Posted by: earthlotus | Friday July 6, 2007

I Laugh You – Ikalimang Bahagi – Walk-out Princess

Saglit na tumigil ang lahat. Kapwa nagpapakiramdaman sa kung anong pedeng susunod na mangyayari. I need space and time for now para mapag-isa. At alam kong ganun din sya.

Palubog na ang araw ngunit wala pa ring nagsasalita sa aming tatlo, kami na nakaupo sa ilalim ng puno na magkatalikuran katabi ang babaeng kasama nya.

Sapat na katahimikan ang naramdaman ko, ito ang nais ko. Ang magkaroon ng kasama para samahan ako sa katahimikang nais ko.

“Bat naging special ang lugar na to para sa iyo?” ako na mismo ang bumasag ng katahimikan.

“Uhmm.. Dito kasi yung huling masayang oras at sandali na kasama ko si Mama. Dito sa mismong punong ito. Dito kasi nun yung pwesto namin habang nagppicnic. Eh ewan. Di ko alam kung bakit biglang inatake si Mama sa puso. Tapos yun. Di na sya nailigtas pa ng mga doktor. Namimiss ko na nga si Mama eh.”

“Ganun ba? Nakakalungkot naman. Buti nakaya mo.” ang tangi kong nasabi, nagpapakasakaling maipsan ang aming pageemote.

“Syempre. Sabi kasi ni Mama sa akin na ako’y isang matapang na bata. Di daw umiiyak ang isang matapang na bata. Kaya ayun. Nakakaya ko. Stick pa rin ako sa naituro sa akin ni Mama. Nakakayanan kong mabuhay dahil sa kanya. Sya ang inspirasyon ko. Kasi alam kong kasama ko lagi sya.”

“Ganun? Di naman ibig sabihin ng hindi pag-iyak eh matapang na. Mas matapang sa akin yung mga taong kayang umiyak at di takot ipakita ang nararamdam. Matapang yun ganun. Try mo umiyak.”

“Ayaw ko! Hindi ako iiyak. Naipangako ko yun kay Mama. Last iyak ko na yung asa Ospital kami. Di na ako ulet iiyak. I promised Her na hindi na ako iiyak.”

“Sabi mo eh. Bahala ka.” sabay buntong hininga na lang ang naging sagot ko.

Isang malungkot na ngiti lang ang naramdaman kong naisagot ng kasama nyang babae. Alam kong nakikisimpatya sya sa nararamdaman namin pareho.

“Eh ikaw? Bat ka nageemote dito ngayon? Ano meron? Sino Sya?”

“Si Lola. Wala na sya.”

“Huh? Ganun ba?”

“Oo. Mahal na mahal ko yung Lola kong yun. Sya lang ang pinaka da best sa lahat ng Lola. Laki sa layaw ako dun eh. Mahal na mahal ako nun. Alam mo bang pati sa pagtulog eh magkatabi kami? Haha.. Sina mama at papa nga eh natatawa na lang kasi talo pa raw ni Lola ang magiging asawa ko dahil sa sobrang pag-aalaga ko.”

“Ganun? Buti ka pa.”

“Kaso ngayon eh wala na sya. Nakakalungkot. Wala na sya. Wala na akong makakakulitan lagi. Mamimiss ko sya.”

“Mukha nga. Teka. Asan ba Lola mo?”

“Asa province sya, medyo kapos kami financially kaya di ako makauwi. Gusto ko pa man din sya makita. Haishh..”

“Ganun ba? Nakikisimpatya ako. Yaan mo. Makakarecover ka rin.”

“Sana… Ayoko ng ganito. Medyo madrama kasi. Hate ko ang mga madadramang tagpo tulad nito.”

“Haha.. Ganun? Sira ka talaga. Minsan kailangan mo din magdrama, para maipsan yang nararamdaman mo. Try mo mag-isa one time. Tapos magemote ka. Pantanggal ng lumbay lang.”

“Panira ka nga eh. Adik ka! Eh nageemote nga ako dito eh bigla ka namang sumusulpot. Sablay na naman.”

“Ganun? Pasensya. Sige! Sabi mo eh..” sabay walk-out papalayo.

Hala? bat nya ako iniwan? Napikon ko ba sya?

Nung medyo napalayo na sya eh tsaka ako tumayo, malay ko bang seryoso pala sya sa walk-out nya.

“Ingatan mo sya Iho!” ang narinig kong sinabi ng babaeng kasama ko bago ako umalis, pero dahil sa katarantahan ko eh di ko na naisipan pang sumagot sa kanya. Mamaya na lang siguro. Mas importanteng mahabol ko ang Walk-Out Princess na kasama ko.

“Oi! Teka. Wag ka pikon. Toh naman oh.”

“Di ako pikon. Pede?”

“Owss? Sorry na. Nagbibiro lang. Nagpapasalamat ako kasi dumating ka. Kailangan ko rin naman ng may kasama, tsaka adik ka! Bat mo kami iiwan dun. Medyo madilim na kaya.”

“Huh? Bakit ‘kami’? Sino kasama mo?”

“Anong kasama ko? Kasama mo kamoh! Sira ka. Kanina mo pa kaya dinededma yung kasama mo. Sira ka. Ano mo ba yun? Mula nung dumating ka eh kasama mo na sya. Tapos di mo nga pinapansin eh.”

“Sino ba? Ui. Wag kang ganyan. Tayong dalawa lang yung andun kanina kaya? Sino yun? Hala?”

“Aba! Malay ko sa iyo.”

Muli kong pinako ang tingin ko dun sa kinapupuwenstuhan namin. Nakita ko ulet yung babaeng kasama namin. Nakangiti sya. Kumakaway.

“Ayun oh! Tingnan mo! Medyo madilim na pero visible pa rin hitsura nya. Kita mo?”

“Wahh.. Si.. Si..”

“Sino yun? Di mo ba kilala? Hala? Adik na yan.”

Bigla na lang syang umiyak sa di ko malamang dahilan. Ewan. Medyo dumadami na ang mga matang nakatingin sa amin, ako na nakatayo at sya namang humahagulgol sa harap ko. Sino ba yung babaeng yun?

Akala ko ba hindi na sya iiyak? Pero bakit sya umiiyak? Amgulo naman nya. Amweird pa.

Sino ba yung babaeng kumakaway? Sino ba talaga sya? Nawiwindang na ako sa mga nangyayari. Di ko na naiintindihan.

“Sino ba sya? Ui.. Sagutin mo nga ako. Sino sya?”

“Wala naman kayang tao dun! Adik ka? Sino ba kasi sinasabi mo? Wag ka ngang manakot.”

“Kung hindi mo nakikita at ako lang ang nakakakita eh?? Wenk? Wahh.. Multo? Tara layas na nga tayo. Naeengkanto na ata tayo dito eh. Wahh.. Sure ka bang hindi mo nakikita?”

“Oo. Hindi ko nga nakikita. Lekat naman oh!”

“Awts. Wahh..”

Sa di ko malamang dahilan, medyo naengkanto ata ako at kung anu-ano ang nakita ko. Bat sya nagpakita sa akin? Sa amin? Anong meron? Nageemote lang dapat ang appointment ko kaya ako pumunta sa lugar na yun at hindi ang para makakita ng kung anu-ano pero ewan.

Anong ibig sabihin nya sa “Ingatan mo sya Iho!” na sinabi nya? Naguguluhan na ako. Di ko alam.

Ang tanong ko sa sarili ko eh naguguluhan nga ba talaga ako o sadyang di ko lang talaga iniisip ang mga posibleng posibilidad kung sino sya. Ewan.

Kulang lang ba ako sa tulog?

Epek ba ito ng pagdadalamhati ko? Di ko alam. Bahala.

Siguro may rason. Bahala na.

Bahala na.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: