Posted by: earthlotus | Friday July 20, 2007

Perstaym ko..

Sabi nila masarap ang bawal.

Tama tama. Masarap nga ang bawal, lalo na kung yung mga bawal eh yung mga kinaadikan mong bagay.

Lekat, wag kang mag-isip ng malaswa. Alam kong iba ang nasa isip mo eh.. Haha.. 😀

Kanina, nagpacheck up ako sa Casual General Hospital [ na sa pagkakaalam ko eh Lanting Gen Hospital dapat, ewan ko kung bakit naging Casual yun.. haha.. ] tapos…

Ayun nga, binutingting yung katawan ko. Ito yung mga panghaharass na ginawa nila sa akin.

Yung nurse na kumukuha nung info bout sa akin eh bigla bigla na lang nagpaipit ng thermometer sa kili-kili ko, pakshet! Natawa ako kasi gusto nyang sya pa mismo yung maglagay sa kili-kili ko, goodluck naman nun di ba?

Tapos tapos tapos.. After nun eh punta na kami kay Doc. Amganda nya peksman, She reminds me of Someone. Haha.. 😀 Tanong tanong tanong at maraming tanong habang pinakikinggan nya yung kung anunman meron sa baga ko gamit yung nakasukbit sa tenga nya, di ko alam tawag dun eh. Nakalimutan ko pala. Haha..

Doc : Mahilig ka bang kumain ng mga maaanghang ijo? Yung masisisili ba?
Ako : Opo. Kasama na sa pang-araw araw na pamumuhay ko yung ganun, ang magsili.
Doc : Nagkakape ka ba ijo?
Ako : Madalang lang naman po. Madalang na minsan. Thrice a week siguro.
Doc : Madalang nga.. Mahilig ka ba sa softdrinks?
Ako : Uhmm.. Medyo po, pero sa ngayon eh panay tea lang ang iniinom ko lagi, sobrang dalang ko na lang magsoftdrinks eh.
Doc : Ahhh.. blah blah blah blah..
Ako : Ahh.. blah blah blah blah..

Doc : Ijo, iwasan mo ang pagkain ng masyadong masisili o kung pede eh tuluyan mo ng iwasan, ahmm. Iwasan mo na rin magkape, tubig ka lang lagi dapat, tapos bawal din ang softdrinks…

Pakshet! Parang gumuho ang mundo ko dahil sa mga sinabi nya, pero sandali lang yun. Nakarecover naman agad ako eh, kasi sabi nya eh SOFTDRINKS lang bawal, kasi kapag sinabi nya ang mga brandy at mga kung anu-anong nakakalansing na inumin eh malamang gugunaw talaga ng tuluyan ang mundo ko. Haha..

Ito yung nireseta sa akin nung doctor..

1. Omeprazole [ 20mg/tab] (7pcs)
: 1 tablet once a day for 7 days
— ito mismo yung gamot para dun sa sakit atake ko..
2. Maalox [ chewabletablets] (12pcs)
: 1 tablet every 6 hours for episodic epigastric pain
— kapag may sumpong raw ako ulet..
3. Multivitamins (Pharmaton)
: 1 tablet per day
— since patpatin raw ako eh ito ang tama para sa akin.. haha..
4. Ascorbic Acid [ 500mg/tab]
: 1 tablet per day
—- kulang raw kasi para sa akin yung acid content nung multivitamins ko, kaya dapat daw pati ito.. hmm..

ewan ba.. nagulat ako, may ECG pa ako, lekat.. nakakakiliti pala yun.. Haha.. 😀

Nakakatuwa kasi yung nurse na nagECG sa akin eh maganda, haha.. 😀

Nurse : Sir, higa po kayo dito sa kama.
Ako : Huh? Sige.. *evil grin
Nurse : Pakitanggal po nung shirt nyo.. *grin
Ako : Huh? Bakit po? Wahh..
Nurse : Nyak? Eh para dito sa apparatus oh.
Ako : Ah.. Kala ko kung anu na eh. Haha..

… tapos biglang may kinalkal sa mga ribs ko yung nurse, pigil na ngiwi na nakikiliti yung mga responses na maririnig sa akin, eh mukhang narinig ata ni mama na nasa kabila lang, ayun pumasok para tingnan yung ginagawa sa akin nung nurse.. haha.. 😀

ayun.. nakakatuwa, haha.. 😀 masayang karanasan mula sa isang nars yun.. awhii! haha.. 😀

Sad part was, 80/60 ang Blood Pressure ko tapos 49 kilos lang bigat ko. Adik? Kaya wag kang magtaka kung bakit ako ganto kapayat.

Kaya, sooner.. I know, I’ll be gone.. Wag kang umiyak para sa akin, wag kang korni ah.

Advertisements

Responses

  1. blog hopping!!! Tama mas marasarp nga gawin ang bawal. kapag high blood ka,kumain ka ng sandamkmak na aligue at balat ng lechon…LOL

  2. mukang enjoy ka sa field trip mo sa ospital ah. sabagay kung sa naggagandahang chik ba naman. pag bumibisita nga din ako for preventive check up, parang generic na ung sinasabi sa kin, nguyain ang pagkain, bawal ang sopdrinks, go grow and glow.

  3. blog hop lang… comment ka din ah… i also added you in my link ex… hehehe… lakas ng trip mo ah… hehehe…

  4. may mga bagay ng na masarap gawin lalo’t bawal.. pero hindi lahat ng masarap ay dapat… ano raw? hehehe… nakow. ingatan mo sarili mo.. ok?

  5. naalala ko tuloy yung nag check up kay Dabebe nung nagka ubo at lagnat siya. Sabihin daw ba nung doctor na kamukha ni Dracula na may Chronic Bronchitis and Debebeko. Hello, simpleng ubo at lagnat nga lang sakit nya…

  6. Thet,

    Uu.. Mas may thrill ang buhay ika nga nila, mas masaya pag yung bawal ang ginagawa.. haha..

  7. Badoodles,

    Yebah yebah. May kung anu nga akong naramdaman habang iniiECG ako eh.. haha.. ^_^

    ang naughty ko na naman! haha.. ^_^

  8. Bheibyboo08,

    well ganun talaga, haha.. ^_^

  9. Lucanaku,

    Salamat sa pag-aalala.. haha.. ^_^

  10. Bebenibadoodles,

    Haha.. Honga eh.. Masyadong uber ang mga doktor kung makareak, daig pa ang mamamatay ng pasyente.. haha.. ^_^

  11. umandar na naman ang kamanyakan mo lotlot..haha!

    masarap talaga gawin ang bawal lalo na at patago 😀

    pagaling ka bata…lamang pa pala timbang ko kesa sayo..wahehehe!

  12. Nelo,

    Adik adik! Hahaha.. 😀 Sobrang under weight na ata ako eh, isang kilo nalang eh isang kaban na ako! Bwahaha.. ^_^

  13. A low blood pressure reading of 90/70 and 80/60 may be normal for uber active people. Mahilig ka bang mag basketball, run, jog, ihib ng tubig or something na para ka nang “athlete” …

    Usually kasi ang mga pasyente ko na may history ng ganyan kababang bp pressure ay wala namang HYPOtension, talagang active lang.

    I hope na iyon ang case mo. 😛

    Hindi ko alam ang diagnosis sa iyo, pero since meron syang binigay na acid inhibitor, maganda siguro bantayan mo kung ano ang pagkain na nagbibigay sa iyo ng reflux … sa akin kasi ICE TEA, SWEETS and SMOKING.

    Good health

  14. Sir Isagani,

    Umaygad, di po ako athletic type na tao, di ako nagbabasketball, di rin ako nag-iigib ng tubig, actually tamad ako sa mga gawaing bahay.. ewan ko lang kung bakit..

    ahmm, mga 4 na buwan na rin akong medyo madalang uminom ng softdrinks, pero malakas ako mag ICE TEA.. wahh.. T_T

    Salamat sa pag-alala..


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: