Posted by: earthlotus | Saturday April 21, 2007

usapang mOja & earth

lWag mo sanang isiping may sayad ako. Hehe… Nagkataon lang na sadyang may topak ako kaya ganun. Harhar..  😀 Natural. Hehe..

mOja :Asan ako?

earth :Asa earth pa rin naman.. adik ka?

mOja : Hindi yun! I mean, asan ako? Sino ka?

earth :Ako si earth.. kaya nga earth name ko oh, kita mo?

mOja :Oo, kita ko nga. Eh asan nga ba ako?

earth :Asa earth pa rin. Wag kang magtaka.

mOja :Ahhh, okay. Anong kalokohan toh? Ano kita? Bat ako narito?

earth :Shet! Dami mong tanong ah. Bat kaya di ako ang magtanong sa iyo?

mOja :Sagutin mo muna ang tanong ko, wag mong sagutin ng tanong ang mga tanong ko!

earth :Okay! Relax ka lang, puso mo.. *buntong hininga*

mOja :Pwes, sasagutin mo na ba ang tanong ko? O naghihintay ka talaga na dumanak ang dugo muna dito? Sabihin mo lang..

earth :Okay, andito ka ngayon kaharap ko. Ay mali, kausap mo pala at hindi kaharap. Hmm.. Nandito ako para bigyan linaw ang ilang katanungang bumabagag sa iyo.

mOja :Honga eh, dami ngang bumabagabag sa akin, lalo na ikaw!! Di nga kita kilala eh. Magka-anu-ano ba tayo huh?

earth :Ako at ikaw ay iisa. Ikaw ay maaring di maging ako, pero tandaan mong ako ay bahagi mo.

mOja :Ano raw? Ang lalim nun ah, muntik na akong malunod.

earth :Basta yun na yun. Pahihirapan mo pa ako eh! Shets.

mOja :Ngayon?

earth :Anong ngayon?

mOja : Adik! Anong gagawin ko na ngayon? Kilala na kita. Ikaw ay ako kamoh, err.. Basta yun na yun. Tapos? Ano na gagawin ko ngayon? Pede na ba ako umalis?

earth :Di pa! Wala ka pa ngang naitatanong sa akin eh.

mOja : Ganun ba? Di pa ba tanong yung mga tanong ko kanina?

earth : Hindi pa! Teka nga, banat ka ng tanong. Wag lang about trigo at algebra.. Ayos lang ang logic at Stat.. basta wag lang yung unang nabanggit. Hehe..

mOja :Baliw! Sige teka.. Hmm.. Sino ako?

earth : Huh?

mOja :Sino ako? Sino ako ngayon? Sino ako noon? Sino ako sa hinaharap?

earth :Err.. Isa isa lang pede? Wag kang magmadali! May lakad ka?

mOja :Oo, kaya kung pede sagutin mo na mga tanong ko pede ba yun?

earth : Okay, ikaw si Mohammad. Noon, ngayon at sa hinaharap. Walang mababago run. Nagkukubli ka lang sa iba’t ibang personahe.

mOja : Tapos?

earth : Teka, kilala mo na ba ang sarili mo talaga?

mOja :Oo?

earth :Bat patanong ang sagot mo sa akin? Di ka sure, tama ba?

moja : Oo?? Yata??

earth :Naman! Di ko masasagot ang tanong na tulad ng ganyan, mahirap yan. Di ko naman kaanu-ano si Madam Auring eh. Di ko kayang hulaan kung sino ka sa hinaharap but kaya kong sagutin kung sino ka nuon at sino ka ngayon. Ikaw noon si Mohammad, as usual yun ka pa rin naman ngayon. Walang nagbago, tao ka pa rin. Kaso kulang ka pa rin.

mOja :Huh? What do you mean kulang? Di ko maintindihan?

earth : T

alagang di mo maiintindihan kasi kulang ka pa sa pag-unawa sa buhay.

mOja :Ganun? Paano ko mauunawaan yun?

earth :Err.. Hmm.. Kilalanin mo ang sarili mo.

mOja :Yun lang?

earth :Oo, yun lang. Magpakatotoo ka.

mOja :Teka, you mean di ako totoo ngayon? Err.. Eh sa ganito na ako eh, nuon at ngayon.

earth :Yun nga, ganyan ka pa rin nuon at ngayon. Pero hanggang ngayon, tulad ng dati eh di mo pa rin kilala ang sarili mo ng lubusan.

mOja :Pano ko makikilala aber?

earth :Magtanong ka sa kanila. Tanungin mo sila kung sino ka para sa kanila.

mOja :Yun lang? Tapos?

earth :Tapos nun suriin mong mabuti kung alin ang totoo sa hindi. Tapos alamin mo kung yung totoong inaakala mo eh totoo nga, if not cross them out. Repeat the same procedure. Tapos nun makikilala mo na ang sarili.

mOja :Ang hirap yata?

earth :Hindi mahirap yun.

mOja :Err.. Adik toh.

earth :Oh sya. Next question.

mOja :Teka? Di mo pa naman nasasagot ng buo yung tanong ko ah. Gulo mo rin ah!

earth :Di ako magulo. Ikaw ang magulo. Di ko pedeng sagutin ang lahat ng sa madaling paraan, kasi kung ganun hihintayin mo nalang ang mga susunod na mangyayari. Take note, hawak mo ang kapalaran mo. Nasa sa iyo ang lahat, wag kang maniwala sa akin yan ang payo ko sa iyo.

mOja :Ah… ganun naman pala eh. Eh di, di na kita paniniwalaan ganun ba?

earth :Oo, okay. Next question.

mOja :Hmm.. Wait. Masasabi mo ba kung sasagutin ako ni bestfriend? Hehe.. :p

earth :Err.. Ewan.. *sipol.. Di ko masasagot yan. Di nga ako si Madam Auring. Sana yung mga tanong mo eh may sense di ba?

mOja :Oh sya, kamusta si Mama?

earth :Yung mama mo?

mOja :Oo, sya nga. Kamusta na si Mama? Kahit magkasama kami sa bahay di ko naman kasi alam kung ano ang nararamdaman nya at mga hinaing sa akin eh. Kaya ikaw ang tinatanong ko.

earth :Err.. Ayun, masama ang loob sa iyo. Natural. Pero kahit ganon, mahal ka pa rin nya. Kaso wag mo sagarin ang pasensya nya. Kahit magulang mo sya eh may hangganan pa rin naman dapat. Gets mo?

mOja :Yebah. Ganun. Honga noh, sumosobra na pala ako. Magbago na kaya ako?

earth :Wag. Magtataka yun for sure. Unti unti mo kung balak mo talaga yan pero wag biglaan ng di magulat.

mOja :Awkies. Tapos ngayon. Kamusta si Papa?

earth :Papa mo? Hmm.. Patay na sya. Sad part was, di ka man lang nakapagsabi ng hinanakit mo sa kanya. G*g* ka kasi eh.

mOja :Alam ko. Pero mas g*g* sya kaysa sa akin.

earth :Umayos ka nga. Kung g*g* sya, walang duda sa kanya ka rin nga talaga galing.. manang mana ka sa ugali kung ganun. Pareho kayong g*g*. Ano? Angal ka?

mOja :Okay okay okay. Tapos.

earth :Anong tapos?

mOja :Tapos nito ano na? Kamusta na kinabukasan ko sa pagiging I.T Student?

earth :Ayun, di ko pa rin masabi. Hehe. Suspense dapat, nasa sa iyo kung anong gagawin mo. Gawa ka ng paraan payo ko lang.

mOja :Ganun? Mababago ko pa ba ang kapalaran ko?

earth :Oo, try mo. Malay mo.

mOja :Hmm.. Sige, sundin ko yan! Mukhang dyan ka lang tumama eh.

earth :Ganun? Next.

mOja :Teka, ikaw naman! Ako lagi nagtatanong eh! Tanong mo?

earth :Err? Tanong na rin yung tanong mo eh.. Adik! Okay, kamusta ang work?

mOja :Ayun, adik adik adik.

earth :Bat adik adik adik?Anong meron?

mOja :Errr.. Sinabon ako ni Sir Nonnie nung isang thursday night kasama ng mga kagrupo ko.

earth :Err. Ano ginawa mo?

mOja :Ayun, pinagtanggol ko yung side namin. Alangan naman paapi lang ako di ba? Ano ko baleh? No way!

earth :Tapos? Ayos naman ba?

mOja :Hindi ayos. Di ako nakakain nung gabing yun eh. Yung gutom ko eh syang naging kabusugan ko.

earth :Huh? Ano raw?

mOja :Ayun nga, instead of kumain after sermon eh di ko na nagawang kumain pa. Yung sermon na yun na yung naging dinner ko. Haiishh.. Kahit sino siguro di na makakakain kung masabon ng ganun di ba?

earth :Err. Parang yun lang. Eh di nagutom ka?

mOja :Busog na nga eh. Pero nagutom ako nung 1:00am na. Hehe..

earth :Eh di nakakakain ka naman ba?

mOja :Yun rin. Hindi. Hehe.. Wala ng naitagong pagkain para sa akin. Nilantakan na nung mga kumag. Haishh..

earth :Eerrr.. Wawa ka naman kung ganun. Eh bat di ka umunta ng Philcoa? Bukas pa ang Mcdo or Jollibee nung ganung oras di ba?

mOja :Oo, bukas pa nga pero may cerfew ang Quezon Memorial Circle. Til 11pm lang sila bukas. Remember.

earth : Nah. Malay ko ba. Ganun? Eh di gutom ka nyan for sure? Teka, may inuman kayo dapat di ba?

mOja : Honga eh, yun nga. Inuman sila. Samantalang ako eh inggit na inggit.

earth : Bakit? Eh bat di ka tumagay?

mOja : Eh gutom nga eh di ba?

earth : Ay honga noh. Wawa. Sana nakichibug ka na lang. Hehe..

mOja : Aw! Ayaw! May hiya pa ako sa katawan.

earth : Nyek? Sa taong gutom dapat wala ng hiya hiya. Hehe.

mOja : Buti na lang mabait ang kapalaran. May naitagong food pa pala si Abdul para sa grupo nila. Madami sila rung muslim eh. 3 yata? Hehe.. Binigyan nya ako! Wahh.. Bait nga eh.

earth : Ah. Mabuti naman kung ganun. Marami ka bang nakain?

mOja : Konti lang.

earth : Bakit? Di ba gutom ka?

mOja : Eh pano ako makakakain ng marami eh sobrang gutom ko nga. Di ko nga maubos eh, kahit gutom na gutom ako eh pero wala naman akong gana. Parang ganun. Basta.

earth : After nun? Ano gawa nyo?

mOja : Tulog ako sandali. Tapos ginulo ako nina mark at rj.

earth : Dapat inupakan mo. Hehe..

mOja : Mabait ako! Di ako tulad mo. Hehe..

earth : Tapos? Umaga na?

mOja : Hindi, nung ginulo ako eh nagising na ako. Ako naman ang gumanti. Hehe..

earth : Harhar..

mOja : Teka, pagod na ako. To make it all short. After that tulog na ako. Gising ko na kinaumagahan na. Hehe. Paguwi ko eh nakalimutan ko pa dalhin yung kutsara at tinidor ko. Haisshh. Buti di ako pinagalitan ni Mama.

earth : Naku po!

mOja : Oh sya alis na.

earth : Huh? Teka, nagsisimula pa lang tayo eh.

mOja : Anong simula simula ka dyan? Upakan kita gusto mo? Layas na baka mapagkamalan pa akong may sayad dito eh. Oh sya sya. Shoo Shoo Shoo.. Layas!! Ba-bye! Hehe..

earth : Okay. I’ll be back.

moja : Wag ka ng bumalik! Hehe..

earth : (*at bigla akong naglaho. Err. Ewan. Di ko alam kung san ako napunta. Basta nawala na lang ako.*)

Twin of Death

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: