Posted by: earthlotus | Tuesday April 24, 2007

Muni Muni..

Naisip mo na bang minsan na..

Paano kung maging dalawa ang asawa ko sa hinaharap?? Isang pagkakamali at isang true love?

Err.. posible kaya ito?

Dito nag-umpisa ang lahat..

Sa isang pagmumuni muni ko habang nakatapat sa PC dito sa PC Shop sa amin.


Gusto ko magkaanak.. OO, seryoso nga ako!!But ayaw ko muna magkaroon ng pamilya as of now, medyo mahaba pa ang lalakbayin ko bago magkaroon ng pamilya dapat and I know na magastos gastusan ang pamilya.I want a baby. Yun ang pangarap ko mula noon pa hanggang ngayon… Mula pa noong 4th year high school ako, ninais ko ng magkaroon ng baby.

Hehe.. Mukha akong tanga sa iniisip ko di ba? Pero isang fulfillment na yung maituturing kung magkakaroon ako ng anak. Harhar..

Minsan naisip ko.. pede bang maglagay ako ng signboard sa likod ko na nagsasabing..

“Pwede ba kitang anakan?”

Simple lang di ba? Pero sadyang napakahirap gawin. Ewan. Siguro part na yun ng mga pangarap, yung sadyang mahirap abutin. Harhar..

Gusto kong magkababy for now, pero ang asawa eh saka na lang muna.

Pass muna ako sa usaping asawa for now, although sabi ng ilan sa mga kapitbahay kong kabatch ko lang eh…

“Dan, wala ka bang papakilala sa amin? Yung tipong magiging asawa mo in near future?”

“Dan, sino current gerlpren mo ngayon? Pakilala mo nga, husgahan naten.”

“Dan, dami mong naiuuwi dito sa atin na mga kaibigan mo ‘daw’… pero totoo bang kaibigan mo lang yung mga dinadala mo rito huh?”

(palibhasa, sila kasi eh medyo nakapila.. Nakapila sa pagpapatali. Isa isa na silang sinesentensyahan. Isa isa na silang kinakasal. Ako na lang yata ang wala. Pero ayos lang.)

Err.. Ngiti at tawa lang ang naisasagot ko sa tuwing magtatanong at iho-hotseat ako ng buong barangay namin. Ewan ba at bakit sila curious na curious sa laughlife ko, samantalang wala namang espesyal dun. Siguro yun yung dahilan kaya espesyal ang buhay ko para sa kanila, dahil walang espesyal. (Magulo na naman. Magulo talaga. Asa ka pang tumino ako.)

Napapaisip ako lagi… Nasa isip ko, bat nga ba ganun ako? Bat ba hindi ko man lang makita ang sarili ko na kung sino sino ang kasamang babae na dinedate? Err.. Bakit?

Una, dahil wala sa ugali ko yun. Di ko gusto ang mga short-time relationship. Kaya natatawa ako kapag may pinapakilala sa aking ibang tao with ganitong banat.. “pre, syota ko.. [ enter name here ].. ”

Ikalawa, Ayaw ko lang. Sa simpleng dahilan, kasi di ako babaero. Yebah! Babaero/Lalakero (amsagwa ng term ko para sa playgirl) ang tawag ko sa mga ganun, err. Eh kasi parang nagpapalit lang sila ng underwear eh. Buti pa nga yung ibang underwear nila eh tumatagal ng 3 araw, samantalang yung mga ‘syota’ nila eh isang araw lang.
TAKE NOTE : Pinakamatagal na yung 1 week.. Swerte pag umabot ng 1 month.. True love na yun para sa kanila.

Ikatlo. Uhmm.. Pagsamahin mo ang una at ikalawang rason ko. Lalabas na Pihikan ako. Haha.. Oo, kahit ganito ako pihikan ako. Pati nga si mikhael na bestfriend ko eh nagtataka. Siguro daw miyembro ako ng ikatlong lahi. Hala. Kung di ko lang yun bestfriend eh malamang.. Naambush na yun. Bwahaha..

Ikaapat. Wala na ako maisip eh. Next!

Simple lang naman ako di ba? Medyo kaiba lang ang nasa isip ko.

Habang nagmumuni muni kung ano ang gagawin ko para kinabukasan, biglang sulpot naman itong si kishakis o kirsty.. Kamustahan dito, kamustahan dun.. Pansin ko daw bang matagal rin syang nawala? Sagot ko? Hindi kakoh, ako ba eh napansin nyang matagal ring nawala? Hindi rin daw. Argh.

After 20mins ng kamustahan. (oo, inabot ng 20mins yung kamustahan namin. Wag ka ng umangal.)

Ito ang naging konbersasyon..


kish: gusto mo ng magkaanak???
DAN AGUINALDO: yebah!
kish: lolz
DAN AGUINALDO: honga..seryoso ako!
kish: dapat bago ka magkaanak..stable na lyf mo! question!
kish: halimbawa lang ha…sa di inaasahang pagkakataon..nakabuntis ka ng di pa nakatapos ng college..sa babaeng nagmamahal sayo ng lubos..tapos nalasing ka lang nun..kaya mo nagawa..tapos nabuntis mo xa..ano gagawin mo?
DAN AGUINALDO: wahh.. yun ang gusto ko eh!
DAN AGUINALDO: for now..
DAN AGUINALDO: eh di pananagutan ko yung bata..
kish: tapos you have another
DAN AGUINALDO: akin yun eh.. blessing ko ng maituturing yun
DAN AGUINALDO: i have another what?
kish: na love na love mo
DAN AGUINALDO: another girl in my life?
kish: yes
kish: nilasiong ka nga lang diba??
DAN AGUINALDO: hmm. if she really love me.. ready sya for acceptance.. if not..
DAN AGUINALDO: paalam love..
DAN AGUINALDO: hello anak..
DAN AGUINALDO: hehe..
kish: hahaha
kish: ngek
kish: isipin mo situation
DAN AGUINALDO: honga..
DAN AGUINALDO: seryoso ako! blessing na yun para sa akin..
DAN AGUINALDO: eh di ang saya saya ko nun sobra.. pano ba kung boy yung magiging unang anak ko.. wahh..
DAN AGUINALDO: eh di nagtatatalon ako sa tuwa.. haha.
kish: you have another na itinuturing mo ng true love..both of you have plans of getting married after graduation and the fact na 3rd yr pa lang kayo..tapos nilasing ka ng isang girl…at nabuntis mo
kish: di ka pa tapos sa pag aaral mo
kish: panong gagawin mo? sa girl na true love mo?
DAN AGUINALDO: hmm.. yung girl na nagpabuntis sa akin eh wala akong pananagutan (para sa akin huh..) sya ang pumikot eh.. di ako.
kish: what will you do sa girl?
DAN AGUINALDO: hehe. yung baby lang kukunin ko..
DAN AGUINALDO: if she (yung present) really love me.. tatanggapin nya ang isang pagkakamali at ang isang blessing para sa akin..
DAN AGUINALDO: dun sa girl na nabuntis..
DAN AGUINALDO: acceptance…
kish: sa tingin mo ba papayag yung girl na naglasing sa yo na basta mo na lang kunin yung bata na di xa ang kikilalaning ina?
DAN AGUINALDO: tanggapin ko ng buo yung bata, then if she do love me.. (aba.. babaero ako nito)..
DAN AGUINALDO: hmm…
kish: at sa tingin mo ba anong mararamdaman ng girl..na true love mo and the fact that both of you have already plans of getting married after graduation
DAN AGUINALDO: then.. yung present ko eh ayos lang sa kanya.. tatanungin ko yung nagpabuntis if ready syang maging second wife.. haha..
DAN AGUINALDO: acceptance ang kailangan ko mula sa kanya (present). at hindi yung paninisi..
kish: pandagdag pa dun ang fact na ni minsan di mo pa nagalaw yung true love mo tapos nakabuntis ka na
DAN AGUINALDO: di ko ginusto ang nangyari.. under ako ng alcohol.. at sadyang makamandag lang.. bwahaha..
DAN AGUINALDO: kaya no choice.
kish: lolz
kish: dalawa asasawahin mo?
DAN AGUINALDO: hehe. medyo mali ang gagawin ko.. pero, yun ang nakikita kong maayos na paraan as of now eh
kish: sa tingin mo kaya mo yun…2 family…the fact na d ka pa tapos?
DAN AGUINALDO: BUT.. di ako ganun kadaling mapikot. haha.. sorry sya..
kish: di mo alam ang takbo ng utak ng bawat tao
DAN AGUINALDO: hmm… ewan, sabagay..
DAN AGUINALDO: basta kumpyansado ako sa looks ko..
DAN AGUINALDO: di ako mdaling mapikot..
kish: halimbawa pala..friend mo yun..tapos nag EB kayo..tapos di mo alam may gayuma pala yung pinainom sayo
DAN AGUINALDO: true love lang siguro pipikot sa akin.
DAN AGUINALDO: haha..
kish: pampalasing
DAN AGUINALDO: nyek..
kish: haha..u will never know what will happen in the future
kish: bwahahhaha
DAN AGUINALDO: hmm.. but still.. kumpiyansa ako sa sarili ko..
DAN AGUINALDO: hehe..
kish: ganda ng naisip kong storya ah
kish: pampagulo ng utak!
kish: hahahha
DAN AGUINALDO: hehe.. honga.. ginulo mo utak ko.
kish: di ka man lang ba magdadalamhati
DAN AGUINALDO: magdadalamhati? for what?
kish: syempre expect mo na na magagalit yung true love mo..kahit pa sabihin nating di mo naman ginusto
kish: idagdag mo pa yung idea mong dalawa ang gusto mong mapangasawa
DAN AGUINALDO: errk.. di ko inisip na dalawa aasawahin ko in near future..
DAN AGUINALDO: stick to 1 ito.
DAN AGUINALDO: hehe.. ayaw ko nung ganun, but still. kung di maiiwasan, wala.. wala talag..
kish: hahaha
kish: nabasa mo ba yung..anong thread ba yun
kish: yung dalawa asaawa
kish: haha
DAN AGUINALDO: nyek..

Hmm.. after nung napagusapan namin ni kish, natulala ako.. hmm.. 2 segundo rin yun!

Honga naman, tama sya. Ano gagawin ko? Hmm. Siguro muslim ako kaya pede ko silang pakasalan pareho, but.. Sa part ko.. Ayaw ko. Kasi pinangako ko sa sarili ko na di ako mag-aasawa ng dalawa o tatlo o mas hihigit pa sa isa. Hmm.. May dahilan ako. At ano ang dahilan ko?

Una.. Naaawa ako sa BATA.. Sa mapapangasawa ko eh ayos lang, tinanggap nila ako eh. Mahirap mag-agawan sa atensyon ang mga bata para sa pagmamahal ng magulang. Madamot na kung madamot, basta yun ang naiisip ko.

Ikalawa.. May mga taong hirap na hirap sa pagpantustos ng kabuhayan ng isang pamilya. At ayokong maging isa ako sa kanila, what more pa kaya kung dalawang pamilya na tutustusan ko di ba?

Ikatlo.. Uhmm.. Wala na akong ibang maisip eh. [ insert another reason here.. ]

Kitams.. Simpleng kahilingan lang naman ang nais ko eh, pero bat ganun? Biglang pinagulo. Honga naman, mas magulo mas masaya.

Mahirap yun for sure, panagutan ang dalawang pamilya. Sa dalawang boylet at gerlet [or more.. ] ng mga babaero/lalakero dyan eh nahihirapan na sila. What more pa kaya yung mismong pananagutan na? Goodluck sa kanila. Ewan.

Basta sa side ko. Mahirap na mahirap yun.

Una.. dahil PAGMAMAHAL na bang matatawag yung ganun? Di ba “shellfish” tawag sa mga taong ganun?

Ikalawa.. wala sa katinuan ang taong nasa ganung posisyon. May sayad sila in short.

Ikatlo.. maraming maapektuhan, kaya wag padalus-dalos.

Ikaapat.. Uhmm. Ewan. Di ko na lam. Or, siguro ito na rin yung pinakahuling talata. Wala na ako maisip pa eh.

————————————————
Ganun ang buhay, minsan kahit pang ayaw mong isipin ang mundo. Sadyang mapapaisip ka. Ewan ba. Magulo. Magulong magulo. Buti na lang yung gulong yun yung nagpapasaya. Harhar..

Advertisements

Responses

  1. una, hindi ko muna binasa ang pangalawang entry dahil sa:
    two, mahaba ito.

    anyway, iba iba ang takbo ng isip ng tao. sa konting nabasa ko.

    ang masasabi ko lang ay, isipin mo rin ang kapakanan ng iyong magiging anak sakali. saan ka kukuha ng pambili ng kanyang gatas? etc. (alangan naman na umasa ka sa iyong mga magulang)

    yun po muna sa ngayon.

  2. Snake

    Hehe.. Ganun?

    Sabagay, pero pangarap ko yun. Nyahaha.. 😀 Kung pede nga lang eh. Haishh.. Pero syempre alam ko mga magiging cons pag nagkaron agad ako ng anak or pamilya.

    Hmm.. Pinagpaplanuhan ang lahat, di lahat kayang sustentuhan ng pangarap lang. Harhar.. :d


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: