Posted by: earthlotus | Thursday July 26, 2007

Buhay Bata..

Namiss ko na ang pagiging BATA.

Ahmm, hindi naman sa dahil sa MATANDA na ako, BATA pa rin naman eh, pero what yung gusto kong ipunto eh yung panahon na medyo BATANG BATA pa talaga ako. Hahaha..

17 years old na ako ngayon, medyo mahaba haba na rin ang tinagal ko sa pakikipagsapalaran dito sa mundo. 17 taon nang masasaya, nakakaiyak, nakakainis, nakakatuwa, nakakawalang-gana, nakakaL (alam na!) at nakakapagpatulala sa akin sa mga sandaling oras.

Namiss ko na yung dati. Ito ang iilan sa kanila, sobrang dami kasi eh. At bawat alaala ay di pedeng mapalitan ng kahit anong materyal na bagay sa mundo. Hehe.. πŸ˜€ Ganun sila kahalaga sa akin.

–> Naglalakad kami nun sa Tangke Baba sa may Luzon Ave. dito sa may bandang Culiat dito noon ng may bigla biglang nagtrip sa amin. Ako, si Miks (bestfriend ko) at si Acis (yung sinsabing parang kabiyak na bunga ko kasi magkahawig kami) yung magkakasama sama nun nang biglang may tumawag sa amin na baklang adik. Sabi nung bading “Michael” eh kami lang naman yung naglalakad nun sa kalyeng yun, at sa di sinasadyang pagkakataon eh sabay sabay kaming napalingon dun sa bading, pagtingin namin eh biglang tago naman si bading tsaka kami nagkatinginang tatlo. Lekat yun. Nauto kami nung bading na yun. Hahaha.. Anong nakakatawa dun? Wala, gusto kong ishare. At hanggang ngayon, pag magkikita kami madalas nagtatanungan kaming tatlo kung sino nga ba yung si MICHAEL sa aming tatlo. Hehe. πŸ˜€ At siguro na meh nakaraan pati nung bading.

–> Asa kina Acis kami natutulog nun para sa SPECIAL PROJECT kunoh, kanya-kanyang paalam kami para makatakas, pero sa totoo eh wala naman talaga special na project, tatambay lang kami dun sa house nila, at magkukuwentuhan hanggang umaga. Ang medyo nakakawindang dun eh kay Acis lahat ng gastos namin. Adik din yun eh. Pamasahe, pagkain, gamit at kung anu-ano pa. Minsan naisip ko, paampon kaya ako dun?

–> Nilalakad namin mula Culiat High School papuntang 711 Tandang Sora, eh dadaanan lang yung muslim compound kapag ganun but since trip ko rin yung ganun eh sasama ako sa paglalakad papuntang 711, pagdating sa 711 eh tsaka ako sasakay ng jeep pabalik papuntang Muslim Compound. Bwahaha.. πŸ˜€ Nagaaksaya lang ng pera.

–> Masubaybayan yung maduguang pagpapraktis nung mga kaibigan ko sa drum & lyre nun, mga 2 buwan din yun. Til 10pm or 11pm kami nun sa school, ako na nanunuod at sila eh na nagpapraktis. Tapos pagdating nung mismong competition sa Amoranto eh bigla bigla na lang iaannouce na yung taga Quezon City High School yung mananalo? Ito pa malupet, 1st place, 2nd place and 3rd place yung napunta sa kanila. Sa high school division, sa elementary division, at sa iba’t ibang paliksahan pa nun. Samanatalang andami naman nilang nilabag na Rules. Tae sila! Madadaya. Sila pa ang Host. Bwahaha. πŸ˜€ Kaya pala. Pero ayos lang, 10 years ng CHAMPION ang Culiat High School pagdating sa Drum & Lyre Competition sa Quezon City, kitams?

–> Nung mag-Open sa akin ng problema yung si Acis, about kay *toot hehe.. πŸ˜€ Nasubaybayan ko rin yung Love Story nila. Haishh..

–> Nung ung section namin yung naging Over-All champion sa Buwan ng Wika sa school namin. Haha.. πŸ˜€ Lahat ng nagperform kasi eh mga kaklase ko, kasama na rin ako.

–> Ang maduguang exam sa UP, lekat. Lakas ng Ulan nun, haishh.. Dahil sa lakas ng ulan eh nag-exam ako ng basa yung pantalon ko, nakakainis talaga eh tapos sobrang lamig pa sa room. Ayun, goodluck. Tinulugan ko ang exam! Bwahaha. πŸ˜€ Kung di ko sana natulugan yun eh sa UP siguro ako ngayon.

–> Unang laklak ko ng Alak. Haha.. πŸ˜€ Feb 17 yun last year. Awhii! Tapos kinabukasan eh PUPCET? Goodluck. Haha.. πŸ˜€

–> Nang maging member ako ng PEYUPI.COM ahaha! Nakakatuwa, nakakilala ako ng mga kaibigan na mukhang robot. Este akala ko eh robot. Ahehe.. πŸ˜€

–> Nang mabulag ako sa pag-ibig. Ayun, ayos lang. Sa sarili ko, nagmahal lang ako ng lubos.

–> Nang dumating si Papa nung Graduation ko. Haish, kahit pang sobrang KJ ni mama nun, huhu.. T_T Deep inside, natuwa ako.

–> Pinakanamiss ko eh yung sobrang L na kaibigan kong babae, hehe.. πŸ˜€ Eh 18 y/o na yun, tapos ako nun eh 12 y/o, sya lang kasama ko sa panunuod ng prOn.. hehe.. πŸ˜€ Kung makamundo lang ako eh tyak, baka nalahian ko na yun.

Marami pa akong namimiss.. Gusto kong maulet lahat nung mga bagay na yun, kahit pang alam kong imposible na kasi asa iba’t ibang lugar na ang ilan sa amin, may iba’t ibang antas na rin. May gumuwapo, may gumanda, may nagsabi ng ‘salamat po doc’, meron ding parang ganun pa rin, may naging nerd, may natural na weirdo, mayroon din na akala mo eh katatapos lang magdroga, meron ding pluwent na sa pagiinglishh.. Haha.. πŸ˜€

But still, yung pinakanamiss ko eh yung sarili ko. Haha.. I miss myself, yung mOhammad 5 years ago.

Sa susunod kong buhay, kung papipiliin ako, gusto kong maging mOhammad pa rin, yung mOhammad na may kakaibang lifestyle, yung mOhammad na tulad ko eh adik din. Hehe.. D: Basta yun.

Ito ang ilan sa mga letratro.. lekat, litrato hehe.. πŸ˜€

Kami kami..

Ayan sila, ang mga adik! hehe.. πŸ˜€ Ako yung mukhang lapis na nasa likuran. Take note, nakatingkayad ako dyan. Amlalaki kasi nila eh.

 

—–
lekat, gagawa na nga muna ako ng project ko..
wala pa akong nagagawa eh,
bukas ko na sya isusumite.. haha.. ^_^

Advertisements

Responses

  1. I love being a child…

    huh!

    http://adventuresofalionheart.blogspot.com

  2. hehe.. kahit sino naman eh, minahal nila yung part ng buhay nila na naging bata sila..

    tulad ko, masaya akong dumaan ako sa buhay pagkabata.. hehe.. ^_^

    once in a lifetime lang yun eh.. hehe.. ^_^

  3. buti ka PaH..hehehe

    ako never ko na enjoY ang pagiging bata….

    naun na 25 na ko…pinipilit ko ma enjoy ang buHay:)

    Good luck… nakakaaliw basahin ang akda mo( lalim hahaha)

  4. […] PostΒ – Top 62 rin yung ‘Buhay Bata’ na artikel ko. Awhii.. Nakakatuwa naman […]


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: