Posted by: earthlotus | Wednesday August 22, 2007

Ako si Aguil.

Maraming bagay na ang gumugulo sa isipan ko mula ng nag-umpisa akong tamarin sa pagsusulat.

Iba’t iba kasi ang dahilan kung bakit ako tinamad na sa pagsusulat. Uhmm, siguro dapat hindi ang salitang ‘tinamad’ ang dapat kong gamitin, dapat eh ‘tumigil pansamantala’ dapat.

Gusto ko nang ibaon sa limot ang mga nakaraang nakadikit pa rin sa codename kong yun.

Mga nakaraan di ko gusto pang balikan pa.

Pero paano ko buburahin sa isipan at alaala ng nakararami na ako nga pa rin naman si earthlotus?

Simple. Ang paggawa ng panibagong identity. Alam kong mahirap para sa lahat na kalimutan ang salitang earthlotus kasi nakadikit na ito sa pagkatao ko at alam kong di rin naman ganun kadali yun.

Ako si earthlotus, pero sa ngayon, dito sa bagong tahanan ko eh makikilala AKO bilang si Aguil.

Ako si Aguil. Whether you like it not eh ako na si Aguil.

Aguil. Pangalan yun ni Lolo sa side ni Mama. Pangalan yun ng asawa ng taong nag-alaga sa akin sa loob ng 9 na buwan bago pa ang kanyang huling mga sandali.

Bilang pag-alala, dapat kong gamitin ang pangalan tinatawag sa akin ng aking Lola nung sya pa ay nabubuhay.. Lagi nya akong tinatawag sa pangalang SHARIF MARDAN, pero sa di ko malamang dahilan eh di ko alam kung bakit naging Mohammad ang pangalan ko.

Pero nga since pasaway ako tulad ni Mama eh mas gusto kong gamitin ang pangalan ni Lolo. Masyado na kasing gamit ang mga katagang Sharif and Mardan. Kaya para maiba, AGUIL naman!

———————–
Mukhang bumalik na ako sa dating ako. Ako na dating mohammad, pero ngayon mas kikilalanin siya bilang si AGUIL.

Advertisements

Responses

  1. uy! welcome sa WP. *hug* ayan may libreng hug, sa sunod may bayad na. hihihi… sipagin ka na sana. 😀

  2. ang pagbuo ng panibagong identity..
    sa totoo lang, mahirap yan.
    lalo na’t alam ko at ng iba pa na ikaw si earthlotus.
    huwag kang mag-alala, ikaw na si aguil para sa akin.
    aguil. aguil. aguil. o ayan kung hindi pa yan tumatak sa utak ko.
    alam ko ang pakiramdam ng kagustuhang maibaon sa limot ang mga alaalang nakakabit sa unang pagkakakilanlan.
    hay buhay. ganun talaga yan.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: