Posted by: earthlotus | Tuesday June 12, 2007

I Laugh You – Ikalawang Bahagi – Sa Likod Ng Undies

April 3 nang huli tayong nagkita, ito rin yung araw nung orientation sa City Hall.. Anong petsa na? April 5 pa lang naman. 48oras pa lang ang lumilipas pero parang naeexcite na ako. Naeexcite sa mga maaring mangyari sa hinaharap. Naeexcite na muli kang makita.

Habang lumulundag ang puso ko, nanabik naman ang damdamin ko. Hmm.. Inlababo na nga ba talaga ako? Parang Hindi na Oo eh. Magulo naman. Gusto ko ng sign. Sign kung inlove na nga ba talaga ako.

Sa totoo lang, takot na akong magmahal muli. Nasaktan na ako dati. Matagal ko ring dinibdib yun, mga 2 minuto rin. Matagal na panahon din. Ayaw ko ng gawin ang mga kakornihang ginawa ko dati na nauwi lang sa wala. Ayaw na. Ayaw ko na talaga.

Ayoko nang… Umiyak with matching love song bilang background music para kumpleto ang emote. Tanggalin ang petals ng isang buong sunflower, at ang nakamamatay na “She loves me. She loves me not. She loves me. She loves me not.” (repeat it again once mores until fade.. wag na umangal.. ) na nauuwi rin naman sa “She loves me not”.

Ayoko na ring.. Magpakabasa sa ulan habang umiiyak, kahit pang sa ganitong paraan ko nailalabas ang nararamdaman ko kapag malungkot ako. Sumigaw sa Quezon City Circle ng “Ang torpe mo Hafiz” habang pinagtititigan ng pagkalagkit lagkit ng mga nagkalat na walang magawa sa buhay. Mag-alay lakad mula Brgy. Culiat papuntang Tandang Sora Ave at maglakad pabalik papasok ng Muslim Compound upang maglabas ng sama ng loob. (take note, ako lang mag-isa naglalakad.. sino kinakausap ko? sarili ko.. kanya kanyang trip yan..)

Ayoko na ring.. Magpakamatay sa pamamagitan ng pagpigil ng hininga, tinatry ko noon baka umepek sa akin. Magpakalango sa alak para maglabas ng sama ng loob eh kung pede namang maglabas ng sama ng loob sa ibang paraan like uhmm.. bawal dito yun.. baka magR-18 pa tohng kaek-ekan ko.

Ayoko na ring.. Magmukhang kawawa at kahit pang loveless eh nagpapanggap na may pinupormahan kahit pang wala naman talaga.

Ayoko na ring.. Kumain ng kumain bilang paraan para maipsan ang lungkot, kahit pang pandagdag timbang lang ang ganitong paraan na kahit anong gawin ko eh hindi umeepek sa akin. Ewan ba!

Pero.. Takot na nga ba talaga ako? Di ko alam. Matagal na panahon na rin nung huli kong ginawa yung mga kakornihan ko. Siguro mga 3 months na rin. Miss ko na rin ata eh.

San ka nga ba nakatira? San Street ka ba dito sa Muslim Compound? Anak ng.. Mayroong 9 na street lang sa compound at hindi naman ito kalakihan pero bakit nahihirapan akong makita ka? Hmm.. Kung destined tayo sa isa’t isa malamang alam kong magkikita tayo no matter what happen. Kaso nangyari na ata ang lahat eh di pa tayo kita nakikita.

Lumipas ang 5 araw ng hindi kita nakikita, nakalimutan na rin kita. Hmm.. Sakit ko yun, mabilis akong makalimot ng mukha ng isang tao. Kahit nga hitsura ni mama eh nakakalimutan ko, ikaw pa kaya?

April 08 na. Alas tres ng hapon. Paumpisa pa lang ang araw ko. San ba ako gagala? Yun ang unang tinanong ko sa sarili ko. Bahala na.

Ugali ko sa tuwing naglalakad sa Muslim Compound ang laging nakayuko kung maglakad. Di ko kasi magawang sipatin yung mga sinampay ng mga nakatira sa amin na panay kung hindi underwear na punit e bra na nanlilimahid sa libag. Pero sa di ko malamang dahilan, nagbaka-sakali ako, umaasang sa likod ng mga undies na nakasampay sa mga bintana eh makikita kitang nakadungaw. Ang saya siguro nun! Tyak nakakakilig yung ganung tagpo panigurado.

Naglalakad ako sa kawalan sa di malamang dahilan ng bigla ako natauhan dahil sa may biglang tumapik sa likod ko. Sus! Kala ko naman kung sino na, sya lang pala.

Sya lang pala? Awts!

“Hoy! Ganyan ka ba sa tuwing maglalakad dito sa area natin? Lagi kang namboboso sa mga sinampay? Hala?”

Naku. Kung alam nya lang, kung alam lang nyang siya ang hinahanap ko kaya kung saan saan na ako napapatingin.

“Hindi ah! Di naman ako ganun kaya. Medyo ngayon ko lang napagmasdan yung banda dito sa inyo. Ang weird ah!”

“Weh? Deny ka pa. Pati mga panty eh pinagnanasaan mo. Adik ka?”

“Hoy! Kung mga panty lang din naman pagpapantasyahan ko eh hahanap na ako ng matinong panty na nakasampay. Yung tipong panty na suot ng mga model sa FHM. Bwahaha..

“Eeee! Libog!”

“Ako pa pala malibog ngayon? Eh sino ba nauna? Di ba ikaw?”

“Oo na! Sige na. Talo na ako. Teka. Maiba nga tayo ng usapan, san ka papunta?”

“Naunanhan mo lang ako eh, dyan lang sa may Pasong Tamo, punta ko bahay ng bestfriend ko. Why?”

“Wala lang. Ganun ba?”

“Oo. Eh kaw? San ka papunta?”

“Palabas nga lang ako ng bahay eh, nakita kita. Eh kaw lang kakilala ko dito eh kaya tinawag na kita. Hehe.. Pasensya huh? Storbo ba?”

Naku.. Kung alam lang nyang nagpapasalamat ako sa pang-iistorbo nya.

“Hindi naman.”

“Daan ka muna sa bahay? Okay lang?”

“Ngayon na?”

“Oo.. Ayaw mo?”

“Sa isang kondisyon, ibibigay mo na contact number mo sa akin? Tapos kahit sa inyo na lang ako muna. Pagpapaliban ko muna pagpunta ko kay Bestfriend. Makakapaghintay naman yun eh. ”

“Ewan. Oh ano? Sa bahay?”

“Sige..”

Whee… Bat ganun? Ambilis naman. Di ko alam kung ano irereact ko sa mga naging asta nya sa akin. Ganun na ba talaga ako ka-friendly o sadyang may nabulag na ako sa tinatagong charisma ko?

Awts. Bahala na kung anong mga mangyayari sa bahay nila. Kung sadista sya eh tyak magkakasubukan kami. Matira matibay na lang.

Bahala na. Magiging maaksyon ata toh. Bwahaha..

Advertisements

Responses

  1. haha. ano? nde pa aq expert noh.. nagpapaturo pa dn aq.. hehe.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: