Posted by: earthlotus | Wednesday August 1, 2007

I’m His Knight.. hehe.. ^_^

Masaya ang araw ko kahapon..

Bakit na naman ba? As usual, nakausap ko ang prinsesa ko.. Hehe.. ^_^

Sus, yun lang eh alam ba nyang ako yung kabalyero nya? Hehe.. ^_6 Goodluck sa akin pagdating dun.

Katext ko sya kagabi.. sabi nya “mOhammad naiiyak ako, hindi umiiyak na pala aq” awts, nawindang ako dun ah.

Sa di ko malamang dahilan, bigla huminto ng panandalian yung mundo ko kasi nga ngayon lang sa tanang buhay ko natawag nya ako nang mOhammad.

Asa isip ko nun, sya ba ito? Mukhang may nanggogoyo sa akin. Pero nung nagreply ako ng ‘huh? bakit?’ eh sagot naman nya eh dahil sa hindi raw sya maintindihan ng mama nya, kaya ayun, naniwala na akong sya nga yung nagtext.

Ayun, since ako nga yung Knight nya eh bigla suporta naman ako. Kakoh kalma kalma lang, ganun talaga. Ganun talaga ang mga magulang. Mahirap intindihin.

“Ano? Bat di ka makasagot? Sumagot ka! Gagawa gawa ka ng kasalanan tapos kikime-kime ka na lang dyan?” –> ito ang madalas banat ng mga nagkakaedad na.

At syempe, since sabi eh sumagot ka tapos sasagot ka naman eh ito naman ang ibabanat sa iyo..

“At kelan ka pa natutong sumagot sagot ng ganyan? Kelan ka pa natutong sumagot? Magsalita ka!!!” –> adik noh?

Eh ewan ba! Ganyan talaga ang buhay, mahirap magpalaki ng magulang. Pero One thing na pede kong iassure kung bakit sila nagagalit.. Ito ay dahil meron silang gusto para sa atin.

Simple lang. Di naman sila mag-gagaganun di ba kung asa normal tayo na pag-iisip? Kahit pang walang mali sa ginagawa naten eh asa isip nila eh mali yun kasi mali yun nung kapanahunan nila. (shet! amlalim, wala ako naintindihan dun ah! haha..)

Ang magulang, kahit anong mangyari eh walang ninais na ikakasama naten. Ganun yun. Haha.. ^_6 amsweet nila noh?

Haha.. ^_^ –> ako ba toh? Ewan lang.. Haha.. nagiging seryoso na naman ako eh. Ampangit talaga.

——-
At sa kakalagalag ko sa net. May nakita ako.


“Gatasan mo ako oh beybeh!!”

Advertisements

Responses

  1. nako. namimiss ko ang senti days. ang pangalan ko nun ay prince gian at ang aking princess janelle. hindi nga lang niya alam yun.

  2. buti ka pa nga e.

  3. Padre Salvi,

    Haha.. ^_^ ayos yan ah! Ako eh yung ‘Knight in Shining Stainless Armor’ nya.. haha.. ^_^

  4. Emoseb,

    ayos lang yan! ganyan ang buhay eh! hahaii..

  5. hindi ikaw ang kanyang kabalyero… ikaw ang kanyang “kutseero” : )

  6. usapang kabayo na toh!!! hahaha

  7. nakakatuwa kang magkwento.. first time lang ako dito sa site mo pero napatawa mo ko habang binabasa yung entry mo.. hehehe.. ^_^ .. care to link ex??

  8. adik ka na naman..(lagi naman eh). kaya kung ano-ano nahahagilap mo sa net..

    knight ka na pala ngyon…akala ko pawn ka lang eh 😀

  9. Red,

    Wahh.. Umaygad! haha.. ^_^ honga eh.

  10. Joana,

    Sige sige po! salamat sa pagbabasa!

  11. Nelo,

    Hehe.. ^_^ knight na! Next time King na ako! Awhii!


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: