Posted by: earthlotus | Saturday June 16, 2007

I Miss HIM

Sa tamang oras at pagkakataon nagaganap ang lahat..

Hmm.. Anong petsa ngayon? June 16 ata? Bukas eh Father’s Day na, uhmm anong dapat kong ipagcelebrate? Wala na akong tatay, patay na sya.. Pinatay ko sya.

Patay na sya sa diwa ko, pero kahit papaano nangungulila pa rin ako sa pagmamahal nya.

Potek, sobrang korni ko naman. Di na bagay sa akin yung pinapakita ko, di na ako ito. Ay mali! Ako pa rin pala ito, yung isang ako lang yung ngayong asa katauhan ko.

Tulad ng mga nauna kong nasabi, nahahati sa tatlong iba’t ibang personahe ang pagkatao ko. Parang Egg, may egg yolk, egg white and egg shell. Yung nakikitang ako sa bahay eh yun yung Egg shell, tapos pag asa labas ako ng bahay yung egg white, swerte lang nakakakita sa pinakatagong ako..

Back to topic..

Uhaw ang diwa ko sa pagmamahal ng isang ama.
Nanunuot sa kalamnan ko ang pagnanasang magkaroon ng isang ama.
Sabik ako sa pag-aaruga ng isang ama.
Kulang ang buo kong pagkatao dahil sa isang ama.
Hindi ako naging ganito kung walang amang gagabay.
Maybe if our Father will just be at our side, siguro hindi na ako ganito.. Siguro hindi talaga ako ganito, ibang ako ang mabubuo kung kasama namin sya. Isang matino at mapagmahal na anak kahit pang malabong mangyari yun..

Ah ewan! Nakakainis naman, di ako madrama. Sadyang naiinggit lang ako sa ibang may ‘Ama’ na naituturing, napakaswerte nila.

Napakaswerte nila.

Dad, may you rest in peace.

Advertisements

Responses

  1. hey! buhay pa tatay mo…kahit ano gawin mo tatay mo pa din sya…malaki ka na! kitakits sa sabado…yeheey! inuman!

    wala na yung jeysipi site ko šŸ˜€


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: