Posted by: earthlotus | Thursday April 5, 2007

Sangley Point – Part 1

Nakausap mo na ba ang isang taong napakalapit sa iyo?

Yung tipong kausap mo sya sa puntong kilala mo sya pero di ka nya kilala?… Tapos sobrang lapit lang ng connection nyo, but the mere fact na wala syang alam about sa iyo?

Yung ganun? Basta magulo, nahihirapan akong ipaliwanag eh. Pero ganito yung kwento nun..

2005 nun, balak kong pumunta kay Papa sa Sangley Point sa
Cavite, gusto ko syang kausapin ng masinsinan, usaping kahit sino eh di maiisip na kaya kong isipin.

4:30am

Umagang umaga, syempre kailangang magbihis agad, kasi malayo pa ang Cavite sa Tandang Sora. Ang biyahe eh umaabot ng 4 na oras kapag sobrang traffic. Sa araw na yun at sa oras na yun, isa lang ang nasa isip ko. “Dapat matapos na ang koneksyon namin kay Papa, desidido na ako. Bahala na.”

Galit at Inis ang naghahari sa akin nung mga sandaling yun, wala na kasing makakapigil pa sa akin para pumunta kay Papa.

5:30am

As usual, ang superhero eh sadyang mabagal kumilos. Ganun talaga sya eh. Yun ang oras na dapat ang alis sa bahay, yun kasi ung oras na nakaset sa pag-alis namin sa bahay. Ayon dun sa libro ni Mama, 5:30am raw ang “pinakamaswerteng oras sa araw na iyon, makikita ko raw ang isang taong di ko inaasahan.” Hmm..

Nasa isip ko nun, “bat ba kasi may pamahiin pa si mama, pati ang pag-alis sa bahay eh dapat may takdang oras. Ewan.”

6:00am

Natural nasa biyahe na kami.

Habang nasa biyahe, nagluluksa ang puso ko. Di ko alam, siguro dahil sa niloko ko si Mama, di nya alam kung san ang tungo ko nung araw na yun, tapos pati si Tito rin di alam kung san ang lakad naming dalawa. Sabi ko kasi sa kanila, pasasama lang ako kay Tito sa isang bahay ng isang Dating Kaibigan.

Since si Tito madalang lang dito sa QC dahil sa probinsya namamalagi, di nya rin alam kung san kami Papunta.

Habang nasa daan kami, nagtanong sa akin si Tito.

“Dan-Dan, san ba tayo pupunta? San ba yang bahay ng Dati mong Kaibigan? Bakit napakaspecial naman nya at ganito kaaga tayo umalis? Taga san ba yan? Ano bang meron sa kanya?”

Sunod sunod ang tanong sa akin noon ni Tito, di ko alam kung alin, ano, at paano ko sasagutin ang mga tanong nya.

“Tito, basta. Basta mamaya. Mamaya. Mamaya mo malalaman.”

Si Tito nun eh nanatiling nagtataka, dahil naman sa ako lang ang gala sa pamilya namin at alam nyang alam ko kung saan kami papunta, naging kampante na rin sya.

8:00am

Nasa baclaran na kami.

“Teka, malayo ba yung bahay ng Dati mong Kaibigan? Nasaan na ba tayo? Teka.. Kung tama ako, nasa baclaran na tayo di ba? Anong meron dito? Bat dito?”

“Tito, relax ka lang. Gusto mo ba talagang malaman kung san tayo pupunta?”

“OO, sabihin mo sa akin kung san tayo pupunta, eh kasi sobrang layo na nito sa Tandang Sora eh, mahirap ng maligaw tayo. 500php lang hiningi mo sa Mama mo, sabi mo sa may bandang Taguig lang?”

Di nga lang alam ni Tito na may dala akong pera na pinag-ipunan ko. Dala ko rin nun ang ATM ko na tinatago ni Mama. Argh. Bahala na.

“Pupunta tayo sa Sangley Point.”

Biglang napatigil si Tito sa paglalakad nun.

“Sa Papa mo?”

“OO.” yun na lang ang naging sagot ko.

Yun na rin ang naging katapusan ng pag-uusap namin sa daan.

Matagal pa ang biyahe, ngunit parang saglit lang at nasa Sangley na rin kami agad. Pagkababa namin ng tapat ng Sangley Point, nasabi ko na lang kay Tito na.

10:00am

“Patawad, bahala na.”

Isang tapik sa balikat lang ang naging sagot nya sa nasabi ko. Isang pagpapaubaya sa maaring mangyari sa mga oras na yun.

Alam kong alam ni Tito ang nasa isip ko, kung ano ang dahilan kung bakit kami nasa Sangley. Kung bakit umaapoy sa galit ang mga mata ko.

10:05am

“Sir ID po nila?” tugon sa akin nung Navy officer na nasa Gate1 ng mismong base.

“Ito po.” Yun na lang sagot ko sabay abot ng ID ko at ID ni Tito.

“Sang office ho sila pupunta at ano nyo ang pupuntahan nyo?”

“Pakitawagan na lang si Nurhajan Amilhamja, ano ko sya? Isang kamag-anak.”

Ewan ko kung bat yung “kamag-anak” yung nasabi ko, dapat sana sasabihin kong “anak” rin ako nung taong hinahanap ko. Di na rin ako nagtaka kung bat di na tinanong kung anong Rango nung hinahanap ko. Siguro dahil kilala nila at malapit sila sa “kamag-anak” ko.

“Sir, wala po sya sa Office nya eh. Nasa may Fort Bonifacio sya eh.”

“Ah ganun ba? May contact number ba kayo dito sa Fort Bonifacio? Baka kasi pag tumuloy kami run eh baka magkasalisi lang kami.” ika ko.

“Sorry po, pero bawal yun eh. Wala kaming Access sa mga personal contact number ng mga matataas na opisyal dito. Mahigpit kasing pinagbabawal yun. Kung gusto nyo,puntahan nyo na lang yung bahay nila dito sa loob ng base. Tutal kamag-anak naman kayo. Pasasamahan ko na lang kayo sa mga ibang officer rito papunta sa bahay nila.”

Napatigil ako. Tumigil ang Oras. Di ko alam kung bakit, siguro bigla ako nagulat sa mga naging tugon sa akin nung Navy na nakausap ko, parang kilala nya ako samantalang di ko naman sya kilala.

Ewan.

“Sige ayos lang, kami na lang pupunta. Alam ko rin naman kung saan ang bahay nila eh.”

“Kayo ho, kung may kailangan kayo, punta na lang kayo rito sa Gate.”

“Salamat.” yun na lang nasabi ko nun.

“Gaano kalapit ka sa kamag-anak ni Sir? Magkahawig kasi kayo.” ang bigla na lang nasabi nung isang bantay sa gate nun bago kami umalis.

“Malayo, malayong malayo.” isang ngiti na lang ang isinukli ko sa guard sabay alis papunta sa bahay nina Papa dun sa loob ng base.

Tumaktabo ang oras, di ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako. Di ko alam kung pupunta ako sa bahay nina Papa o hindi.

“Teka, sigurado ka ba sa gagawin mo ha? Di ba dati pa sinasabi sa iyo ng mama mo na huwag mong kakausapin ni isa sa mga asawa at anak ng papa mo? Baka mapaaway ka nyan?”

OO nga naman, natatakot na ako. Wala na yung galit na nadarama ko bago kami pumunta sa Sangley. Napapalitan na sya ng takot at tuwa.

What if kapatid ko sa ama ang makausap ko?

Paano kung yung asawa ni Papa na isa ang makausap ko?

Paano kung mapaaway ako sa kanila?

Paano ko kakaharapin sila?

Ano gagawin ko?

Yan yung mga tanong na sunod sunod na naisip ko, natigilan ako. Oo, natigilan na ako. Di ko na alam.

Nawawala na ako sa sarili ko. Kakausapin ko ba sila o babalik na lang ako sa susunod?

Mayroon pa bang susunod? Sana? Ewan? Baka? OO! Ewan. Sana! Baka nga siguro.

Ang hirap pala.

Di ko alam kung anong gagawin ko nung oras na yun? Wala akong imik, gusto kong tumigil sa paglalakad at bumalik na lang sa pinanggalingan ko. Gusto ko nang umuwi. Ayoko ng gulo sa ibang family ni Papa, pero bakit?

Bakit??? Bakit patuloy pa rin sa paglalakad yung paa ko? Bat ayaw nyang tumigil.

Ano nga ba dahilan ko?

Ano ang rason? Amdami kong tanong pero wala pang nasasagot kahit isa. Ewan. Bahala na.

Naglalakad ako papunta sa ikakapahamak ko. Bahala na.

——————————————————————
Unang bahagi pa lang ito, sa susunod ko na isusulat yung karugtong. Gusto kong malaman ang reaksyon nyo, at kung ano ang gagawin nyo kung sakaling kayo yung nasa kalagayan ko nung oras na yun.

Sya nga pala, di ako anak sa labas ni Papa. Legal na family rin kami. Ayon sa Sharia Court, legal yun. Muslim kasi si Papa.

Muslim rin si Mama, kaya nga ganito kagulo buhay ko. Mas magulo, mas masaya. Siguro.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: