Posted by: earthlotus | Tuesday August 14, 2007

Tuition Fee Increase

TagaPUP ako. Proud PUPian ako. Pero teka..

Kilala ang PUP bilang tahanan ng mga Aktibista ng bansa..
Kilala ang PUPian bilang tagapag-kanlong ng mga kabataang mulat ang isipan sa kung anong meron ang bansa..
Kilala ang PUPian sa tibay at lakas ng loob na di kaya matinag nang kahit anong klaseng banta..
Kilala ang PUPiano sa walang takot na paghahayag ng totoong isyung kinakaharap ng bansa..

Pero teka.. Sa ngayon ba, kaya pa ba nang mga nataguriang PUPian ang isang dagok na kasalukuyang kinakaharap ng Sintang Paaralan?

TUITION FEE INCREASE.

Maliit na isyu para sa iba. Pero para sa mga kapos sa palad na tulad namin eh (toinks )napakalaking isyu nung 500% Tuition Fee Increase at yung 100% increase sa Miscellaneous Fees.

Mula sa P12 per unit eh magiging P75 na per unit.
At ang miscellaneous fees eh magtataas ng 100% naman.

Kamusta naman yun?

Maraming tumututol pero may iilan rin namang gusto sa nais ng Sintang Paaralan.

Okay lang dahil..
— dahil upang mapataas ang kalidad ng mga pasilidad ng mismong paaralan at wag ng umasa sa gobyerno
–dahil ang increase naman ay para rin sa atin.
[ yan ang ilan sa mga rason na lagi kong naririnig sa kanila pero ewan ko sa mga yun kung may punto nga ba sila o sadyang di ko lang makuha ang punto nila.. ]

Ayaw dahil..
–dahil di kaya ng budget ng masang pilipino ang dagdag na pahirap sa edukasyon ni juan dela cruz at marami pang iba.. hehe.. :d

At sa mga nangyayaring ito sa PUP, dito masusubok kung paano kakaharapin ng PUP ang isang problemang tulad nito..

Sabi nila, pag nagtaas ng P1.00 ang Tuition Fee sa PUP eh tyak magwe-welga ang buong PUP.
Ang tanong eh, paano ngayon? Di lang P1.00 ang itinaas, 500% ang itinaas pa. Kamusta naman yun.

Advertisements

Responses

  1. napasilip lang sa blog mo

    di ko akalaing magtataas din ng tuition ang pup hay dami ko pa namang mga ka batchmates ang nagaaral dyan ngayon, sa hirap ng buhay sa pilipinas hindi biro yung idinagdag nilang 63 pesos kada unit…

    xiao!

  2. Buti na lang NAPIGILAN ng mga estudyante ang TUITION FEE INCREASE.. Yipee!! Magdiwang magdiwang!

    Ayos, nagkaisa ang mga PUPian para mapigil yung increase, salamat sa mga nakibahagi.

  3. ang galing naman! mabuhay ang mga PUPian…mga pogi talaga kayo at maanghang! (ehem ehem!)

    buti naman at hindi natuloy yang increase..grabe ang taas naman nung 500% increase.

  4. Honga eh. Ayos lang ang paunti-unti increase.. nakakawindang lang yung biglaan kasi eh.

    500% pa? Kamusta naman yun. Aabot ng 4k per sem. Kamusta naman yun di ba?

  5. Buti nga kayo mababa pa rin hanggang ngayon e…

    For better naman siguro ang pagtatataas… Remember… State University ang PUP at hindi na gaanong nalalaanan ng government ng pondo. Try to think of it… kaya nga pati hitsura ng PUP walang pinagbago… mukhang lalong nasisira…

    Think positive naman for that tuition fee increase… Yun lang!

    Wag kang maniniwala sa akin…

    Adventure na lang tayo!
    http://www.adventuresofalionheart.blogspot.com/
    Magkalapit lang naman tayo e…

  6. Ayos lang naman para sa akin yung Tuition Fee increase eh. Eh kasi hindi naman ganun kabigat yung increase kung tutuusin.

    Pero ang tanging pinangangambahan ko lang naman eh kung magagamit nga ba talaga ng mga PUPians yung makukulekta sa mabuting paraan?

  7. Dito naman sa UP, 300% ang increase. Aabot na ng mahigit 20,000 per sem ang babayaran ng mga freshies simula this year, pero hindi apektado yung batch namin. Kami na yung last na naka-abot dun sa murang tuition.

    Agree rin naman ako sa tuition hike sa amin, since hindi naman pwedeng icompromise yung pag-aaral namin para lang hintaying umaksyon ang gobyerno. Although I’d say na you’re still luckier than the current UP freshies especially na sobrang mura pa rin ng tuition niyo compared to other universities. Mas magagawan niyo ng paraan ang pagbabayad.

    Congrats on your success with preventing the tuition hike. 🙂

  8. Monique,

    Isang tagumpay na maituturing ang pagpipigil ng Tuition hike sa amin..

    -Proud PUPian.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: