Posted by: earthlotus | Friday July 6, 2007

I Laugh You – Ikaapat Na Bahagi – Expect The Unexpected

Always expect the unexpected ika nga ni anonymous. Sino ba yung anonymous na yun huh?

After ako sermunan ng bestfriend ko sa maagang pagsipot ko sa usapan namin eh katakot takot na mura naman ang natanggap ko mula sa isang kaklase dahil kahit pala sya eh di ko nasipot sa usapan namin na magkikita sa hapon ding iyon. Bwahaha. Malay ko bang di ko sya naisama sa listahan ng dapat na mga appointment ko nung araw na yun. Pasensya, sadyang busy ang bida kaya ganun.

As usual, ilang araw na lang mag-uumpisa na ang Summer Job ko sa City Hall, as I was expecting, sobrang excited na ako kahit pang medyo nakakakaba kasi perstaym nga. Tama sila, nakakakaba talaga pag perstaym. Whew! Sa una mahirap na nakakapagod pero sa huli eh malalasap na ang sarap ng napagpaguran. *sipol

Walong araw bago mag-lunes. Bago mag-umpisa ang Summer Job. As usual, always expect the unexpected di ba nga, eh ayun may unexpected na bagay nga na naganap. And hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit o maasar o maiiyak o malulungkot ba ako sa balitang natanggap ko.

May tuluyan ng lumisan sa buhay ko. Natanggap ko ang balitang yun mula sa isang kakilala mula sa bundok Tralala sa may Jolo.

Di ko alam kung nagbibiro lang ang nagpadala ng mensahe pero kung sakaling biro ito eh tyak ako mismo ang maghahatid sa kanya sa hukay pag nagkataon.

Ayaw ko ng ganitong biro, dahil una, napakaimportanteng tao sa buhay ko ang involve dun. Di magandang biro yun kahit pang bidang bida lagi yung taong yun sa kwento ko sa mga dabarkadz kong mga muning sa may bahay namin lagi.

“O2h yruon na hi apu mo itum.”
(Bro, wala na si Apuh Itum mo.)

Awts. Bumagal ang lahat. Naging oras ang bawat segundong dumaraan, sa loob ng isang ilang segundong pagkakapako ko ng paningin sa teleponong hawak hawak ko eh biglang nagbalik ang lahat sa akin.

Lahat.

Mamimiss ko sya panigurado. 2 lang ang sila sa buhay ko, isa na galing kay mama at isa na galing kay papa. Nilisan na ako nung isa, tapos sya naman ang lilisan sa buhay ko? Ano bang nagawa ko?

Awts. Muli kong tiningnan ang teleponong hawak hawak ko, nagbabakasakali na maaaring namali lang ako ng basa at nawrong send lang yung mokong na nagtext sa akin pero hindi.. hindi nagbago ang katotohanang ipinakita sa akin ng mismong mga mata ko.

Bigla na lang may bumagsak na butil mula sa mata ko, ninamnam ang mga bawat sandali sa nakaraan na lumipas. Sana maari kong ibalik ang nakaraan.

Malungkot ako, as usual. Gusto kong umuwi papuntang Jolo para bisitahin sya bago man lang sya tuluyang ihiwalay sa amin (lalo na sa akin). Kaso papaano? Wala akong pera. Gipit ako nung mga panahong iyon. May problema si Papa, ganun din si Mama. Alam nilang malungkot na malungkot ako dahil sa mga nangyari pero kahit sila eh wala ring magawa.

Lugmok kami sa pagkakautang nung mga panahon na iyon, naospital si Papa. Naisanla ang buong bahay, pati na rin yung lupang pagmamay-ari ni Mama sa Tawi-Tawi.

Gusto kong makita sya. Pero paano? San ko sya makikita?

Sa mga oras na ito, naisipan ko nang gumawa ng kung anu-anong hindi magagandang bagay na maaring sumira sa buhay at pagkatao ko bilang isang muslim, pero nananatili pa rin ang I’man ko. Umaasang may mangyayaring himala.

Lumipas ang oras at nakita ko ang sarili kong nag-iisa sa isang lugar na nagpapaalala sa kanya. Siguro dito ko na lang dadamhin ang mga nakaraan. Sa isang park na malapit. Quezon City Cirle.

Pangit at masyadong madrama ang place na ito para sa akin pero anong magagawa ko? Eh sa dito kami lagi nung bata pa ako at sya ang madalas kong kasama. Kasama ko sa lahat ng oras habang sinusulit ko ang buhay-bata ko. Siguro. Bahala na. Minsan lang naman ito.

“Hafiz? Ikaw ba yan?” sabay patong ng kamay nya sa balikat ko.

Wenk. Sino naman ito? Anak ng. Amganda na ng emote ko sa place na ito pero bigla bigla na lang may susulpot. Teka? Hindi kaya yung taong lumisan ito? Huwag naman sana. Ayokong mamuti sa takot, kamusta naman yun di ba?

Dahan dahan kong binaling ang paningin ko sa kamay na nakapatong sa balikat ko. Di ko alam kung bakit yun ang una kong tiningnan, basta yun ang una kong nagawa.

Unti unti kong sinipat yung taong nakatapik sa akin..

Anak ng tokwa. Whew! Sya lang pala. Si Zaina na naman.

Wenk? Si Zaina? Bat andito sya? Paanong andito sya? Hala? At sino ang babaeng kasama nya?

“Zaina? Statue?”

“Statue? Bat statue?”

“Is that you kakoh? Slang leng pesensye.”

“Ah. Oo. Ako nga. Bat narito ka?”

“Di ba dapat ako nagtatanong nyan?”

“Sagutin mo muna ang tanong ko. Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko.”

“Uhmm.. Special ang place na ito sa akin eh. Eh ikaw? Bat ka narito? Siguro naman sapat na yung nasabi ko di ba?”

“Special din pala sa iyo ang place na ito. 10th death anniversary ni Mama ngayon at dito sya nuon inatake sa puso.”

“Huh? Ganun? Asan na mama mo?”

“Ay malamang nakalibing na siguro. Magulat ka kapag nakita mo sya dito ngayon kasama ko di ba?”

Huh? Adik talaga. Barado ako dun ah.

“Ah okay. Sino kasama mo?”

“Ako lang mag-isa.. kasi nga senti mode ako ngayon eh. 10th death anniversary nga ni mama di ba?”

“Huh? Sure ka? Eh sino sya?” sabay turo ko sa taong asa likuran nya lang.

Maganda rin sya, uhmm kung hindi ako nagkakamali siguro kapatid nya kasi medyo hawig nya. Nakamaong na pants at t-shirt na white lang ito.. Simple pero astig naman sa porma.

“Sino?” at sabay tingin sa kanyang likuran. (sadya bang Anghel sya? Bat ganun? Senti mode ako tapos bigla bigla sya darating. Amf. Nakikigulo pa.)

“Sya oh. Ate mo ba?”

“Huh? Wala akong ate. Unica Ija po ako. Adik ka. Wag ka ganyan. Praning ka ata eh.”

Di na ako nagsalita. Tumahimik na lang ako. Di ko na pinansin kung sino yung kasama nyang ayaw nyang ipakilala sa akin, binaling ko na lang ang atensyon ko sa punong asa di kalayuan lang mula sa kinapupuwestuhan namin.

“Bat amlalim ng tingin mo?”

“Wala lang. Naalala ko lang Sya.”

“Sinong Sya? Girlfriend mo?”

“More than Girlfriend siguro. Nobody can replace her here in my heart.”

“Ganun? Amspecial nga siguro talaga.”

“Oo. Sobrang special nya.”

may karugtong pa..

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: