock Man (Doc Ong) – Sya ang pinakamamilagroso kong teacher nun. Nyahaha.. ^_^ Every 5:00am kasi ng umaga, lagi na lang kaming may nakikitang mga kabataang lalaki sa Filipino Department. Sino-sino sila? Sila ang mga pinapantasya ng mga bading na guro sa amin. Hmm.. I wonder kung ano ginagawa nila lagi dun sa Department, kasi sa tuwing lalabas yung mga andun eh parang pagod na pagod. Huwahahaha.. ^_^

Dora ‘d Explorer – (Ms. Bascon..) – sya ang teacher ko sobrang talino. UP Grad sya, paboritong kadebatehan ng mga co-teacher nya. Sya rin ang dalagang nagtuturo sa amin na masyadong walang arte sa katawan. Dora, kasi kamukha nya talaga.

Mrs. Langaw – Sya naman ang teacher namin na laging may kabuntot na 3 langaw. As in langaw talaga ah. 2nd subject after break sya kung magturo sa amin. Hindi kumpleto ang araw namin kapag di sya makakapasok sa amin na walang kabuntot na langaw. Sya ang Mysterious Girl ng School namin.

Prof. Marquez – Sya ang prof namin sa College Algebra na laging nang-aakit. Err.. Dalaga pa ata si Maam kaya mahilig magsuot ng mga nakakarimarim na damit. 60++ na si Maam pero malakas pa rin ang asim sa katawan. Kewl.

Prof. Abueg – Sya ang prof na aktibista. Puros problema ng pilipinas ang inoopen nya pag klase na namin. Lagi ring di nawawala pag nagku-kwento sya ang linyang “…kanina, nakausap ko yung Taxi Driver sa Taxi na nasakyan ko, sabi kakaunti na lang ang kinikita nila dahil sa putang inang taas ng presyo ng gasolina..” at ang makabagdamdaming “..putang inang gloria yan! bat di pa kasi patalsikin ang bansot na nasa palasyo…”

Prof. Urrutia – Sya ang nakakalokong prof namin na makulet, o sadyang may sayad lang. Di mawawala sa kanya ang mga tanong na “Sino DOST Scholar dito sa section nyo?”, kahit pang alam naman nyang walang DOST Scholar na nasa Section namin, CHED Scholar eh meron pa pero walang DOST Scholar. At every time na lalayas na sya sa room namin eh laging magtatanong yun ng “Sino taga-Valenzuela dito?” kahit pang alam na rin nyang walang taga-Valenzuela sa amin. Amkulet din ng mokong na yun eh.

Haiishh.. Nakakaloko. Nakakakatuwang alalahanin silang mga may weirdong pag-uugali. Weirdo man sila, mananatiling sila ang mga ikalawang magulang ko na tumulong sa akin para maging ganito
ako.

Advertisements

Responses

  1. congrats s bgong site! ^^

    nakakaloka naman yung teacher niyong si Doc ong at si prof. abueg hehehe

    Ang mas nakakaloko dun eh, saksakan sa guapo yung teacher kong yun. Ewan ko nga lang kung bakit sa lalaki nahilig yun at hindi sa babae. Sana sa akin na lang nabigay yung kaguapuhan nya. Bwahhaa..
    -aguil

  2. Seryoso, langaw talaga? Haaaysh…

    namimiss ko tuloy mag turo. i had a 1 year stint as a Psychology Teacher sa Medical School a year ago. Sakali man na naging student kita, ano kaya description mo sa akin? hehe…

    alala ko mga students ko dati, pag dumating na ako kunyari nag aaral kasi daily graded recitation sila. pag tinawag naman, hindi rin makasagot.

    iniisip ko tuloy, teacher factor ba o hindi lang talaga sila nag aaral?

    siguro both, haha.. ^_^ may pagkukulang both side.
    -aguil

  3. oist! talagang binaon mo na sa limot yung earthlotus? in-update ko na kasi yung link mo sakin eh..

    yang mga ganyang prof ang nagpapasaya sa buhay ng mga estudyante…minsan gusto ko rin ma-experience ang magturo sa hayskul. o kaya college na rin šŸ˜€

    OO, sadyang sila ang nagbibigay sa tinawatag na ‘thrill’ sa buhay estudyante.
    -aguil</strong
    >

  4. Hehe. Nakakaaliw naman ang mga teachers mo! hehe.

    I’m sorry it took a while for me to send you a reply. I’ve been busy with other things. Hehe. So, is this your new blog? I’ll update my links. =)

    Ayos lang yun, haha.. ^_^ marami pa sila, di ko pa nga naisama yung iba eh. Di ko na matandaan yung mga codename na binigay ko sa kanila eh.
    -aguil

  5. baka naman kras ka ni mrs forte. hihihi. ui labtim.
    kitang-kita kong napakasaya mo. wala ka bang kabiguan sa buhay? hahaha.
    tatawa na lang ulit ako. sowi.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: