Posted by: earthlotus | Thursday April 5, 2007

Galit ako sa Mundo

GALIT AKO KAY PAPA.

Yan ang lagi kong sinasabi ko sa sarili ko mula noon hanggang ngayon, ewan. Ayaw naman kasi ni mama na magalit ako kay papa..

Pero di ko maintindihan kung bakit ako nagagalit..

Siguro, sapat na yung mga rason na nararanasan ko mula noon hanggang ngayon para mapanatili yung galit ko sa kanya.

Di ko kasi alam kung mapapatawad ko pa ba sya o hindi, mahirap. Mahirap na mahirap.

Alam kong sasabihing mong di ako dapat ganito kay Papa, pero ito na talaga eh. Mula’t sapul, sadyang di ako malapit kay Papa.

Maraming rason kung bakit ako galit kay Papa, una dahil sa relihiyon ko. Hmm.. hindi yung buong relihiyon ah.

Masayang maging muslim, sobrang saya. Pero sa lahat ng batas na pinapairal sa muslim, ang polygamy lang ang pinakaayaw ko.

Hmm. Siguro nasa isip ko mula noon hanggang ngayon eh na ang bawat lalaki ay nakatadhana para sa iisang babae sa bawat panahon. Bawal ang two timer, wag ganun. Masakit yun para sa mga part ng kababaihan.

Yun ang ayaw sa relihiyon ko, siguro yung polygamy eh ayos lang somehow, but still. Yung mga abusadong mga muslim na nagpapakasasa sa kandungan ng mga babae eh sadya talagang nakakainis.

Hmm.. Pang 9th Family kami ni Papa… Seryoso ako. Walang halong biro.. Now, let me ask you one thing. Tama ba itong ginagawa ni Papa?

Siguro di ko naiintindihan ang “rason” ni papa kung bakit naging ganito sya kababaero.. Hmm.. Ewan. Teka, nasabi ko bang pang9th family kami 18years ago? Di ko na alam kung ilan ba naanakan ni Papa sa loob ng mahabang panahon.

Wish ko lang habulin sya ng babae, habulin nga ba? Ano bang meron sya? Charismatico ba? Guapo? Maappeal? Ewan ko.

Tapos na sa usaping relihiyon, ngayon naman usapang “magulang” na..

Hmm.. Si mama? Sya na tumayong mama at bilang papa sa pamilya namin, lahat ng pagkukulang ni Papa napupunan ni Mama, bilib ako kay Mama. Ngayon sabihin mo sa akin? Di ka ba mahahabag sa iyong inang tinitiis ang lahat para sa inyong magkakapatid?

Si Papa? Ewan, andun sya sa Cavite, minsan nasa Fort Bonifacio, minsan nasa Davao, minsan nasa Zamboanga, minsan naman eh nasa Cebu.. Palipat lipat sya ng base, walang permanenteng base sya. Palibhasa kasi Phil Navy. Hayun, kelangan talaga.

Si mama, may pinag-aralan, ayaw nyang ipahiya ang pamilya nya at ang sarili nya. Siguro natural kay mama yun na minana ko, hehe.. Mapagmataas si mama, pero as long as kaya nya, pipilitin nyang di hihingi ng tulong kahit kanino.

Tulad ni mama, mataas ang pagkilala ko sa sarili ko, ayaw kong ibaba ang dignidad ko. Natural sa akin yun, di ko na mababago yun. Seryoso ako.

Si Mama eh doble kara sa negosyo para sa aming magkapatid, samantalang si Papa eh ayun. Kayod kalabaw. Kayod kalabaw sa pakikipaglampungan sa kung kani-kanino, eh kung yung ibang anak nya kaya asikasuhin nya? Malamang mas makakatulong pa sya.

Ibang anak sa iba, di ko sya kailangan. Napupunan ni Mama ang kakulangan ni Papa sa amin.

Si Mama, matindi ang fighting spirit, kahit alam nyang imposible.. nagagawa nyang posible, ganun nya kami kamahal. Samantalang si Papa? Teka, mahal nga ba nya talaga kami?

Ewan. Sana.

Sabi ni Papa, ako raw ang pinakamahal nyang anak sa lahat ng anak nya.. Hmm..

Sa katunayan, sa tuwing magkikita kami.. “Dapat Nurhan Amilhamja Jr. ang totoong pangalan mo eh..”

Nakakapagtaka ba? Mohammad Chaidar Aguinaldo ang buo kong pangalan, dahil sa ayaw ko at ayaw ni mama, walang magawa si Papa para mapapalitan ang apelyido ko. Iniisip mo siguro na putok ako sa buho? Nah, hindi. Sadyang matigas lang talaga kami ni Mama, palibhasa kay Mama kompyansadong alam nyang walang laban si Papa sa kanya.

Last year, nagkita kami ni Papa, naitanong nya kay Mama kung san ang Office ng Sharia Court sa QC. Alam ko na agad kung bakit nya naitanong yun, dahil ikokonsulta nya kung paano mapapalitan ang pangalan ko, kaso pasensya sya. Ready na ako. Bwahaha..

Pabara-bara ako ng desisyon, pero alam ko ang ginagawa ko.. Ready ako sa mga mangyayari.

Tama, di lang pala sya manloloko ng babae, sinungaling pa rin pala sya. Adik yata sya eh, kala ba nya mauuto nya ako? Ewan ko sa kanya. Kausapin nya pader.

Kapag nauuwi sya sa bahay namin dito sa QC, lagi sya naglalambing. Hmm.. Weird pa nga eh, eh kasi dapat siya itong padre de pamilya, dapat sya ang gastos.. Eh kaso, ang gastos sa bahay nagiging triple kapag nandyan sya. Akalain mo yun? Si mama naman dahil sa “Opisyal” raw si Papa, nakakahiyang madatnan sa bahay na mukhang madungis. Haha.. Oo, seryoso ako. Mas maputi pa nga ung punasan kaysa sa damit nya eh. Hmm.. Kapal rin pala ng apog nya. Argh.

Pag nauuwi sya sa amin sa QC, laging may nakatagong bagong damit para kay Papa. Pagdating ni Papa, yun ang pinapagamit ni Mama sa kanya. Hmm.. Kapag aalis na ulet si Papa, kukunin ulet ni Mama yung mga gamit na pinagamit kay Papa, weird ba? OO, weird nga.

Bakit kamo nya pinababalik? Well, alam rin naman naming di rin nya masusuot na yun eh, tyak yung mga step bro ko yung kukuha nun. Sayang lang.

1000php. Nung last time, binigyan nya ako ng 1000php, hmm.. Napaisip ako, at ano ibig sabihin nun? Susuhulan mo ako? Pasensya ka, nasa katinuan na ako.

Asan na yung 1000php? Binalik ko sa kanya, sabi ko may pera pa ako. Ano naman gagawin ko sa perang di ko alam “kung kanino galing”.

Ngayon, mas tumindi ang galit ko sa kanya. Bakit ika mo? Kasi pati ang pinakahuling tyansang makakasama ko mga kaibigan ko inagaw nya pa!

Isa pa yun..

Teka, wag ko isa-isahin lahat pa ng nagawa nya. Sige, dapat nga talaga.

Sana pala di nalang kita pinahanap, ako rin pala humukay ng mismong libingin ko. Sana di ko na inisip na buhay ka pa. Sana umayon na lang ako sa unang iniisip ko, nasa isip ko na patay ka na kasi. Ewan, siguro nga.

PATAY ka na sa akin Dad!

Wala ka na sa buhay namin. Marami ka pang kasalanan sa amin, kahit sabihin mong magbabago ka na? Ewan, siguro ang galit ko hanggang kamatayan.

Tandaan mo pah, ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang 3 pinakamahalagang tao sa buhay ko, ikaw!

Sana nga naisip ko, ikaw na lang yung namatay at hindi sila. Kaso, ano pa ba magagawa ko? Wala na sila ngunit nananatili pa rin sila sa isang bahagi sa puso ko.

Naiiyak ako. Naasar ako. Nagagalit ako. Natatawa ako.

Naiiyak ako kasi wala kang ginagawa. Kung meron man, sana napaparamdam mo. Hindi yung may ginagawa ka nga pero wala rin naman pala.

Naaasar ako kasi nagkandaleche leche ang buhay ko dahil sa iyo.

Nagagalit ako di dahil para sa sarili ko kundi para sa iba ko pang mga kapatid na pinabayaan mo lang. Wag kang mag-alala, di kami kasama sa mga tinutukoy kong pinabayaan mo. Kasi di kami napabayaan, kahit wala ka man.. Andyan naman si mama. Sayang nga lang at ikaw ang napangasawa nya. Haihh..

Napipikon ako sa mga pinapakita mo,sige lang.. ituloy mo lang. Nakakatuwa ka.

Ikaw ang dahilan kung bakit namatay sila, ikaw. Ikaw. Sana dalawin ka ng konsyensya mo dahil sa mga nangyari.

Pero wag ka. Masayang masaya ako kahit papaano, despite of what happened.. Masayang masaya ako. Bakit kamo? Eh kasi sa lahat ng pwede mong maging anak, ako pa.. Haha..

Ipinangako ko sa sarili ko, gaganti ako. Gaganti ako sa mga ginawa mo, kahit pang alam kong wala ako sa tamang posisyon para maghiganti sa iyo, magaala-superhero ako.

Hindi dahil para sa iyo, kundi para sa mga taong mahal ko. Pasensya ka, kahit katiting na pagmamahal wala akong nararamdaman para sa iyo.

——————————————————————————————
Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako gagaya sa mga nagawa mo,kahit pang anong mangyari. Isa lang ang aasawahin ko, mamahalin ko ang mga magiging anak ko tulad ng pagmamahal na binibigay sa amin ni mama.. Hahanap ako ng asawang sing-ganda, singbait, singtulad ni mama.

naalala ko, sabi dun sa isa kong nabasa dati.. a man marry his own mother. –> tama ba? err. basta ganun sabi dun..

Alam ko, makakakita rin ako ng ganoon..

yan ang ilan sa mga dahilan kung bat ako naasar kay Papa, kaunti pa lang yan pero siguro sobrang dapat sa pamilya na lang yun, hehe..
Ganito kasalimuot ang buhay ko sa araw-araw… Pero kahit ganito kasalimuot, masaya ako dahil may mga taong nagmamahal pa rin sa akin at nagpapakita ng di lang sya ang pwedeng maging ama para sa akin. Marami sila. Andyan sina tito, sina tita.. Pati yung kapitbahay namin, andyan din para sa akin.

Di ko nga lang alam kung sa mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin eh kasama si Papa. Ewan. Sana. Sana wag na syang magpakita sa akin. Ayoko na ng gulo, mas gusto ko ng ganito. Tahimik ako. Nagiging kumplikado kasi kapag narito sya sa buhay namin, daming nagiging arte. Kesyo ek ek, kesyo ek ek. Hala, ayos talaga.

Ay nakalimutan kong magpasalamat pala sa iyo. Salamat Pa, ikaw naging dahilan kung bakit ako naging ganito, wag kang mag-alala. Deep inside, may natitirang espasyo pa para sa iyo. Kahit ano naman kasi ang gawin ko, galing pa rin ako sa iyo.

I LOVE YOU DAD. –> Ito na siguro ang huli at unang beses kong sasabihin sa iyo yan. Sana mabasa mo ito, pag nagkita tayo, papabasa ko sa iyo to.

sana mapagbigyan itong ginawa ko. ayos sa akin ang negative comments.. hehe.. kasi alam kong magulo ako, malabong may makaintindi sa sitwasyon ko, simpatya ang kailangan ko, makakadebatehan tungkol kay Papa. Bahala na.

28march07 05:40am
……………………………………..
inaantok na ako, bilang na bilang tulog ko. tapos, akalain mong nakasulat pa ako ng ganito? galit nga ba ako o hindi? ewan.
ngayon, di kami magkasama ni Papa. Tahimik ang buo kong buhay. Kaso, tahimik nga ba talaga?

Advertisements

Responses

  1. hindi ako galit sa mundo, sa inyo ako galit akala ko uri ng konsyensya ang ibibigay nyo!

  2. i love u po!

  3. IM STILL HERE FOR U

  4. AW! ang sakit may boyfriend na pala ako


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: