Posted by: earthlotus | Friday July 6, 2007

I Laugh You – Ikatlong Bahagi – Floating Jebs

Isa akong pilyong bata. Uhmm.. Pilyong isip-bata to be exact, pero pilyo lang talaga ako walang sayad. Kakaiba ako magbiro, minsan ‘below the belt’ na, ganun ako.. Minsan nakakapanakit na ako ng ibang tao without knowing na nasaktan ko pala sila dahil sa natural kong pagiging pilyo.

Malikot ako mag-isip, pilyong malikot mag-isip na isip bata ata.. Siguro.

Ngayon gumagana na naman ang mga kapilyuhan ko at kalokohan ko.

Isa na rito ang mga maaaring mangyari mamaya kapag asa bahay na kami nina zaina. Hmm..

Posibleng maging romansahan. Yung tipong alam nyo na.. Yung kwan na mauuwi sa kwan at yung ganun.. Basta yung ganun. Amhirap naman iesplika kasi tyak ako magiging pangR18 na talaga itong ginagawa ko.*sipol..

Posibleng maging romantiko. Yung tipong biglang uulan ng malakas tapos syempre papainit dapat kasi nga eh biglang lalamig yung panahon.. Iinom ng mainit na kape habang pinagmamasdan yung magandang tanawin sa labas ng bahay nila. Err.. Magandang tanawin nga ba? Kung magandang tanawing maituturing ang mga nakasampay na panty, bra, brief at ang mga lumulutang lutang na mga jebs habang bumabaha eh sige maganda na. Sa palagay ko tyak nakakapag-init nga talaga ang mga ganung tagpo.

Posibleng maging simpleng sobrang over todong boring na usapan. Yung tipong parang magsasagutan lang ng mga tanong sa autograph. Like ano name mo, ano nick mo, ano age mo, gender, height, weight, anu-ano mga hobbies mo, paboritong alaga, pagkain, kulay, define love, first kiss (where, when, how and with whom), first romance (where, when, how and with whom), first sex (where, when, how and with whom), ambition at yung nakamamatay na motto. Errr.. teka, di pala kasali yung first sex, walang ganung tanong nga pala sa autograph.

Posibleng maging madrama. Yung tipong maglalabas ng sama ng loob dahil sa mga nangyari sa kung saan saan at ang pampalubag loob na “tama na, don’t cry.. andito na ako..” errr? Ang drama di ba? Korni korni korni, di bagay!

Posibleng maging maaksyon. Yung tipong maghahampasan ng unan na mauuwi sa habulan ng tinidor na mauuwi sa saksakan na mauuwi sa.. err. Maaksyon nga.

At posible ring lahat ng naiisip ko kanina eh mangyari lahat. Yung simpleng sobrang over todong boring na usapan eh magkakabuhay kapag umulan na at magda-drama na babagsak sa romantikong tagpo na magiging maaksyon sa romansahan.. Whee.. Hehe.. Ang naughty naughty ko talaga. Amf.

“Hoy! Bat ampungay ng mata mo? Naiiyak ka?”

Naman! Ang saya saya ng iniisip ko eh tapos storbo ka, ano bang gusto niya ng maibigay ko na agad? Hehe..

“Uhmm.. wala lang, medyo may iniisip lang ako kung anong pedeng maging kahahantungan ng pagpunta ko dito sa bahay nyo.”

“Huh?”

“I mean, ano na lang kaya iisipin ng bestfriend ko kapag nalaman nyang ininjan ko sya sa usapan namin. Yun yun.”

“Ah kala ko kung ano na eh.”

“Anong akala mo? Ikaw huh?”

“Anong ako? Ikaw kaya. Wala akong iniisip na malaswa. Adik toh.”

“Teka? May sinabi ba akong nag-iisip ka ng malaswa? Bat defensive ka? Hmm.. Kaw huh? Isa lang ibig sabihin nyan, iniisip mong nag-iisip ako ng malaswa na ang ibig sabihin eh may kalaswaan kang naiisip.. Hehe..”

“Huh? Amgulo nun ah. Sira ka talaga. Teka teka, maghahanda muna ako. Ikaw? Nu gusto mo?”

“Ikaw?”

“Anong ako? Adik! Juice, kape, gatas, tea, tubig, softdrinks lang ang pagpipilian mo para sa inumin. Sira ka?”

“Nyeh? Ibig kong sabihin eh ikaw na bahala.. Anong ikaw ka dyan? Maiinom ba kita?”

“At ako pa ngayon ang nag-iisip ng masama? Aber? Grr.. Nakakainis ka!”

“Ohh? Bakit? Hehe.. Parang sira toh, umayos ka nga. Biro lang. Peace!”

“Oh sya sya, titimpla muna ako ng kahit anong makita ko ah.”

“Sige sige.”

Umalis sya ng nag-iiwan ng ngiti sa akin. Kakaiba sya. Akala ko mahirap hulihin ang kalooban nya.

Mali ako sa unang akala ko sa kanya, adik adik din pala sya tulad ko.

Hmm.. Ilang minuto rin sya nagtimpla ng kung ano.

“Oh, prinsipe ito na po yung maiinom nyo.”

“Salamat! Hmm.. Dakilang longkatuts ang drama mo?”

“Sira. Arte mo kasi eh. Para kang bading.”

“Ako? Bading?”

“Oo.. Bading ka!”

“Err?? Panong naging bading?”

“Basta lang. Sa arte mo ba naman eh.”

“Nyek. Tamang basehan na ba ng pagiging maarte sa pagkalalaki ng isang lalaki?”

“Oo.”

“Hindi! Ibig bang sabihin pag hindi ako maarte eh lalaki na ako?”

“Hindi rin.”

“Oh kitams.”

“Eh basta bading ka! Bading ka! Bading. Bading. Bading.”

“Ahhh.. Sinusubukan mo ba ako? Gusto mo bang patunayan ko sa iyong hindi ako bading?”

“Sige nga! Aber. Pano?”

“Ikaw ang magsabi.. Papaano ko mapapatunayan sa iyo na lalaki ako. Kapag sinabi ko kasing sampu current girlfriends ko eh di pa rin sapat na basehan yun para maging lalaki ako. Kasi maraming bading na marami ring girlfriends. Di ba?”

“Oo..”

“Hindi ko rin pedeng sabihin na marami na akong nakasex na babae bilang panangga sa pagkalalaki ko. Di ko rin naman pedeng sabihing may anak na ako para lang maging lalaki kasi lahat yun eh di rin basehan sa pagiging lalaki ng isang lalaki. Maraming bading ang may karanasan na sa pakikipagsex sa kung kani-kaninong babae at yung iba eh may anak pa nga pero ayun, bading pa rin sila.”

“Oo.. Tama ka.”

“Hindi rin purket maarte, kimi, madaldal eh ibig sabihin eh bading na. Kaya ikaw. Sabihin mo kung paano ko mapapatunayan na hindi nga talaga ako bading.”

“Nyek. Sineryoso. Hehe.. Sira ka talaga.”

“Hindi. Eh anak ng.. Dami nyo nagsasabi na kesyo bading ako or mukha akong bading or anu-ano pa na hindi naman totoo.. Nakakaasar na kasi eh.”

“Uhhmm.. Paano ka magmahal?”

“Huh?”

“Paano ka magmahal kakoh?”

“Simple lang. Uhmm. Yung tipong unique somehow na medyo korni na medyo maaksyon. Hehe..”

“Pa’nong unique?”

“Uhhmm.. Hindi ako yung magbubuhos ng yaman para sa taong minamahal, kasi hindi naman basehan ang yaman sa pagmamahal ng isang tao eh. Ako yung tipo ng nagmamahal na haharap sa kahit sinong mananakit sa mga taong mahal ko. Yung tipong kahit 1% lang ang pag-asa kong makalaban sa mano-manong suntukan eh lalaban ako basta’t maipagtanggol ko lang sila.”

“Ganun? Kahit pang ikakamatay mo?”

“Yun nga ang maganda eh. Mamamatay ako dahil sa pagtatanggol ko sa mga taong mahal ko. Di ba?”

“Nyek. Ganun? Hmmmm.. Lalaki ka nga.”

“Huh? Anong kunek nung tanong mo sa pagpapatunay na lalaki nga ako?”

“Simple lang din. Ang basehan ko ng pagkalalaki ng isang tao eh yung kung ano ang kaya nyang ibigay sa mga taong minamahal nya. Kahit pang maskulado ka at kriminal ka kung yung mismong mahal mo nga eh sinasaktan mo naman eh hindi kita maituturing na tunay na lalaki. Mas lalaki pang maituturing yung payatot at yung kaawa-awang nilalang na kayang ipagtanggol yung mga taong mahal nya sa buhay kahit pang ang maaaring kapalit ay buhay nya. Hindi basehan ng pagmamahal ang yaman at kahit anong bagay. Di rin basehan ang salita para sa pagpapatunay sa pagmamahal mo sa isang tao. Maaring sa mga bagay na toh eh maipapakita mo kung gaano mo kamahal sya pero panandaliang pagpapakita ng pagmamahal lang epekto nun. Hindi magiging permanente. Gets mo?”

“Actually hindi.. Hehe..”

“Asa pa. Praning.”

“Naintindihan ko rin naman yun noh. Ako pa.”

“Mabuti kung ganun.”

“Oh sya. Alas sais na pala. Tyak nag-aalburoto na yung bestfriend ko sa sobrang asar ngayon, balik na lang ako next. Pasensya ah..”

“Ay pasensya, ganun ba? Sige sige. Ingats sa biyahe. Pasensya sa storbo ah.”

“Hindi, ayos lang. Para naman maranasan din ng bestfriend ko ang maghintay. Hehe..”

“Ah.. Uhmm.. Sige sige til next time..”

“Okay. Bye.”

“Bye.”

Isang simpleng usapan, isang simpleng mga pangyayari. Hmm.. San ko nga ba sya pede ihanay na tagpo? Hindi naman sya maaksyon, hindi rin naman sya madrama, hindi rin naman sya naging maromansa. Malayo sa mga iniisip ko. Adik talaga ako.

Iba ang epekto ng sayad ko ngayon.

Goodluck na lang sa bestfriend kong naghihintay sa akin.

Kelan kaya kami ulet magkikita? Ang tanong eh kailan ang kailan. Bahala na. Basta kinumpleto nya ang araw ko.

Advertisements

Responses

  1. ang oa nyo huh!!!

  2. Haidee,

    Don’t worry, fictional lang sya.. hehe.. ^_^ gawa lang sya ng malikhain kong pag-iisip.. hehehe.. ^_^ salamat sa pagbabasa!

    ^_^

  3. gawa ka ulit ha…ung tipong na ano kau ..heeheheh joke…sana namn mag kwento ka ung may something kilig, something trail..heheeheheh joke ulit…actually maganda ung gawa mong kwento..ok..bye tc ulit…

  4. haha.. ^_^


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: