Posted by: earthlotus | Friday January 18, 2008

Checklist

Kakaibang topak ang nagsisipasok ngayon sa utak ko. Amdami kasing rumerehistro na dapat sanang mas inuna kong iprioritize, pero sa puntong to eh napabayaan ko na.

Maraming bagay na akong dapat sana eh ginawa ko na noon pa pero hanggang ngayon eh hindi ko pa rin magawa-gawa. Di ko alam kung anung meron at parang may isang dambuhalang harang na pumipigil sa akin para gawin ang mga naudlot na bagay.

Ilan sa mga yun eh yung pagsusulat. Gusto ko na ulet mag-sulat, magsulat ng may kabuluhan ulet. Yung atakehin ako ng sayad at makagawa ako ulet ng mga sulatin na pedeng masabing talagang gawa ko nga.

Gusto kong magpahinga. Magpahinga ng 2 linggo. 2 linggo lang naman eh, yung tipong walang po-problemahin na kahit anong trabaho, walang iisiping kahit anong bagay. Makapagpahinga in short. 2 weeks is enough, not too much in terms na mula nung nagsimula akong mabigyan ng isang responsibilidad na hindi ko naman ginusto eh nagsimula ng maging magulo ang magulo kong buhay.

Iwan ang responsibilidad na binigay sa akin. I never wanted to have this, but they still insist. I know that I have my rights to decline on whatever responsibities na bibigay nila, lalo na kung di naman talaga syang kunektado sa acad-mode ko.

Gusto kong tumambay kasama ang mga matatandang matagal ko ng hindi nakikita. Purong tambay lang, yung asaran mode at yung palagiang paglalagay sa akin sa ‘hotseat’.

Gusto kong matulog kahit 18oras na diretso ng walang nang-iistorbo sa akin. Kahit once lang, sana mapagbigyan ako ulet. Matagal ko nang hindi nagagawa yun kasi eh.

Gusto kong magpakatino na sa pag-aaral. Kelan nga ba ako huling nagtino sa pag-aaral? Nung 3rd year high school pa pala. Ewan ko, di ko alam kung bakit anong nangyari sa akin ngayon at napabayaan ko na yung pag-aaral ko. Mas lalo na akong naging tamad.

Pumasok ng maaga sa PUP. Yung tipong isa ako sa mga pinakaunang darating sa room. In short, mas ahead sa oras ng klase namin. Mga 1 oras before magsimula yung first subject ko.

Makipaglaro sa mga batang yagit na asa lugar lang namin. Yung mga batang naglalaro sa edad na 7y/o to 10y/o. Gusto kong maging bata ulet. Maglaro ng taguan, habulan at maghagikgikan buong araw.

Maging mas mukhang bata kesa ngayon. Kahit konti lang, kasi sa siste ng pagmumukha ko ngayon, wala ng bakante para sa panibagong pimples na bigla-biglang nagsisisulpot sa mukha ko.

Gusto kong umiyak. Umiyak, in means na iiyakan mo na lang ang isang problema, after ilang minuto mong pag-iyak, may mas nakatatandang biglang darating para sabihin na ‘ok lang yan, ako na bahala dyan.. wag ka na umiyak’. Kelangan ko rin ulet nun.

Gusto kong makita yung pinakapaborito kong teacher mula nung elementary ako. Mas secure ako kapag sa kanya ako nagsasabi ng problema ko. Kasi, naiintindihan nya ako. (o sadyang ganun lang talaga sila sa mga bata? kasi nga, teacher sila at ako naman eh estudyante lang nila?)

Gusto kong gumawa ng mga bagay ng may inaasahan kapalit. Nahhh! Hindi yung tulad nung asa isip mo, gusto kong gumawa ng may kapalit na premyo. I mean, parang si teacher Joy na lagi ang banat sa amin eh ‘class, kung sino ang makakakuha ng pinakamataas na score sa exam ngayon eh magkakaroon ng isang supot ng choknut.’

Di ba di ba? Wala naman sigurong masama kung gustuhin kong gumawa ng mga bagay na tulad nun.

Ewan ba. Di ko lang siguro maintindihan hanggang ngayon na ang lahat eh dapat nagbabago. Walang mananatiling permanente sa mundo. Yun dapat.

Ang tanging bagay na alam kong hindi magbabago ay ang mga katagang ‘pagbabago’. Sabi nila yun eh. Pero sa mga nakita at naranasan ko, OO. Ang salitang yun nga lang ang permanente.

Sa ngayon, gusto ko magpahinga. Basta. Yun lang muna. Gusto kong maging ganun na ulet ang buhay ko, ayoko na ng ganito. Mas nahihirapan ako eh.

Post ko sa 1st Week of February yun karugtong ng I Laugh You Series. Nyahaha. ^_^ Gawan ko na lang ng kapalit yung 3 lost chapter. This one is a promise. I’ll post it. Haha. ^_^

By Second Week of March. Try ko tapusin at maipost yung bagong artik-serye ko na “Slaves of Destiny”. Mwahaha. 13 Episodes pa din sya.


Responses

  1. After ko mabasa ‘tong post mo parang gusto kong tumabi sa’yo at yakapin ka ng mahigpit tapos sasabihin ko na, “pagsubok lang lahat yan kayang-kaya mo lahat, ikaw pa!” πŸ˜‰

  2. Misyel,

    Salamat po ate. Haha. ^_6 Ayos lang toh. Kayang kaya ko toh, ganto naman lagi eh. Pag sumuko ako at nagpatalo, ako rin lang ang maiiwan sa ereng nag-iisa, kaya kailangan kong malagpasan toh.

    Paraan toh para matuto ako. Salamat sa pag-aalala rin. Hehe. ^_^

  3. wah. hindi ko pa rin nagagawa ang aking new years resolution. kumakain pa rin ako ng extra rice

  4. ako paguwi namin dyan makikipaglaro ako sa mga batang yagit πŸ˜€ magdadala lang ako ng tisyu para panlinis ng kanilang running nose, ehehehe. dahan dahan lang, kayang kaya mo yan!

  5. isa sa ikinaganda sa pagiging babae…pwede kaming umiyak anytime na gusto namin ng hindi sinasabihan ng….”yak! ano ka ba! kababae mong tao umiiyak ka”. hehehe! sa amin lang yata bagay ang pag iyak. nways, honga naman. boys do cry. gawin mo kung yan ang makakagaan ng dibdib mo. wag mo nga lang ipakita sa iba. πŸ˜€

  6. Padre Salvi,

    Okay lang yan. Mas okay nga kasi tataba ka. Wag kang gumaya sa akin. Every lunch, may extra rice kasama sa order ko, minsan nga pag tomjones ako masyado eh 2 pa. Pero kahit anong lamon at kain ang gawin ko, di pa din ako tumataba.. huhuhu.

  7. Miss Kengkay,

    Mas okay yung ginagawa nung mga nakikita kong nanay nung mga batang yagit na ginagawa nila sa mga anak nilang may uhog. Haha. ^_6 Ewan ko lang kung masikmura nyo kung paano nila tanggalin yung uhog sa mga makukulet nilang chikiting. Haha. ^_6


Leave a comment

Categories