Posted by: earthlotus | Tuesday July 17, 2007

Lekat na Atake

Tokwa.. Anong meron kanina?

Unexpected bigla ako inatake ng kung ano. Ewan ba! Lekat talaga.

Masaya ang buong araw ko kanina, well siguro bago mag-umpisa yung nangyari.

-fast forward sa hinaharap-

Report ko sa Economics. Actually madali lang talaga yun report, pero hinayaan ko na lang na si Ana na lang yung magreport nung ilan sa mga dapat na sana’y sa akin.

Nung pagkatayo ko para itackle yung about sa Demand Shift Curve ek ek eh bigla bigla na lang ako inatake.

Inatake ng alin? Ewan. Di ko alam kung ano tawag dun eh, basta bigla bigla.

Sumakit yung ribs ko, yung gitnang parteng bandang itaas nung tyan ko. Basta dun dun yun, ewan ko kung ano tawag dun. Okay lang yung atake eh, kahit masakit eh kaya ko pa naman tiisin para sa report, pero ang hindi ko alam eh kung bakit hindi ako makahinga. Nahihirapan ako huminga.

Nahihiya ako. Oo. Nahihiya ako sa nangyari, kasi alam ko, ramdam ko kung ano yung unang pumasok sa isip nila nung nakita nilang ganun ang nangyari sa akin.

“Drama lang netoh siguro para makatakas sa report.” Alam ko yun, kasi kahit ako eh ganun din naman sasabihin ko kapag sakaling may kaklase akong bigla bigla aatakehin sa ‘oras ng pagrereport nya at saktong inatake nung papaumpisa yung report’.

Ewan. Gustong gusto kong tapusin yung mismong report ko pero anong magagawa ko? Ayun lang, inatake ako. Ewan. Taena.

Naiinis ako, naiinis ako kasi sobrang dali lang actually nung report ko eh tapos yung mismong prof pa yung sasalo sa akin? Nakakahiya di ba? Pero anong magagawa ko.

Hirap na hirap ako huminga kanina, pawis na pawis sa di malamang dahilan, namumutla pa raw ako sabi ni alvin, so? Acting lang pa rin ba yun? Ewan.

Pati sa mismong kay Ana eh nahihiya ako, pramis. Nahihiya ako kasi sya ang sumalo nung ilan sanang dapat na sa akin. Ewan. Putakte talaga.

Tapos instead na last reporting namin na yun eh meron pa ulet na reporting na isa pa, kasi nga eh kinulang sa oras at may kulang pa raw. Takte talaga.

I’ll accept everything, kasalanan ko, kasalanan ng pesteng atake sa akin..

Ano nga yung sakit ko? Ewan. Ikatlong beses na toh, pinakamalala actually sa tatlong atake sa akin.

1st – nung umabsent si sir Austria sa amin at asa Chapel kami nina Meiko, Maruko, Yoda_mann, daOng, c3ss.. Hirap ako huminga nun pero kaya pa.

2nd – mild attack lang yung nangyari. Kaya pa naman yung atake eh.

3rd – pinakaworst na attack sa akin. Ewan. I need to see a doctor.

Di ko kailangang pahirapan ang sarili ko, mas maganda siguro mas maaga pa eh magamot na yung kung anumang meron akong sakit [ wag sana ].

Advertisements

Responses

  1. brad seryoso ako..magpatingin ka nasa doktor..di na biro yan kapag hindi ka nakahinga.

    ingats na lang sa susunod….yaan mo na yung reporting bawi ka na lang

  2. Nelo,

    nakapagpatingin na ako.. haha.. 😀 don’t worry..


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: