Posted by: earthlotus | Wednesday May 30, 2007

I Laugh You – Unang Bahagi

Dalawang taon na rin tayong magkakilala.

Bandang April yun last year, nagsimula ang lahat dahil sa madugong Summer Job sa Quezon City Hall. At sa loob ng 300 na SPES beneficiary swerte namang naging magkagrupo pa tayo sa iisang department.

I was being praised by the MCC o Muslim Consultative Council for no reason. Newbie lang ako nun, noob pang maituturing pero di ko alam kung bakit ganoon na lang ang mga pagpupuring natatanggap ko. Sabi ni Ustadz Ayob, “Tumulad kayo kay Mardan, tingnan nyo. Gusto ko sana ganito kayo kagalang at karesponsableng tao tulad nyo.”.

Di ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagpapapuri sa akin ni Ustadz Ayob sa akin, siguro dahil sa magkatabi lang ang bahay namin at kilala nya ang mga magulang ko. Nanatili akong nakatulala sa mga sinabi nya. Ako? Responsable? Kelan pa? Naku po, wag naman sana silang tumulad sa akin, malamang ayoko ng isipin kung gaano sila kagago.

Sa pagpapapuring ginawa sa akin ng Ustadz na iyon, napayuko na lang ako sa hiya. Sinisipat na ako mula ulo hanggang paa ng mga katrabaho ko kasi Unang Taon ko pa lang iyon sa Summer Job at ganoon na lang ang pagpupuri sa akin ng OIC ng MMC.

Upang maipsan yung nararamdaman kong hiya sa natatamong pagmamalaki, binaling ko na lang ang sarili ko sa pagsusuyod ng tingin sa buong kwarto. Napakasimple lang nito. Walang mga Litrato ng kung sino sino at mapapansin ang pagpapahalaga sa relihiyong ISLAM ng mga nagta-trabaho sa opisinang ito. Ang kwartong pinagiipunan namin pala ay lugar kung saan tuwing Lohur ay ginagamit bilang lugar sa sambahan ng mga kapwa ko Muslim. Nakakatuwang bagay, kahit sa opisinang iyon ay binigyang pagpapahalaga ang pagdarasal.

Sampung minuto na ang tinatagal ng orientation na nagaganap sa aming mga muslim sa loob ng kwarto ng biglang may pumasok na umagaw ng atensyon naming lahat na naroon.

“Assalamu Alaikom, Ustadz pasensya dahil nalate ako sa orientation, galing pa kasi ako ng School, bigayan kasi ng Class Card.” ani ng babaeng bagong dating.

“Alaikumussalam Sister. Sige pasok ka kapatid at para maipagpatuloy natin ang nasimulang orientasyon kanina.”

“Salamat po Ustadz.” ang tangi nyang naisagot at sumipat ng upuang maaari nyang maupuan.

Napatitig na lang ako sa kanya mula ng pagpasok nya. Napakasimple nya. Bagamat hindi takaw atensyon ang hitsura nya, sa di ko malamang dahilan ay naagaw nya ang atensyon ko. Pinagmasdan ko syang mabuti, tiningnan ang bawat sulok ng bilugan nyang mukha. Oo, napakaganda nga nya.

Nawala na naman ako sa sarili ko, di ko napapansin kung ano na ang nangyayari sa orientation na nagaganap. Pagpapakilala na pala ng bawat SPES beneficiary na mga Muslim.

“Umpisahan naten ang pagpapakilala mula kay Hafiz Abdurahman.”

Hala? Ako agad? Ano ito kalokohan? Ako ba ang inuna dahil sa Abdurahman ang apelyido ko o dahil sa napagdidiskitahan ako? Bahala na. Idadaan ko na lang sa pagpapacute, sana umepek.

“As.. Assalamu Alaikom sa lahat. Uhmm.. Pano nga ba. Ako pala si Muay Abdrahman. Uhmm.. Kakagraduate ko lang sa High School. Upcoming Freshman ako sa PUP. Uhmm.. Mga kapwa ko SPES eh tawagin nyo na lang ako sa first name ko. Muay. Uhmm.. Ano pa ba? Parang wala na yata eh. Tutal naman almost kilala na ninyo ako lahat kasi iisang lugar lang naman pinanggalingan naten eh.” lang ang nasabi ko, dahil unang una malay ko bang may ganung klaseng pagpapakilala pala, at malay ko bang ang babaeng tinititigan ko mula kanina ay tinitingnan ako sa mata. Uhmm.. Nakita ko yun kasi sa kanya lang ako nakatitig habang nagsasalita. Hehe.. πŸ˜€

Pagkatapos kong magpakilala, agad agad akong bumalik sa kung saan ako galing. Tumahimik at nag-aabang kung kailan sya na ang magpapakilala. Kaso mukhang matagal akong maghihintay dahil sa dami naming Muslim na naroroon.

Ilang minuto rin akong naghintay para sa pagpapakilala nya, at sa paghihintay kong yun ay di ko pa rin maiwasan ang hindi tumitig sa napakaamo nyang mukha. Napaka-inosente nya at napakagago ko. Paano na lang kung pagsasamahin ang dalawang magkaibang mundo? Normal pa ba yun?

“Assalamu Alaikom. I’m Zaina Nasiruddin. Upcoming 3rd Year College sa PUP. First time ko ito dito sa SPES pati na rin dito sa Office na toh. Mostly lahat ng nakakakilala sa akin Zai lang ang tawag sa akin, pero kayo.. Kung alin mas kumportable kayo sa pagtawag sa akin eh ayos lang.”

Zaina pala, zaina pala ang pangalan nya. Napakagandang pangalan. Haiishh. Mabuti naman at taga PUP rin sya, ano kaya course ng mokang na to? Sana makita ko sya araw-araw. Mukhang maganda ang magiging summer job ngayong taon kahit di pa pormal na nagsisimula. Whee.. Naeexcite na lalo tuloy ako.

“Kuya!! May problema ba sa mukha ko? Medyo napapansin kong kanina mo pa ako tinitingnan.” sabay flash ng magandang ngiti nya. Awts, natulala na naman ako. Kanina pa pala nya napapansin na nakatitig ako sa kanya. Anak ng.. Ano ba ‘tong gulong pinasok ko.

“Ay hindi po ate. uhmm. Familiar po kasi yung mukha nyo sa akin eh, di ko lang matandaan kung saan, paano at kailan kita nameet.” ang tanging nasabi ko na lang. Sana lang makaligtas ako sa palusot ko kahit pang alam na lumang palusot lang ang ganitong linya.

“Ganun? Bago lang ako dito kuya. Taga Muslim Compound ako, dyan sa may Culiat. Alam mo yun?”

“Oo.. Alam ko yun, dun din ako nakatira eh. Siguro nga sa Compound kita nakikita.”

Buti na lang nakaligtas yung palusot ko, tamang tama.. Iisang lugar lang ang inuuwian namin at malamang maaari kaming maging magkaibigan. Sya na kaya yung hinahanap ko noon pa? Akalain kong dito ko lang pala sya makikita, buti na langa t di ko tinanggihan ito. Whee…

“Huh? Nakikita? Teka, bagong lipat lang kami dun. Nung isang araw lang kami nakalipat dun eh. Taga-Islamic Center kami sa Quiapo talaga. Eh panong ‘nakikita’? Napaghahalataan ka kuya ah.”

Toinks. Buking ako, bat ko pa kasi sinabi yun. Tanga ko talaga.

“Hahaha.. Malay ba. Familiar kasi face mo eh. Basta yun na yun, wag ka na umangal. Hehe.. Ako nga pala si Hafiz, and you are??”

“Zaina.. Hafiz name mo? Ang cute naman.”

“Salamat. Ngayon ko lang narinig ang pangalang Zaina eh, weird huh? Pero cute. Ayos. Unique.”

Huwaw. Akalain ko yun, tamang pambobola lang ako? Nyahaha..

“Ganun? Ang weirdo pa pala ang pangalan ko? Ayos yun ah.”

“Wag ka na umangal. Saktan kita dyan eh. Hehe.. Ay close na agad tayo? Akalain ko yun?”

“Oo nga noh. Ayos ka rin pala. Kala ko kasi kanina may nagawa akong masama sa iyo eh. Sama kasi ng titig mo. Hehe..”

And it was the start of something new ika nga sa kanta. Usap dito, usap dun kahit pang may orientation na nagaganap. Di na namin inalintana yung mga sinasabi ng ibang kaSPES namin. Kumpleto ang araw ko nung oras na yun. Amin lang ang mundo. Amin ang sandaling iyon.

“Mga kapatid, medyo napapansin kong hindi yata nakikinig ang iba sa inyo. Pwede bang ipagpaliban nyo muna yung mga kwentuhan nyo at makinig muna tayo sa mga nagsasalita at magsasalita sa harapan? Nakakahiya naman kasing binabalewala natin sila. Tandaan nyo, baguhan pa lang kayo bilang mga SPES beneficiary and kahit asa kalagitnaan na kayo ng pagta-trabaho dito sa Quezon City Hall eh maari namin kayong ipatanggal dahil sa mga inaasta nyo. Be professional naman.”

Awts. Kami yata ang pinaringgan ni Ustadz sa sinabi nyang yun. Tiklop tuloy kaming dalawa ni Zaina at di na nagsalita pa. Asa amin na ang buong atensyon ng mga taong naroon. Natatawa na kami pareho sa mga inasta namin kahit pang alam naming mali naman talaga.

Tatlong oras din yung tinagal nung buong orientation. At ang isang oras na hindi namin pagkikibuan eh parang isang dekadang di namin pagpapansinan. Haishh.. Inlove na ba ako? Ganito ba ako kabilis magmahal? I do never believe in love at first sight pero ewan ko ba at mukhang yung hindi ko pinaniniwalaang bagay na yun eh nangyayari sa akin. Nasa isip ko, imposible namang masasabi mong in love ka agad sa isang tao sa unang pagkikita pa lang. Siguro gusto mo sya pero di mo rin masasabing mahal mo sya. Maaaring physical attraction lang ang nararamdaman ko, pero imposible.

Pagkalabas ng QCMCC (Quezon City Muslim Consultative Council) agad nagtama ang paningin naming dalawa at sabay na naghagikgikan. Di ko alam kung bakit ako natawa at ganun din sya, siguro natawa na lang kami dahil sa mga inasta namin kanina. Akalain ko ba namang yung pinupuring dapat tularan eh sya pang unang pasaway? At kung sino pa ang pinakahuling dumating eh sya ring isang pasaway?

“Tara kain tayo?! Gutom na ako eh.” ang bigla aya ko na lang. Nagbabakasaling sasama sya sa akin para kumain. Kahit pang mukhang malabo eh nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob para mag-ayang kumain.

“Di pede eh. Pasensya na, may kasama kasi ako eh. Di ko na nga lam kung saan sya dito ngayon. Next time na lang. Okay lang naman di ba?”

Awts. Gumunaw ang mundo ko sa narinig kong sinabi nya. Siguro mga tatlong segundo rin yun. Matagal na rin. Tanging malungkot na ngiti na lang ang naging tanging sagot ko.

“Nyak. Nagda-drama ka kuya? Libre na lang kita ng Ice Cream next time. Ano?”

Aba? At teka, bakit ganito na lang din ang tanging sagot nya sa akin? Napansin nya ang biglaang pagtamlay ng ngiti ko, tapos ililibre nya ako ng Ice Cream? Ano ko? Paslit? Hehehe..

“Sige na nga. Basta libre mo ako ah, hehe.. Sige, ingat.”

“Ganun? Sige sige.. Hinahanap na rin siguro ako ng pinsan ko. Kawawa naman yun. Bye ulet.”

“Teka, can I get you phone? este phone number pala. Hehe..”

“Ano raw? Ano ka snatcher? Hehe.. Pag-iisipan ko. Uhmm.. Sa isang kondisyon.”

“Anong kondisyon naman yun aber? At bat may kondisyon ka pang nalalaman? Huh?”

“Kapag nagkita tayo ng pareho yung suot natin. Dun ko bibigay fone number ko. Ano? Payag ka?”

“May maiaangal pa ba ako? O sya, ito calling card ko. Tawag ka lang kapag kailangan mo ng tulong ko. Remember, si Hafiz ay iyong protector.”

“Toinks. May ganun? Ano kita? Boyfriend? You wish. Hehe.. πŸ˜€ Sige, salamat na rin at may pandagdag-bigat na rin ako sa wallet ko. Hehe..”

“Ganun? Saksakin kita eh. Aangal ka? Hehe..”

“Sadista naman nito. Oh sya. Tumatawag na insan ko eh. Bye! See you on.. Uhmmm. Next time. Hehe.. ”

Umalis sya ng may iniiwang ngiti sa labi ko. Natatawa ako. First time ko eh. First time kong makaranas ng ganito. Natutuwa ako sa mga ikinikilos namin, para kaming tanga. Parang matagal na kaming magkakilala. Parang close kami ng sobra sobra. Hehe.. I wonder why. Siguro nagde-day dream na naman ako. Haishh..

—may susunod pa.. Open po ito sa lahat ng kumento at suhestiyon. Salamat.

Advertisements

Responses

  1. musta ka na? nde ka na bumibisita ha.

  2. adik! isa kang adik! hahaha! binata na si lusis! yahooo! *nagsasaboy ng confetti!

    nakakatuwa naman yung love story mo…ipagpatuloy mo lang yan iho! goodluck! πŸ˜€

  3. Jesse

    Salamat sa papuri…
    Teka? Bat may pagsaboy ng confetti? Eerrr?? Hehe..


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: