Posted by: earthlotus | Friday July 6, 2007

I Laugh You – Ikaanim Na Bahagi – Yakap

Alas Quatro pa lang ng umaga eh gising na ako. Sa hindi ko malamang dahilan eh sadyang excited ako sa unang Trabaho na maituturing ko sa buong buhay ko.

Summer Job.

8:00AM pa ang pasok ko pero ewan ba at sadyang ganun na lang. Gusto ko syang makita na. Gusto ko nang makita ang Boss ko. Gusto ko nang magpakasipag para sa Serbisyong Bayan. Huwaw! Perstaym ito sa tanang buhay ko! Haha..

7:00 AM.

Nasa City Hall na agad ako. Sabi sa akin ni Mama kelangan daw eh maaga ako sa City Hall dahil may Flag Ceremony every Monday. Importanteng di ako malalate dun at yun ang unang araw ko kaya dapat akong magpakatino.

…ang mamatay ng dahil sa iyo..

Ayan. Ambilis ng oras, tapos na ang flag ceremony. Excited ang lahat, kapansin pansin kasi ang kakaibang ngiting baon ng mga Social Workers na makakasama ko sa trabaho. Di ko nga lang alam kung bakit medyo mahiwaga ang ngiti nila.

“Mga SPES! Attendance dito oh! Pakisulat na lang yung mga pangalan nyo, tapos pirma sa tabi nun. Pakilagay na rin kung anong oras kayo dumating.”

Agad agad naman kaming nagtakbuhan papunta dun sa matabang lalaki na may dala dala nung logbook. Parang mga batang nakakita ng Ice Cream.

Ice Cream. Naalala ko tuloy sya. Lilibre nga nya pala ako ng Ice Cream. Haha..

Alas nuebe na pero parang wala pa ring nangyayari sa amin ng bigla syang dumating. May bahid ng lungkot sa maamo nyang mukha.

Gusto kong lumapit para magtanong kung bakit sya malungkot pero pinangunahan ako ng takot.

She needs space to release her emotions. I wanted to be with her kaso mas kailangan nya ng panahon para sa sarili nya.

Masaya ang lahat. Kanya kanyang kwentuhan, kamustahan at kanya kanyang entrada sa pagpapakilala sa ibang mga kaSPES ang banat ng ibang mga co-worker ko, pati ako eh nage-enjoy rin kaso di ko pa rin maiwasang di mag-alala sa kanya. Malungkot pa rin kasi sya.

Gusto kong kausapin sya. Gusto kong makausap sya. Miss na miss ko na sya. Pagkatapos nung nakakawindang na karanasan namin sa Quezon Memorial Circle eh may malaking utang na loob pa rin ako sa kanya, napasaya at napagaan nya ang lungkot na nararamdaman ko.

Gusto kong magconfess sa kanya ng nararamdaman ko in short. Pero paano? Tatanggapin nya kaya ako? Kahit bang ngayon lang kami nagkakilala? Err? Mali. Uhmm, 15days na pala ang nakararaan mula ng magkakilala kami.

Matagal na panahon na rin yun, sapat na ba para magconfess ako ng nararamdaman ko? Anak ng. Ayaw ko nang maging torpe. Pero paano?

Bahala na.

“Miss! Excuse me. Patabi ah!” bigla kong banat. Ewan. Wala na ako maisip na ibang pedeng pambanat eh.

“Huh? Sige. Ayos lang.”

“Okay ka lang ba? Bat parang medyo malungkot ka? Anong meron?”

“Teka. Bat kelangan mong malaman? Sino ka ba?”

“Uhmm.. Wala lang. Di ba may utang akong pabor sa iyo? Remember mo yung asa Circle tayo? Natulungan mo ako nun somehow. Tumatanaw lang ng utang na loob.”

“Ganun? Pasensya. Di ko kinokonsiderang utang na loob yun. Nagkataon lang ang lahat.”

“Bat parang amtaray mo ngayon? Anong meron?”

“Wala. Wala. Wala. I need space. Can you just leave me alone?”

“Argh. Sige. Pasensya. Nakaistorbo yata ako. Sorry.”

Napahiya ako. Perstaym kong mapahiya sa kanya. Nakakahiya. Bahala na. Lalayo na muna siguro ako.

Ano bang nangyayari? Naguguluhan na ako.

11:00AM. Tahimik na rin ang mundo ko. Tahimik na rin ang mga maliligalig kong kasama sa trabaho. Ito ba talaga ang trabahong binigay sa amin? Ang tumunganga sa loob ng SSDD? Ewan. Amf.

“Mga SPES. Sa may YAKAP Day Care tayo magmi-meet mamayang 1:00pm. Pasensya kung medyo natagalan. Maglunch na kayo kahit medyo maaga pa para maaga rin kayong makarating sa YAKAP Day Care.”

Teka? San yung YAKAP Day Care? Ewan.

“Sir. Excuse, po. San po namin matatagpuan yung Yakap Day Care?”

“Uhmm.. Pasasamahan ko na lang kayo kay Manny. Teka.”

Ah, okay. Kala ko mag-aala lost and found ang drama ko neto mamaya eh.

fastforward sa hinaharap.. lalamon lang naman ang gagawin namin eh. Kesa naman ikwento ko pa yung kung paano at ano ginawa namin habang kumakain di ba?

12:30pm. Tanghaling tapat pero asa Yakap Day Care na ako. I need space also, kala nya? Siya lang may karapatan para mag-isa at mag-emote? Di ah! Asa sya! Harhar.

Kaso ewan ba. Bakit sa kung kailan gusto ko mag-emote eh tsaka ko naman syang makikitang nakatambay na sa Tabi nung Yakap. Argh. San ba ako pupwesto nito?

Amf. Bahala na.

Tumabi na lang ako sa kanya at hindi nagsalita. Nangangapa kung sino ang unang magsasalita sa amin.

Nakikiramdam kung sino unang magsasalita.

“Sorry kanina ah!” sabay naming hirit dalawa.

“Pasensya. Naistorbo ata din kita pati dito.” biglang kabig ko.

“Hindi. Okay lang yun. Ako din, pasensya kanina. May nangyari kasi. Kaya ganun ang asta ko.”

“Ganun ba? Ano naman? Pede ko ba malaman?”

“Yung boyfriend ko kasi.”

Awts. Boyfriend? Anak ng? Seryoso ba sya nito?

Unti-unting gumunaw mundo ko. Argh. Putek naman oh!

May boyfriend na pala ang mokang. Anong dapat kong gawin? Paano ako manliligaw kung meron na syang BF?

Tokwa naman oh.

Naalala ko, sabi ng kaklase ko. “Mas madaling manligaw ng ganun. Tulad ng manok, mas madaling huliin ang nakatali na.”

Putek naman oh. Ano ba talaga gagawin ko? Katorpehan na naman ba ito?

Ayoko na. Ayaw. Ayaw.

may karugtong pa..

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: